Ayo! Yusraaa. para makahugot ka ng kahit anong idea para makawrite ka na ng tagalog yayyy! hohoho! belated bday gif ko na din hihihi jukk lang.
***June 4, 2014
12:00 PM
3rd Person's POV
Bumalik na sa South Korea ang mag- asawang Lim
Sa kanilang bahay ay naroon ang apat na magkakapatid na ngayon ay nasa Entertainment Room.
Nagtataka sila sa kilos ng isa pa nilang kapatid na si Shim na nakaupo sa bean bag chair.
Ikaw kaya di ka ba magtataka kung tulala at tahimik ito, Eh sa sanay sila na malikot at maingay siya. Pero bakit nga ba siya nagkakaganun? Di na rin kinaya ni Andee, ang kanyang ate.
Umupo si Andee sa isang sofa na malapit sa beanbag sofa ni Shim .
"Shim, spill it." sabi ni Andee sa kapatid niya.
"Ah eh, Walalangyun ate, may iniisiplangako." gulat na sabi ni Shim.
Nabigla ito ng tanungin siya ng kanyang ate at talagang tutok na tutok ang dalawa pa niyang kapatid na lalaki.
"Wala ba talaga Shim? Eh halos di ka na kumurap at magsalita eh." sabi ng kanyang kuya na si Ash.
"Oo nga, Para ka ngang iniwanan ng kaluluwa mo ate eh, paano pa kaya kung maputla putla ka pa? Pwede na para sa Halloween! Hahahahaha!" mapangasar na sabi ng bunso nila na si Andrew. Nag-apir pa ang dalawang lalaki at tumatawa ngayon kahit si Andee natatawa na kaso nagpipigil lang dahil baka mapikon daw si Shim.
"Ha-ha-ha dami kong tawa mga tatlo, talagang pinagtripan niyo pa ako noh, kalokohan niyo talaga sagad." sarkastikong sabi ni Shim sa dalawang lalaking kapatid. Ganyan silang magkakapatid puro asaran at tawanan lagi ang nangyayari sa kanila pero minsan minsan nag aaway- away din sila.
"Hahaha pinapatawa ka lang naman namin eh, ang tahimik mo kaya, Pero ano naman iniisip ng sister kong abnoy?" mapangasar na sabi ni Ash
"Psh, makaabnoy ka ah, close tayo?" pambabara ni Shim sa kanyang kuya.
BINABASA MO ANG
Love's Magic
Ficção AdolescenteGot To Believe in Magic lang ang peg? Paano? Ano iyon? This is based in my everyday doings. Not all are true but most of it are true. Enjoy!