Phoenix's Bet

317 5 0
                                    

Chapter 2:

"Eto na ho ung files na kailangan pirmahan, Ms. A." nilapag ng assistant kong si Gella sa table ko ang sangkatutak na folders. Naku naman, baka di ako makapag bar ngayon.

"Tsaka mayroon po kayong meeting with the managers about dunsa projects later." dugtong nito. 

"Sige, pakiremind na lang ako mamaya. Thank you. Pwede ka ng mag lunch ngayon." sabi ko sa kanya ng di tumitingin.

Masyado kase kaming busy this past few months. Meeting dito. Meeting doon. Overtime. Minsan pa nga inabot na ako ng 3 am nung isang beses kase tambak na yung trabaho. Balak kase naming mag expand. Yung business ko kase ay sweets and chocolates. Yup sweets and chocolates.

Kung ang mga drug pusher, shabu ang kinahuhumalingan at ang geek ay sa computer naman. Ako naman may addiction din. Weakness ko kase ang sweets. Lalong lalo na ang chocolates! Yummm~! Itsura pa lang nung chocolate, masarap na pano pa yung lasa diba? ^____^

Wonderland of Sweetest Addiction.

Yan yung name ng company na sarili kong tinaguyod. Andian lang sina Mommie at Daddieloves para suportahan ako. Sila ang number one fan ng mga una kong gawa at pagtatayo nito. Binigyan nila ako ng panimula at ako na syempre yung nagpalago nito nuh! 

Di man sa pagmamayabang pero nasa lahi na namin ang pagiging business minded at magaling talaga kami sa field na yun. Sina Mommie at Daddie, may sarili silang business na minana nila sa mga magulang nila. Pwede ko naman kunin manahin din yun.

Actually sakin nga daw talaga ipamamana yun eh. Kaso gusto ko na may sarili din akong matatawag na talagang akin. Di lang yung minana ko lang. Parang pwedeng ipagmalaki kumbaga.

Napasimangot ulit ako ng mahagip ng mata ko yung mga papeles na kailangang tapusin. Nubeyen. Matatagalan pa ulit ako. Bilisan ko na nga lang. -_____-

Agad kong sinubsob ang sarili ko at nagsimulang magtrabaho. 

Di pa man ako nagtatagal ay meron naman kumatok sa opisina ko. Pagbukas ay lumitaw agad ang nakangising pagmumukha ng kapatid ko. Si Phoenix Ferrars. Nakakatanda kong kapatid. Gwapo syempre. :D

"Oh? Anung ginagawa mo nanaman dito?"  bungad ko agad sa kanya habang papalapit sya sa table ko. "Diba may trabaho ka? Tumakas ka nanaman nuh?! Bumalik ka na dun! Sabihin ni Mommie kinikunsinte nanaman kita."

Minsan naiisip ko kung sino ba talaga samin ang mas matanda. Ako ba o sya? -____-

"Parang binibisita lang kita ah. Masama na ba yun ngayon? Miss ko na kaya ang napakaganda at napakasexy kong kapatid. Alam mo naman  na dalawa lang tayo ang magkapatid diba?" painosenteng sagot nito sakin.

Seduction 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon