SC 2: From Paris with Love

19.9K 515 103
                                    

A/N: Asa kayong may BS 'to. 'Di ako marunong no'n. HAHAHA. Last SC guys. Yung KKB na i-uupdate ko. Tungkol sa anak na nila Chands at Dj 'yun, si Zeke. Nasa external link yung story. :P

------------------------------------

SPECIAL CHAPTER 2

 

 **CHANDRIA**

NAGISING AKO na may ngiti sa aking mga labi. Sino ba namang hindi mapapangiti kung paggising mo... mukha ng lalaking mahal mo 'yung makikita mo 'di ba? Ang gwapo niya talaga lalo na 'pag tulog. Ang amo ng mukha. Pero 'pag gising... naku! Alam na, mapang-asar na nilalang.

Nanlaki na lang 'yung mata ko nang bigla niya akong hinalikan. Smack lang naman. Gising pala ang walang hiya! Nakakahiya kaya. Ayun siya, ngiting-ngiti--nakangiti nang nakakaloko. Kainis lang. Pero...ugh. Ang sakit pa rin ng katawan ko. That was one hell of a night. Gano'n pala feeling no'n. Shete! Nakakahiya.

Ang landi landi mo Chands. Naku! Aish!

Biglang nag-init 'yung pisngi ko sa naalala ko! Pwede na bang mag-evaporate? Nakakahiya kasi talaga... sobra. Pwede na akong matunaw sa kahihiyan. Bigla tuloy akong napatalikod ng higa. Narinig ko namang biglang humagalpak sa tawa 'yung asawa kong walang hiya. Leshe niya.

Naramdaman kong bumangon na siya. Nakapikit lang ako at pinapakiramdaman ko lang siya. Narinig ko 'yung mga yabag niyang paalis at pati 'yung pagsara ng pinto. Aba'y bastos 'yun a. 'Di man lang bumati ng good morning.

Dinilat ko na 'yung mata ko at sumulyap sa may pinto. Ang liwanag na pala, pumapasok dito sa loob ng kwarto 'yung sinag ng araw na nanggagaling sa labas. Wala sa sarili akong napatayo kahit masakit pa rin 'yung katawan ko at pupungas-pungas na naglalakad nang bigla akong mapatingin sa baba.

"Aaaaah!" Nagulat ako at napatakbo pabalik sa kama sabay binalot ng kumot ang buong katawan ko. Parang tumaas lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. Pulang-pula na. Napatingin ako sa sahig at nakita kong nakakalat doon 'yung mga suot namin kagabi pati 'yung... 'yung... 'yung LINGERIE!

Shete. Leshe. Kainis. Kahihiyan! Isang malaking kahihiyan po!

Hoo! Kalma Chands! Kalma!

Nang mahimasmasan ako makalipas ang ilang saglit, tumayo na ako habang nakabalot pa rin 'yung kumot sa buong katawan ko. Hinanap ng mata ko kung nasaan 'yung cabinet. Leshe po talaga! Nakahubad kasi ako, as in walang-wala. Ang tanga tanga ko forever! Bakit hindi ko napansin 'yun kanina?

Agad kong kinalkal 'yung cabinet na nasa kwarto at thank God, buti na lang may damit ako roon at nakaayos na.

Humablot ako nang susuotin at dire-diretso ako sa banyo. Pasuray-suray akong naglalakad dahil masakit pa rin 'yung ano ko... 'yung alam niyo na 'yun. Basta 'yun. Magshoshower at mag-aayos na muna ako ng sarili. Dyusko Lord talaga! Nakakahiya kasi kanina.

Malapit na yatang mag-isang oras nang matapos ako at makalabas. Nakaayos na't lahat lahat para ready kung sakaling may pupuntahan man kami. Nagtataka na ako dahil hindi pa rin bumabalik si Daniel.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon