Thank you kay balq @Kyla Arbo sa paggawa ng cover netong story ko. Labyu bal mwaps 😘
____________________
'Deal'
C L E O
Pagkatapos ng nangyari kagabi ay di ko na alam kung paano ako nakapunta dito sa kwarto ko. Damn! Naging mabait ba talaga ako sa unggoy na yun? Omygosh!
I guess talagang nahuhulog na ko dun sa unggoy na yun. But as much as possible wag ipahalata dahil baka mas lalong lumaki ang ulo niya.
Pabaling baling lang ako ng higa habang iniisip yung pag uusap namin kagabi.
"You won't really yell and nag me?" Nanlolokong tanong niya saken kaya naparoll eyes na lang ako at umayos ng upo.
"Why? Gustong gusto mo talagang inaaway kita?" Balik kong tanong sa kanya. This time, humarap nako sa kanya para mapagmasdan siya.
He was wearing a whirt tshirt na bakat na bakat sa katawan niya, a basketball short with his messy hair. He have this tan skin and gray eyes na hinihigop ako papunta sa ibang dimensyon. deym. He look like a freaking god.
Mukhang napansin niya na nakatitig ako sa kanya kaya unti unting kumurba ang mga mapupula niyang labi at nagpakawala ng isang ngisi.
"You're drooling too much babe" hinaplos pa niya ang labi ko na parang may pinupunasan. Nanlaki naman ang mga mata ko kaya napalo ko ng malakas yung kamay niya at dali dali tumalikod sa kanya at pasimpleng nagpunas ng laway ko.
But I stop when I hear his laugh. Fuck! Niloloko niya ko.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin pero mas lalo lang siyang tumawa. Hawak hawak niya sa isang kamay ang kayang tiyan at nagpupunas ng luha ang kanyang kabilang kamay. Tuwang tuwa talaga ang unggoy na'to.
"Shut it. Stop laughing asshole" Naiinis kong hayag sa kanya pero ang unggoy gumulong na sa kinauupuan niya.
Nakakatawa ba yung itsura ko kanina? May nakakatawa ba dun? Masyado namang masaya tong unggoy na to.
"Yah!"
"F-fine fine. pfttt. I-Im sorry. N-Nakyukyutan kasi ako sayo hahahha masyado ka kasing mapaniwala hahahaha so nagdrodrool ka talaga saken?" Natatawa niyang pahayag pero kalaunay ngumisi na naman.
"Ang lakas talaga ng apog mo kahit kailan" Inirapan ko na lang siya at hinilig ulit ang ulo ko sa balikat niya. He stiffen pero kalaunay kumalma din. Napangiti na lang ako.
Hmmm. He smells so good.
Siguro kahit nasa malayo ako, maamoy at maamoy ko pa rin siya. Kahit magsama sama yung mga pabango nila, mangingibabaw yung pabango niya.
His smells can be addictive. Para akong hinihele at bigla akong inantok. Napahikab ako kaya napatingin siya saken.
"Sleepy?" I nodded. He put his right arm on my shoulder and pat my head.
"Sleep my princess. Sweetdreams" Unti unti akong napapikit hanggang ayun na lang ang huli kong narinig at naramdaman kong may humalik sa noo ko.
Napahawak ako sa noo ko nang maalala ko yung paghalik niya saken. Gosh! Feeling ko nag iinit yung mukha ko at ang bilis din ng tibok ng puso ko. Ano bang kagaguhan ang sumanib saken at nagpahalik ako sa isang unggoy?
Tinaktak ko ang ulo ko habang umiiling. Damn! Tanga tanga ko talaga. Baka mahawaan ako ng virus nun at maging isang unggoy na din ako. Omygod!
"You looked like an Idiot Cassy"
BINABASA MO ANG
ROYALTY SERIES: Cleo Cassiopea
RomanceROYALTY SERIES #1: CLEO CASSIOPEA Cleo Cassiopea is a perfect girl for everyone's eyes. Tinitingala siya ng lahat. Ultimo paghinga, pagbahing at pagutot niya ay nakamata ang mata tao. Hindi dahil para pagtawanan siya kundi dahil isa siya sa miyembro...