RS 5 (Vacation)

11 1 0
                                    

'Vacation'

C L E O

We are going for 1 week vacation bago magfirst day of school. Pangasinan here we come! I already packed my things last night. I just have 2 bags that I'll bring. Kasya na yun sa 1 week stay namin dun.

I brought my gadgets, shirts, shorts, pants, underwears, swimsuits, and sandals. No need to bring heels dahil baka putikan dun and of course, di ako gagaya kay Sav na ang o.a. masyado sa mga dadalhin.

Krinnggg kringgg

My phone ring and Xenon's name pop out so I answer it immediately.

"Hey" I greet him

"Hey. Already done?" He ask me

"Yeah. Saan na ba kayo?" I ask him. Isang Van lang kasi ang gagamitin namin papunta doon at magsasalit-salitan na lang sila magdrive para hindi hassle.

Yung Van na gagamitin natin ay kumpleto na may bed, kitchen, and mini sala where we could rest and eat. It's like a mini house inside the Van.

"Sinusundo si Matt. Next stop, ikaw naman susunduin so get ready." Sagot niya.

"Alright. I'll just wait for you here. Ingat" Paalam ko sa kanya bago binaba ang tawag.

Binuhat ko na ang mga dadalhin ko at bumaba sa sala para doon sila hintayin. Alam kong matatagalan sila niyan. It's 3 in the morning right now kaya alam kong mga kagigising lang nang iba sa Royalties.

"Aalis kana iha?" Napalingon ako sa hagdanan at nakita doon si Nanang. Nanlaki ang mga mata ko at biglang napatayo sa upuan.

"NANG!" Tumakbo ako patungo sa kanya ng makababa siya at dinamba ko ng mahigpit na yakap.

"I miss you Nang" Sambit ko at nanglalambing na yumakap sa kanya na kinatawa niya. Si Nanang kasi ang nag-aalaga saken simula pa nung bata ako sa tuwing wala ang mga magulang ko. She became my second mother and I love her so much katulad ng pagmamahal ko kila Mom.

"Ikaw talagang bata ka hahaha. aalis kana ba? Saan na naman ikaw pupunta? Ang aga pa masyado ah" Nagtatakang tanong niya saken.

"Nang. Pupunta po kami ng barkada sa Pangasinan. Doon sa biniling Mansion dati nila Mommy. Mga 1 week daw muna kami doon at bago magpasukan makakauwi na din kami" Paliwanag ko sa kanya na mukhang naguguluhan pa din.

"Ganito kasi Nang. Sila Mom ang nagsuggest na imbis na Paris ang puntahan namin eh sa Pangasinan na lang daw tutal doon din naman daw sila galing. Ikaw nga Nang di ka nagpaalam saken. San kaba nagpunta? 2 days kang wala dito" Paliwanag ko at saka nalungkot lungkutan sa harapan niya.

"Ganoon ba. Aba'y pasensya na. Nagkaroon ng problema yung apo ko. Nagkasakit siya at naospital kaya nagmadali akong nagpaalam sa mommy at daddy mo tsaka wala ka din dito nung umalis ako" Sagot naman sakin ni Nanang at bakas sa mukha niya ang pag aalala at lungkot.

"Hala? Kailangan niyo po ba ng tulong Nang? I can lend you some money para mapagamot yung apo niyo. Sabihin niyo lang po. And, How's your grandchild? Maayos na po ba lagay niya?" Nag aalala ko ding tanong sa kanya. Nakilala ko yung apo niyang si Andrei nung dinala niya ito dito noong nakaraang taon at sobrang gwapo at bibo ng batang yun.

Umiling naman si Nanang sa alok ko.

"Nako ayos naman na siya at hindi mo na kailangan tumulong dahil alam mo namang nahihiya akong humingi sa inyo" Nahihiyang sambit niya. Kumunot naman ang noo dahil sa sinabi niya.

"Nanang naman. It's the least that I can do para naman makabawi sa pag-aalaga niyo saken kahit na pasaway ako sa'yo" Nagtatampo tampuhan kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga naman siya saken at umiling iling.

ROYALTY SERIES: Cleo CassiopeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon