Chapter 3

46 10 15
                                    

*****

Chapter 3

“Huy! Anong nangyari dun?” nangungulit pa rin si Era. Hinihila ko pa rin kasi siya kahit na medyo malayo na kami. Haaay!! Nakakainis talaga.

“Wala!” sabi ko lang. T_________T Whaaaa. Dapat talaga akin yun eh.

“Wala? Ano ka ba naman Bestie! Ang galing mo na sana eh! Pero dapat hindi ka nagpatalo!” sabi naman niya sa akin na parang hinihikayat pa akong lumaban. -_- Oo nga eh. Nakakainis talaga dapat hindi ko siya hinayaang kunin sa akin yun eh.

Tsh. Huminto kami sa isang restaurant. “Tara kain tayo?” sabi ko na lang.

“Hindii ayoko dyan.” sabay hinila niya yung isang kamay ko. “Dun tayo!” sabay turo niya sa katapat naming Jollibee. Hay nako. Okay. Tumango na lang ako sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pila habang paikot-ikot yung tingin ko sa labas. Hindi ko na pwedeng makita pa yun. At ayoko na. Ayoko na talaga.

Haaaay. Nakakainis ka naman Phina eh. Hindi ka naman kilala nun kaya hindi ka nun aanuhin. T3T sabi ng konsensya ko. Oo nga eh. Hindi na dapat ako nagaalala eh. Nagmumukha siguro akong shunga.

“Ma’am what’s your order?” tanong nung babae ng kami na yung nasa unahan ng pila. Si Era na yung hinayaan kong um-order. Alam naman na niya yung gusto ko eh. Basta hindi mawawala yung Sundae at Peach Mango Pie ok na ako.

Pagkatapos naming kunin yung order namin naghanap na kami ng table na mapaguupuan. Dun kami malapit sa bintana pumwesto. Magkatapat kami syempre.

Dumampot lang muna ako ng fries at tsaka isinawsaw sa ketsup. Eto talaga yung favorite ko eh. Yung gravy at tsaka yung ketsup nila. Ang sarap. :)

Nakatingin lang ako sa labas habang kumakain. Nako hindi ko na talaga pwedeng makita pa yon. Feeling ko nagiging weird na rin ako eh.

“Alam mo Bestie ang weird mo.” biglang sabi ni Era habang kumakain pa. Puno pa yung bibig niya tapos may gravy pa siya sa may labi. Kumakain kasi siya ng chicken at tsaka rice.

“Bestie yung bunganga mo.” sabi ko naman. -___- manners pwede? Adick talaga to.

Hindi naman na muna siya sumagot, parang hinintay rin muna niyang maubos yung kinakain niya sa bibig niya.

“So..” lumunok muna siya uli. Itinuro ko naman yung lips niya para punasan niya pinunasan niya rin naman. “Bakit ang weird mo?” pagpapatuloy niya.

Ako? weird? Kalian pa? o_O Baka siya?

“I’m not weird Bestie ok?” parang medyo bored ko namang sinabi. Hay nako she’s so weird.

“Wheeeeee??” sabi niya habang hawak yung frenchfries niya na nakaangat pa.

“Yeaah.” sabi ko lang at nagpatuloy na kami sa pagkain. Naging busy na rin ako sa apat na Peach Mango Pie ko. *yum yum* Heaveeeeen.

Nung matapos na ako dun sa Peach Mango Pie ko, kinuha ko naman yung Sundae ko. Tumingin na naman ako sa labas habang kumakain nun.

Nakakailang minute pa lang ako sa pagkakatingin sa labas ng may makitang HINDI inaasahan! At DALAWANG hindi inaasahan yon. Sa magkabilang left at right side ko pa.

Dun sa right side dun mismo sa katapat ng Jollibee na hinintuan naming restau ni Era nandoon yung KANINA. As in yung lalaking pinagtataguan ko. T.T Ang malas-malas ko talaga. Huhu.

Tapos doon naman sa left side sa may escalator kakaakyat lang nung dalawang iniiwasan ko rin. -_- Actually I D C naman, nabigla lang ako.

Tumingin ako ulit doon sa right side ko. Nandoon yung dalawa. Kapatid niya nga siguro yung magandang nagchee-cheer kanina. Parang nakikita ko rin naman sa kanila yung scene namin ni Era kanina. Hinihila niya yung kapatid niya papunta sa isang direction.. at papunta sila dito! :0

Hoping For Nothing [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon