"Umuwi ka muna Zeus, kahapon mo pang binabantayan si Serene. Kami nanaman ang mag babantay sakanya, matulog ka na." Pinapauwi na ko ni Ate Dian, We are all so tired and exhausted. Our day was so unexpected.
Before I decided to go home, Naglakad lakad muna ako sa garden ng hospital. Sabi ng mga doctor stable na raw ang kalagayan ni ate, alam naman namin kung bakit siya nagwala kahapon.
Yesterday was the death anniversary of her bestfriend and the day that she dreaded the most. Naaawa talaga kaming lahat kay ate. Dinama niya ang lahat nang iyon, hanggang sa hindi niya na kinaya.
Yesterday, a few years back something terrible had happened. Umuwi si ate Serene sa amin nang umiiyak, magang maga ang kanyang mata. We tried talking to her pero hindi niya kami kinakausap, patuloy lang siya sa pagiyak.
Kaya wala kaming magawa kundi patahanin siya. She was such a wreck. Then she finally told us the reason behind her pain.
Ang gago nung ex fiance niya. Pinagsamantalahan siya, pumipiglas daw si ate pero hindi patuloy pa rin ang gagong yun sa panggagahasa sa kanya.
She was crying, she didn't want to risk her being for that man. Hindi niya inakala na ganoon pala ang lalaking dapat niyang papakasalan.
She doesn't have the strength to fight back, kahit anong piglas, anong sigaw at kung anong iyak niya ay hindi pa rin siya makawala sa gagong yun. She was so messed up and broken. That was just the first strike.
"Hindi ko alam kung bakit ko siya minahal. Papakasalan ko sana ang lalaking iyon, pero shit naman eh gulong gulo na ako." Patuloy pa rin sa pag hikbi si ate Serene. But it didn't end there.
Galit na galit kaming lahat sa gagong yun. Hindi niya lang pinagsamantalahan iyong ate namin, niloko niya pa! Tangingang yan.
We were at the mall, the three of us, ako si Ate Dian at Serene. Dinala namin si ate Rene sa mall para makalimutan niya kahit papano yung mga problema niya. Napakahirap nang kanyang pinagdadaanan. We decided to watch a movie. Ano pa man ang papanoorin since puro babae ang kasama ko?
A love story.
Great, just great.
Hindi na rin ako kumontra inisip ko na para kay ate Rene ito. The movie was starting, hindi naman makaiyak ang umpisa pero humihikbi na sa tabi ko si ate Rene. What's wrong with her?
"Ate ba't ka umiiyak?" She was stunned dahil napansin kong tumutulo na ang kanyang mga luha. Umiling iling lang siya. So I let her be. Pero hindi pa rin eh, nung nasa kalagitnaan na nang movie lumabas si ate Rene nang sinehan ng walang paalam. Si ate Dian naman ay mukhang nag eenjoy sa movie kaya iniwan ko muna siya at sinundan si ate Rene.
I was shocked. But when my senes came rushing back sinuntok ko yung gagong fiance niya. Tangina, ang galing niyang gumago! Napaupo sa sahig si ate Rene habang umiiyak, patuloy pa rin ako sa pananapak sa lalaking iyon. Magbabayad siya.
Why did I punch him? Akala mo santo sa bait yun pala may tinatagong baho. Kahalikan niya yung bestfriend ni ate. Yung bestfriend! What the heck?! Inaawat na ako ni ate Rene at nakita kong tumatakbo palabas si ate Dian ng sinehan she was shocked too.
"Gago ka! Tangina! Yan ang isusukli mo sa ate ko?! Sa higit na 3 taong pinagsamahan niyo? Kagaguhan mo pare, sa bestfriend pa ni ate. Sa lahat ng tao sa mundo, bestfriend niya pa ang pinatulan mo! Tangina mo!" Ang daming taong nanood sa amin.
Parang may teleseryeng nagaganap.
He smirked at us habang pinupunasan iyong dugo sa gilid ng labi niya. I really want to punch his face again!
"Anong akala mo? Anong inakala niyong lahat? Na mahal kita Serene? Ha! Paano ko mamahalalin ang isan katulad mo na walang kwenta? Wala kang silbi! Hindi ko alam kung bakit ang daming nahuhumaling sa iyo pero wala ka namang kwenta!"
Akmang lalapitan ko na sana siya nang hinigit ako sa braso ni ate Dian, nilapitan naman ni ate Rene si Jess. Sinampal niya ito at sinipa sa where it hurts. Nagulat ang mga taong pinapanood kami.
"ANG TANGA KO ANG GAGO MO. MINAHAL KITA IBINIGAY KO ANG LAHAT, ANG LAHAT LAHAT NA MAYROON AKO SAYO JESS! PINAKAWALAN KO ISINUKO KO ANG LAHAT. KAHIT IYONG BAGAY NA PINAGIINGATAN KO AT AYAW KONG IBIGAY SAYO AY NAKUHA MO. TANGINA MO!"
"I don't know why I fell for an arse like you. Kung mayroong walang kwenta sa ating dalawa ikaw 'yon Jess! Ikaw! Gago ka, bestfriend ko pa. Ang nag iisa kong bestfriend. Minahal kita nang sobra, sobra pa sa buhay ko. Pero ito ang isusukli mo sa akin? Then fuck you all." Itinapon niya ang singsing na binigay ni Jess sa kanya at tumama ito sa mukha niya.
Bago pa kami gagawa ng mas malaking eksena, hinila na namin si Rene patungong parking lot. Hinayaan lang namin siyang umiiyak habang paalis kami ng mall. Hanggang sa nakatulog siya sa biyahe.
Mas naging payat si ate over the next weeks. Pumayat at pumutla siya. She even tried killing herself. We often times see her stare at nothing. Basta nakatitig lang siya sa kawalang. She doesn't eat.
She tried taking her own life. This went on until nabaliw na talaga siya. It pained us to see her in that kind of state. Hindi namin naimagine na siya, ang happy go lucky naming kapatid na walang pinoproblema sa buhay ay magkakaganyan.
I didn't know that the effect of loving a person can often be suicidal. Dahil lang sa maling pagmamahal ay nawasak at nasira na ang buhay ng ate ko. Even I didn't tried loving or finding another girl again. Natakot ako.
Ate Rene was out of control. Twice a week siyang nagwawala. Dumagdag pa na naaksidente yung bestfriend niya, yung kabit nung gagong ex niya. HIndi ko alam kung karma ba yun oh ano, namatay ang bestfriend ni ate.
Mas lumala ang pagwawala niya, everyday, every single day, umiiyak siya. Kasalanan niya raw ang lahat kahit hindi naman. Wala kaming magawa. Kaya dinala na lang namin siya sa Unstabledly Troubled. Medyo mapalit lang iyon sa tinitirhan namin.
Every month dinadalaw namin siya, pero kami ang ni ate Dian. Wala nang pake si Daddy sa aming tatlo kung ano ang gagawin namin sa mga buhay namin. Sakit daw kaming lahat sa ulo. Maaga raw siyang mamamatay dahil sa amin. Si Mommy rin ayun, iniwan kami. Iniwan kami sa ganitong kalagayan.
My parents are so great, right? I smiled bitterly at that thought. Never knew that my life would be this complicated. Pero kahit anong pag subok kinaya naming magkakapatid. Nag abroad si ate para mapag-aral ako at may pangbayad kami sa hospital ni ate Rene.
Ako naman nagpapart-time lang, minsan may sweldo. At kung may racket kami nina Cloud at Skye. Kaya kahit papano nabuhay kami ng 4 na taon na walang tulong galing sa mga magulang namin.
They gave up on us. They left us shattered. We were all broken, broken in our own ways.
Kakayanin namin ito. In time magiging maayos rin ang lahat. But still hindi ko na kinaya ang mga nararamdaman ko. Tumulo na ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan. I just smiled. Para na akong baliw rito eh, umiiyak habang ngumingiti.
"AHHHHHHHHHHH!!!!" It feels so good na ilabas ang lahat ng nararamdaman mo. Nung wala na akong luhang mailabas, kumalma na ako. It was an ease for the pain that I felt for the past couple of years. Kinapa ko ang bulsa ko nang panyo. Oh darn, ngayon pa ako mawawalan ng panyo.
"Okay ka na ba?" I stood frozen. I know that voice. Kanina pa ba siya diyan? Nakakahiya kung kaita niya akong ganito. I don't want anyone to see my vulnerable side for now.
Nanigas ako sa kintatayuan ko nung narinig kong lumalakad siyang papalapit sa akin. I know its her. I feel its her.
"Magiging okay rin ang lahat Zeus." Inabutan niya ako ng panyo habang ngumingiti.
Bliss.
BINABASA MO ANG
Ever Enough? (On-Hold)
Teen FictionI will always be yours forever and more, through the push and the pull. I did everything just for you to notice me. Is this Ever enough? On-going | Slow updates • Cover pictures are not mine cto •