RS 1 (The Royalties)

22 1 0
                                    

'Meet The Royalties'

C L E O

Wild people. Smoke everywhere. Hard drinks. Kissing. Making out.

Yan ang aking mga nakikita ngayon.

Pagpasok namin ng bar ay habol kami ng tingin ng mga tao. Tss! Ngayon lang ba sila nakakita ng magaganda't gwapo? Sabagay endangered species na kami eh. Kaya sila nagkukumahog na mapansin sila.

Oh well! Who wouldn't like us. May looks, Mayaman, Matalino, Cool, at hinahangaan ng lahat. Kami ang Royalties.

Royalties? Tss! Pasimuno ng mga magulang namin to. Magkakaibigan kasi ang mga magulang namin kaya napagkasunduan nila na gawan kami ng grupo para magkasundo din kaming mga anak nila. And well, Here we are. Bestfriends since birth.

There are 10 members in Royalties. Six boys, and Four Girls.

I am Cleo Cassiopea Slater. 18 years old. Half filipino and Half American. Gorgeous, Smart, Sexy, And definitely Single. Sabi ng iba maarte at mayabang ako but nope may mas mayabang pa sakin sa grupo at makikilala niyo din sila. Eventhough naartehan sila saken mas madami naman ang may gusto saken. They like my Fashion sense and of course they like me because I'm beautiful. Duh! Ako ang pinakamaganda sa Royalties. Haha.

"One martini please" Napalingon ako sa Royalties ng magsi-order na sila.

"What do you want?" Xenon asked me.

"Whiskey" Maikling sagot ko at tumango naman siya.

Siya si Xenon Faulkner. 19 years old. Ang pinakatahimik sa Royalties. Magsasalita lang yan kung kelan niya gusto at kung may sense ang sasabihin mo dahil kahit anong daldal mo diyan kung ayaw niya naman makipag- usap sayo ay walang kwenta din kasi para kang nakikipag-usap sa pader. May kakambal siyang babae at siya si Xena Faulkner, Ang kaibahan nila ay mas maingay tong babaeng to. Laging hypher. Di namin alam kung lumalaklak ba to ng energy drink. Madaldal masyado kabaliktaran ng kakambal niya. Mas matanda silang dalawa samin pero di namin sila tinatawag na ate at kuya dahil di kami sanay.

"What are you thinking?" Nakataas na kilay na tanong saken ni Sera.

"Iniisip ko kung gaano ako kaganda ngayon" Nakangisi kong sabi sa kanya na ikinaismid niya saken saka uminom ng kanyang alak.

Napailing na lang ako. Di talaga nila tanggap na mas maganda ako sa kanila.

Siya si Seraphine McCartney.18 years of age. The meaniest girl in Royalties. Well, Ganyan talaga siya simula nung mga bata pa lang kami. Maarte in yan pero mind you, Ang galing niyang kumanta. Kaya nga madaming humahanga sa kanya dahil sa boses niya. Maganda din siya pero mas maganda ako.

"Duh! Mas maganda ako sa inyo" Singit sa usapan namin ni Sera na si Sav.

"Gago! Mas maganda ako sa inyo kaya wag na kayong umangal" Asar kong sabi sa kanila kaya nagroll eyes ang dalawa saken na kinatawa ko.

Siya si Savannah Calixta Evans. She's also 18 years old. Siya ang pinakamataray saming Royalties. She's a model. Actually lahat kami nagpapart time model dahil ito ang gusto namin. Sayang naman ang kagandahan at kagwapuhan namin kung di namin ipapangalandakan.

"Oh geez! Wala na ba kayong ibang pag-uusapan kundi ang kagandahan niyo?" Asar na tanong ni Matthias kaya napangisi kaming tatlo sa kanya.

"Yes? Any problem?" Pagtataray ni Sav.

"Kung ayaw mo makinig edi wag kang makinig. Duh! Pwedeng-pwede ka nang makaalis. Shooo" Pagtataboy naman ni Sera.

That man is Matthias Porter. Ang isa sa mga Playboy ng Royalties. Same with Grayson Packer Andromeda na pinangalandakan na packer talaga siya and si Atticus Beckham na nasa dancefloor na at may kasayaw na dalawang babae na labas ang kaluluwa.

ROYALTY SERIES: Cleo CassiopeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon