CHAPTER 46
THIS IS SO AWKWARD. Nandito kami ngayon sa cave o kung anuman ang tawag dito sa secret place ng Lolo ni Daniel. Uhm... Let's just call it Lazuli. Okay? Tandaan niyo ha? LAZULI, ang secret underground place ni Lolo Danilo. Umagang-umaga pa lang pero nandito na kami. It's 6 in the morning. Aga 'no? Medyo inaantok pa tuloy ako.
Napahikab ako. Para akong tangang nakatayo rito. Nandito si Lola Katarina, Tito Damien, Tita Elena, Daddy Dan at Mommy Kathy. Ang awkward talaga. OP here. Nakatayo sila sa sari-sariling cedar chest na para sa kanila.
Si Daniel kausap 'yung tatay-tatayan niya, si Tito Damien. Medyo malayo ako sa kanila, nakakahiya e. Sinabihan rin naman ako ni Daniel na dito na muna. Sina Kaycee at James naman, iniwan ko muna kay Julia kanina.
Bigla kasing dumating sina Lola, Tita at Tito kagabi. Nagkagulo tuloy, sa sobrang kaguluhan, hindi na ako napakilala ni Daniel. Hindi tuloy ako nakatulog nang maayos at naaalala ko pa rin 'yung pangyayari kagabi. Napahilot ako sa sentido ko at napapikit.
***
MASAYA kaming nag-uusap sa may sala habang nangungulit si Liit at Kaycee, tinatawanan namin kasi nalilito pa rin sila sa amin nina Daddy Dan at Mommy Kathy.
"Mommy! Daddy! Heehee!"
"Umma! Appa! Teehee!"
Natawa naman kami. Pareho kasing ganoon 'yung tawag nila. Hindi nila alam kung kanino pupunta, kung sa amin ba o sa kanila. Pabaling-baling ng tingin e. Buti magaan ang loob nila sa totoong magulang ni Daniel. Ang kulit agad. Kahit 6 years old na 'yung dalawang bulilit, parang mga baby pa rin. Ginagawa kasing baby nina Mommy at Dad. Namiss siguro nila.
Malungkot akong napangiti. Hindi kasi nila nakitang lumaki 'yung mga anak nila kaya bumabawi siguro ngayon. Tahimik lang namang nakangiti si Daniel dito sa tabi ko habang nakaakbay sa akin. Nakaupo kasi kami sa sofa. He must be enjoying the moment. One big happy family?
Nagulat na lang kami nang may biglang nagdoorbell. Lahat kami napatingin sa direksiyon ng pinto, nakakunot noo at nagtataka. Sino pang bibisita sa ganitong oras? Gabing-gabi na a.
"I'll get it," sabi ni Daniel.
Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. Sinusundan namin siya ng tingin, pati si Kaycee at Liit napatigil sa paglalaro. Hinihintay naming makita kung sino 'yun.
Binuksan niya 'yung pinto pero hindi yung fully open kaya hindi namin nakikita. Kinakausap niya kung sino man 'yung nasa labas kaya malamang kakilala niya.
Pagkatapos ng ilang sandali, pinapasok na niya. Tatlo sila at naglakad papasok. Pagtingin nila sa direksiyon namin, napatigil sila at nanlaki lahat 'yung mata. They were all staring at Daniel's real parents.
BINABASA MO ANG
Dreams, Destiny, and You?
Fanfiction[Daddy? Series 2] I was haunted by these DREAMS, despised by DESTINY, but there's one question that is stuck in my mind... Will it still be YOU?