Chapter 2 [No Pain No Game]

44 10 6
                                    

*****

Chapter 2

-Phina’s Point Of View-

 

“Hey Bestie!! Dun tayo daliiii bibili lang ako ng bagong issue ng Sparkling.” sabi niya na yung tinutukoy ay yung Sparkling Magazine na puro Koreans yung laman. -___- Kasama ko ngayon si Era. Diba kasi sabi ko nga babawi ako?

Nagpahila na lang ako sa kanya.

Sige kuha lang siya ng kuha dun sa mga naka-display. Mukhang pati yung ibang issues kinukuha rin niya. Hindi niya siguro nabili yung ibang issues dati. Nah. Wala naman akong pake-elam dyan. -__-

Nilink na naman niya yung kamay niya sa braso ko. “Tara na.” sabi niya ng tapos na yatang makapagbayad.

“So, saan naman tayo pupunta?” sabi ko sa kanya habang naglalakad.

“Sa Music Bar bibilhin ko yung bagong album ng SNSD at tsaka SuJu eh.”

“Aaaahh…Okay.” nganga lang ako habang tumatango-tango. -_- Kilala ko naman yung mga pinagsasasabi niya noh. Sa ilang taon ba naman ng pagiging magbestfriends namin hindi ko pa makikilala yang mga yan? Gusto ko yung SNSD eh. Idol ko si Kwon Yuri don. *0*

Pumasok na kami sa Music Bar. Nakitingin-tingin na rin ako ng mga albums doon nung kumawala na siya sa pagkakahawak niya sa akin. Nakita ko yung album ni Justin Bieber. EW.

Tumingin-tingin pa ako dun. Nakayuko lang ako dun sa mga cd’s habang naglalakad papunta sa gilid. Sa pagtititingin ko nakita ko yung album ng Paramore. Gusto ko sanang bumili kaya lang tinatamad ako. Natutuwa rin ako sa tugtog dito sa loob ng Music Bar. Napapasabay sa beat yung paa ko. Pinabayaan ko na lang rin naman muna si Era na maglibot-libot dun. Para na naman siyang shunga. -3-

Hayok na hayok siya dun sa mga cd’s. -_-

Tumalikod na ako para hindi ko na makita yung mukha ni Era. Ang gandang baliw eh. Nagpatingin-tingin lang ako sa paligid. Nakakasawa puro cd. Lumabas na lang ako doon para hintayin si Era sa labas. Nakita ko naman na siyang naka-pila sa counter.

Tumingin lang ako sa labas. Ah! Alam ko na. Buti naalala ko. :3 nawala na sa isip ko eh. Hinintay ko lang si Era sa matapos sa pagbabayad.

Pagkalabas niya nilink na naman niya yung kamay niya sa akin. Anu ba yan eh. Nakakairita. -_- Ang init kaya. Saktong June 1st nga pala ngayon pero mainit pa rin.

“Tara.” sabi ko sa kanya at naglakad.

“Saan tayo?” mukhang ewan na tanong niya.

Dinala ko siya sa Comic Alley. It’s my time. Sinamahan ko siya kaya dapat ngayon ako naman.

Sumama rin naman siya sa akin sa pagpasok doon. Ang daming taooo. Jeez.

Tumingin-tingin lang ako doon, tinitignan ko yung mga chikara hat or otaku gears. Kyaaaaaa~ so cute.

Hoping For Nothing [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon