Chapter 3: A day with..

399 10 2
                                    

"good morning papa!"

"oh Yeon, anong meron at ang saya mo?"

"kasi naman papa niyaya ako ni Baekhyun magdate hihi"

"date? Agad? Wala ka pang 1 week sa school na yan ah!"

"galit galit lang papa? Kasama naman sina Tiffany e. Alam niyo papa dami ko ng friends dun sa school ko"

"totoo? Aba mabuti yan. Sige na maligo ka na at baka mahuli ka pa sa date niyo nung Biik na yun"

"biik?"

"yung Biikyun ba yun?"

ANG SHUNGA NI PAPA! HAHAHAHAHAHAHA

"pa! Beykyun(Baekhyun)."

"oo na. Basta maligo ka na."

umakyat ulit ako sa kwarto ko tapos naligo na. Weeee excited na ako sa date namin ni Baekhyun omgiii.

nakawhite na long sleeves ako na seethrough tapos nakahighwaist na shorts. Nilagyan ka din ng parang bandana yung buhok ko para naman cute akong tingnan hihi.

Nagpatuyo ako ng buhok tapos pinuyod ko. Baka kasi sabihin ni Baekhyun na ang banas banas tapos nakalugay ang buhok ko. Nakoooo baka maturn-off sakin yun huhuhu.

*toot* *toot*

napatalon ako sa kama kasi nagulat ako at biglang may nagtext sakin.

From bebe Baek♥:

andito na ako sa labas ng bahay niyo. Bilisan mo ayaw kong naghihintay.

omg omg. Nagdollshoes na lang ako tapos tumakbo papalabas ng bahay. Hindi na ako nakapag-paalam kayna papa.

Paglabas ko ng gate ay isang gwapong nilalang ang nakasandal sa motor niya. Nakashades si Baek omgiii.

"h-hi."

"ang tagal mo."

"s-sorry kasi wala akong mahanap na damit kanina"

"halata nga. Nagsoot ka pa ng damit kita naman bra mo"

booyah. Bakit nga ba kasi di ko naisip yun? 

Hindi ko napansin na hinagisan pala ako ni Baek ng helmet.

"dalian mo hinihintay na nila tayo"

tayo? OMGiii papakilala na ba niya ako sa parents niya? Baka sabihin nila na kaladkarin akong babae sa suot ko. Baka ayawan nila ako huhu. Tekaaa, di pa nga pala kami ni Baek tapos papakilala niya kaagad ako? Hmmmm

"teka Baek, kasi di ba nakakahiya?"

"ang alin?"

"na baka hindi nila ako magustuhan. Baka ayawan nila ako. Atsaka di pa naman tayo mag--"

"ha? Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Dalian mo nga!"

haaay. Umangkas na ako sa likod niya. Hmm bango naman niya. Kainlove hihi

"Wag mo nga amuyin. Baka mamaya masinghot mo na ako e"

"sor--- WAAAHHHH!"

bigla naman niyang pinaandar yung motor. Sheeet ang bilis niyang magpatakbo huhu. 

Nakadating na kami sa langit este sa sinasabi niyang lugar. Teka, amusement park?

EXO University(EXO FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon