Capitulo Treinta y uno: Christmas Grand Ball

45.2K 719 202
                                    

A/N: Sorry po late UD. Busy po kasi sa school, siningit ko lang itey. Saka ulitin ko lang po, dun sa mga gustong magbasa ulit nung book 1, basahin niyo na po bago mapublish, madedelete po kasi yun. Tenkyeee.~ Saka dun sa mga gustong sumali, may contest sa group ng Daddy? at LISW Sali po kayo kung gusto niyo. Link ng group sa external link.

 Rules: 

1. Minimum of 2000 words, maximum of 2500 words
2. Lahat po dapat sumali 
3. Genre: Any
4. Topic: Wattpad (Most memorable experience ninyo. Gawin ninyong kwento)
5. Deadline: April 19, 2014

-Ipasa thru PM kay Kyasurin Louise at Yilin Conde(FB)

Eto yung mga prize:
1st Prize: 

-Daddy? Published Book 
-Weight for Love Published Book
-Video Trailer for your story
-Book Cover for your story
-Dedication from stuckindreamworld and yilin04

2nd Prize: 
-100pesos load
-Book Cover for your story
-Dedication from stuckindreamworld and yilin04

3rd Prize: 
-50 pesos load
-Book Cover for your story
-Dedication from stuckindreamworld and yilin04

Ayun lamang po. Enjoy reading! Salamat po sa paghihintay. Labyu. :*

----------------------------------

CHAPTER 31

ZANDER/DANIEL'S POV

Ngayon yung Christmas Ball namin. Kanina pa ako hindi mapakali, si Chands kasi, huwag ko na raw sunduin mamaya para surprise. Tss. Daming alam. E ang suot naman namin, cosplay daw na pwedeng pangsayaw. Sa mga babae, dapat yung dress daw na cosplay. Sa mga lalaki naman, kahit ano raw basta yung matino. Arte. Host kasi yung Art Academy e. 8 pm pa magsisimula, nandito pa ako sa bahay. 4 pm pa lang naman kaya ayun, tinatamad pa nga ako magbihis e.

"Daddyyyyyy! Huwaaaah! Aaaaaah!" 

Ayan, si Liit, takbo nang takbo habang sumisigaw. Parang babae yung sigaw niya. Lintek. Haha. Paikot-ikot siya kaya nakakahilo tuloy.  Ginugulo ako tapos pumupunta kay Lola. Hindi rin mapakali ang lokong bata. Ang kulit, grabe.

Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na sa kwarto. Nakita ko sa may higaan yung costume na isusuot ko mamaya. Black suit with mask na parang isang magician. A basta ganun, basta gwapo ako diyan. Maniwala kayo. Kailangang gwapo mamaya, yung maiinlove nang paulit-ulit si Chands--este Cara. Yung kahit nakamaskara ako, gwapo pa din. Kailangan kasi nakamask lahat e. Cosplay Masquerade Ball? Tss. Muntanga. Makaligo na nga...

[Picture nung suot nila sa side--->]

ALAS-SIETE na ng gabi, bihis na bihis na ako. Nakaayos na, gwapo siyempre. Kanina ko pa tinatawagan si Miss Weirdo kaso hindi sumasagot. Tch. Slowpoke forever. Nagdinner na rin kami  kanina tapos bagsak sa kama si liit, tulog na tulog. Nabusog kasi. Mas maayos na yun para hindi ako kulitin na isama siya. Bawal siya doon, baka mapa'no pa e.

Sinubukan ko ulit na tawagan si Cara kaso wala talaga. Napailing na lang ako at bumaba na sa may sala.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon