Pasensya, Paalam

30 1 1
                                    

Special Playing...

This story is based on REAL LIFE AS IN REAL.

I hope you like it.
Sana makarelate kayo. :)

---*
What do you do when Something that was your Everything becomes a Nothing?.
---*
Now Playing...
PASENSYA, PAALAM

KANINA lang tawa ako ng tawa,yung tipong hindi ako maubusan ng kwento tapos yung sarili kong mga jokes ako lang yung tumatawa kasi nga ayaw nilang tumawa samantalang dati hindi pa ako nagkukwento tumatawa na sila.

Hanggang sa kusa na lang sumarado ang bibig ko,ay pinili ko na lang na manahimik..napagod na yata.

Magpapakilala na lang ako sa inyo para naman may mapala ang katahimikan ko.

Ako si Joy D. Napagod,16 yrs. Old,grade 10.Alam ko iniisip niyo na ang weird ng full name ko.
Pero alam niyo ba kung ano ang pangalan ko,'yan rin ang nagpapakilala sa kung sino ako.

Hindi ako napapagod ngumiti.

Hindi ako napapagod tumawa.

Hindi ako napapagod magsalita.

Hindi ako napapagod magpatawa't magpangiti.

Sa madaling salita, kahit kailan 'di ako nakararamdam ng pagod.

"Joy ok ka lang ba?" Tanong ng kaibigan ko,si Art it's suits to her dahil magaling siya sa pagguhit.

"OO NAMAN!AKO PA BA!" Malakas kong sambit saka ngumiti na abot mata.

"Jo-Joy may ikukwento ako?"

Bigla ako nakaramdam ng kaba,hindi dahil sa tonong ginamit niya kundi dahil sa alam ko na.

Flashback...

"Left right, left right , bent your legs GUYS!" Sigaw ko saka pumalakpak pa.
Kanina pa kasi ako nakatayo dito habang sumasayaw sa harap nila para masundan lahat ng steps na itinuturo ko.

May folk dance kasi kami kaya kailangan kong itawid ang section namin na halos mag school record na dahil laging nangunguna sa kahit na anong performance,ganun talaga kasi nga Pilot Section kami.

Kaya wala kaming magawa kundi i-meet ang expectations nila sa amin.

Kaya madalas ginagabi kami sa school na halos mapuno na ang listahan dahil sa mga puntos na tanda ng pagiging pasaway namin.

"Ok isa pa..last na..step forward then pivot...2 times then bow na tapos last practice na ulit." Wika saka ngumiti.

Matapos iyon pumunta ako sa kung saan may electric fan at naupo sa tapat nun,inilugay ko ang mahaba't diretso kong buhok na siya namang pagtapat ng hangin sa akin kaya napapikit ako.

Ang ganda ng effect hihihi.

Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa maputi't malambot kong balat hanggang sa ibang lamig na ang naramdaman ko.

"Joy..." Lilingon ba ako?

Boses pa lang kasi alam ko na,kilalang kilala ko na.

"Uyyy Jeff,ikaw pala yan." Sabi ko pagharap ko saka ngumiti as in ngiti sobrang ngiti yung abot mata basta ngiti. :))))))))))

Now Playing Where stories live. Discover now