CHAPTER ONE
“I quit” inis na dinampot ni Cassandra ang kanyang hand bag at padabog na naglakad palayo sa softball field.
“Cass, hindi pa nga nagsisimula ang laro aalis ka na agad?” hinila siya ng kaibigan pabalik sa field. “Don’t tell me na susuko ka na without giving a fight dahil hindi iyan ang Cassandra na kilala ko” inalis nito ang bag niya at itinulak siya papunta sa third base.
“Give me my umbrella” inis na nakipag-agawan siya rito ng payong.
“Maglalaro tayo ng softball, hindi magmomodeling sa gitna ng field!” pareho silang natigilan nang galit na sumigaw si Regine, ang team captain nila.
“I’m not deaf kaya ‘wag mo akong sigawan!” galit din na sigaw niya rito.
“Look Miss Sandoval, having you in my team is already a big pain on my head kaya pwede ba tigilan mo na ang pagiinarte mo” kinuha nito ang payong mula sa kamay ni Sheilla at itinapon iyon sa tent. “We don’t need this” inalis din nito ang baseball cap niya at ipinasa sa isang substitute member ng team nila.
“Hey! Susunugin niyo ba ako sa init ng araw?” sigaw niya rito ngunit hindi siya nito pinansin.
Nakipagtoss coin ito sa kalabang team. “Okay girls, lets shake hands for a good and fair game” anito at na nauna nang pumila sa home base.
“Game Ball” sigaw ng umpire nang matapos silang magkamustahan bilang tanda na magsisimula na ang laro.
Nagaalangang tinitigan niya si Sheilla na komportableng nakaupo naman sa loob tent. She has never tried playing softball. Ito ang unang pagkakataon na maglalaro siya. She can hardly catch a ball or hit it using a softball bat.
‘I can do this’ she encouraged her self. Walang mangyayari kung iisipin niya na hindi niya ito kaya. It is just a simple ball game.
It is just a stupid bet that started it all. Kung hindi siya nakipagpustahan kay Chassy, hindi sana siya nabibilad sa araw ngayon.
“Goodness! Cassandra bantayan mo ang bola at pwede ba tigilan mo ang kakapose jan sa base mo!” sigaw ulit ni Regine. Ikalawang bola na yun na dumaan sa pwesto niya at kagaya ng nauna ay hindi niya rin nasalo. She eyed her team mates at pare-parehong masama ang tingin ng mga ito sa kanya.
“I’m trying my best okay” depensa niya sa mga ito.
“Ang sabihin mo, your trying your best not to catch the ball. Sa liit niyan hindi ‘yan makakapatay ng tao!” inis na sigaw sa kanya ng center filder nilang si Mairine bago bumalik sa posisyon nito. Sabay-sabay na tumango naman ang mga kasamahan niya.
Nang titigan niya si Sheilla ay sinenyasan siya nito ng go. ‘I will really give my best this time’ aniya bago muling pumusisyon.
“Girls, get ready” sigaw ulit ni Regine bago nagpitch ng bola sa sumunod na batter.
Ipinosisyon niya ang sarili para bantayan ang bola at saktong papunta naman iyon sa area niya. Tinakbo niya iyon para saluhin bago pa iyon tumama sa lupa nang bigla nalang siyang matumba at swak na nalublub sa putikan.
“Lampa ka talaga!” narinig niyang sigaw ng isa sa mga babae bago ang mga ito magtawanan. They were laughing for life because of her misery at lalo siyang nainis sa mga ito.
Itinayo niya ang sarili at napangiwi siya nang maramdaman na sumakit ang kaliwang paa niya dahil sa malakas na pagkabagsak. Her clothes were covered with thick dirty mud at siguradong pati ang mukha niya.
“Don’t worry Cass, you still look beautiful kahit na dinaig mo pa ang kalabaw sa dami ng putik sa katawan mo” natatawang tinitigan siya ni Chassy na isa sa mga kasamahan niya sa dance troupe na ewan niya kung paano napadpad sa gitna ng field.
BINABASA MO ANG
Heart Beats of Bet
Teen FictionCassandra never allowed anyone to turn her world up-side-down but because of a bet...she is in alarm to lose the battle without giving a fight and worst she is starting to fall in love with him...Adrian Santillian, the son of their rival company.