Lachlan's Pov
Natapos ang klase at wala naman masyadong ginawa. Axel was right, Khalees can't speak. I noticed that hindi sya ngumingiti, sa tuwing may sasabihing jokes ang mga Prof ko parang wala lang sa kanya but I admit na matalino sya, sa twing tinatawag sya sa recitation ay sinusulat nya sa notebook nya then pinapakita nya samin ang sagot, that's her way para makausap sya.
"Una na ako sayo, may family dinner pa kami eh." Nakangiting paalam ni Axel sakin. Tumango tango naman ako.
"Sige, take care." Sumaludo pa muna sya sakin bago tuluyang umalis. Ako naman ay naupo sa isang benches doon para hintayin si Asher.
"Khal! Say 'ahh' Hahaha!"
"Don't say that, Em. Baka umiyak sya! Hahaha!"
"Hahaha! I don't care! She can't speak naman eh."
"She's mute. Hi mute girl! Hahaha!"
Napatingin ako sa grupo ng kababaihan na pinagkakatuwaan si Khal. Pinanood kong maglakad si Khal na parang wala syang naririnig, parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi nung mga girls.
"Hey mute girl." Lumapit ang isang babae, halata sa kanya ang pagiging maarte. Tiningnan naman sya ni Khal na parang walang interes.
"Bakit nga ba hindi ka makapagsalita ha? Hmm? Because of your father?! Hahaha." Atsaka sila nagtawanan. "Babe, come here." Tawag nito sa lalaki na sobra ang pagkakangisi.
"Touched her." Utos nung babae, parang natakot naman si Khal pero hindi makakilos, may phobia nga sya. Ako naman ay napatayo din, hindi naman ako malayo sa kanila.
Unti unting iniangat ng lalaki ang kamay, napapikit naman si Khal at bakas ang takot sa mukha nya. Hahawakan na sana ng lalaki ang mukha ni Khal when I grabbed his arms.
"Do you know how stupid you are?" Malumanay na tanong ko, napalitan naman ang mukha nya ng galit.
"Who the hell are you to talk me like that?! Bitawan mo ang braso ko, Brad. Baka hindi ako makapagtimpi at makaisa ka sakin." Mayabang na sabi nito.
"Ayusin mo muna 'yang attitude ng girlfriend mo, masyadong nakakaturn off, brad." Nakangising sabi ko. Hinila nya ang braso nya sakin at kinuwelyuhan ako.
"Wag na wag mong binabastos ang girlfriend ko sa harap ko mismo!" Galit na galit na sabi nya.
"Mygoood! Make them stop!" Sigaw nung girlfriend nya.
"Then, wag ka din mambastos ng babae sa harap ng maraming tao." Seryosong sabi ko na marahas na tinanggal ang kamay nya sa kwelyo ko. Pinagpagan ko ang bandang hinawakan nya.
"Ano bang pakielam mo?! Eh, pipi naman 'yan! Hindi yan nakakapagsalita kaya deserve nyang makatanggap ng panlalait!" Maarteng sabi nung girlfriend nya na dinuro pa si Khal na nanatiling nakatungo habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Choice
Teen FictionLachlan Bryn Gael Barrios, a happy go lucky man. He's the type of man who loves to adventure. He's the type of man who prefer doing good things rather than bad things, he always treat girl right because he love her mom so much. His life wasn't perfe...