"Pre, matunaw." Sabi ni Cloud.
"Ulol." Sabi ko at binatukan siya. Tinawanan lang naman ako ng dalawa.
"Paano naman eh tinutunaw mo na si Bliss sa mga titig mo." Sabi ni Sky.
"Bliss?" Tanong ko sa dalawa. Tinawanan nanaman nila ako ulit. Wow ha, I've become a laughing stock.
"Yung pianist ng Milky way." Sabay nilang sabi.
"Teka, paano mo nalaman ang pangalan niya? Eh ngayon lang nga natin yun nakita."
"Hay nako pre, kaya nga namin alam na may bandang tutugtog ngayon dahil kay Bliss. Pinsan namin yun. Pinakaclose naming pinsan." Naiwan naman akong nakanganga.
"Tara na nga!" Hinila ko na sila patungong exit.
"ZEUS ALEC ARTEMIS! WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING?!"
"Patay ka pre." Yeah right. Patay na talaga ako ngayon. Oh sht.
"Hi ate Dian! I missed you so much!" Yeah ate. Patay talaga ako. Ba't ko ba nakalimutan?
"Don't ate me! ALAM MO BANG ILANG ORAS KITANG INANTAY?!"
"Sorry ate. I forgot." Piningot naman ako ni ate. "Aray naman ate!"
"Yan ang dapat sayo. Kinalimutan mo akong sunduin sa airport?! At nalaman ko na lang kay Claus na nandito ka—Hi Sky, Cloud!—Sarili mong kapatid kinalimutan mong sunduin?! How dare you!" Tumawa naman sina Sky at binati si ate.
"Oh Chill ate, maaga kang mamatay pag ganyan." Tumawa silang lahat except kay ate.
"Hay nako, ewan ko ba sayong bata ka, at anong pinagaabalahan mo ngayon at kinalimutan mo 'kong sunduin?" Sasagot na sana ako ng may biglang dumating.
"Hey guys!" Bati ni Kuya Claus.
"Thank God Kuya andito ka na! Muntik na akong papatayin ni ate!" Tumawa silang lahat. Binelatan lang ako ni ate.
"Ikaw nman kasi Zeus, hindi mo sinundo si Dian. Buti na lang at hindi ako busy kaya iniwan ko muna 'tong bar. Kundi ngayon, pinaglalamayan ka na namin."
"Salamat talaga kuya."
"Che, bakit nga nakalimutan mo kong sunduin?"
"Eh kasi ate Dian, etong si Zeus nabighani sa pinsan namin. Yung pianist ng banda kanina." Biglang lumiwanag ang mukha ni ate at tumawa si kuya.
"Ikaw dre ha, hanggang yun ba naman! Ang dami mo nang chicks!" Sabi ni Kuya Claus.
"Heh." Sabi ko.
"Anong pangalan niya? Buti naman at nakamove on ka na kay Althea! Hay jusko kang bata ka!"
Ayun nabanggit nanaman ang pangalan niya. Yeah siya. Iniwan niya ako. Iniwan niya ako sa ere, niloko niya pa 'ko. Pinagmukhang tanga. Ako rin nagpakatanga sa kanya. Bwisit yung babaeng yun. Nauto niya ako.
"Hoy Zeus! Ano ngang pangalan?!" Hindi ko siya sinagot.
"Si Bl- oomph." Tinakpan ko ang bibig ni Sky. Lokong to. Tumawa naman si Kuya.
"Ano ba Zeus! Sino nga?"
"Si ano ate Bl- ARAY KO!" Sinipa ko si Cloud. Mas lalong tumawa si Kuya.
"Si Bl- oh chill!" Sinamaan ko ng tingin si Kuya.
"Hay nako Zeus sino nga yung unlucky girl?!"
"SI BLISS!" Sabay nilang sigaw. And nangyari ang kinakatakutan ko, bigla siyang nag appear out of nowhere. I am so dead.
"Ano pong kailangan nila sa 'kin?"
What will I do now? Oh fck.
BINABASA MO ANG
Ever Enough? (On-Hold)
Teen FictionI will always be yours forever and more, through the push and the pull. I did everything just for you to notice me. Is this Ever enough? On-going | Slow updates • Cover pictures are not mine cto •