Chapter Five (Part 3 of 3)

78 0 0
                                    

Kaagad na umakyat siya sa kwarto nang maubos ang ibinigay na pagkain ni Yaya Luna. Namasukan ito nung sampung taon na siya kapalit ng nauna niyang yaya na nagkasakit. Magpinsan ang dalawa at gaya ng pinsan nito ay napalapit din ang loob niya sa babae.

Inayos niya ang kahon at inilagay iyon sa pinakailalim ng drawer niya malapit sa kama. Her mom is checking her room from time to time at ni hindi nito pinagkakabalahan na halungkatin ang mga drawers niya.

Nagpalit muna siya ng damit pambahay bago kinuha ang telepono at tinawagan ang mga kaibigan niya.

She doesn’t know what to do. Hindi naman siya pinagbabawalan ng ama niya na magkaboyfriend as long as alam nito at kilala ang lalaki. And Adrian is already out of the list hindi pa man siya magsasabi.

“Saan ko utang ang tawag na ito at naisipan mo akong tawagan?” salubong sa kanya ng boses ni Sheilla.

“Bestie naman oh” paglalambing niya rito. She is close to everyone pero si Sheilla ang may maraming alam kaya ito ang naisipan niya na unang kausapin.

“Oh siya... ano ang nangyari at napatawag ka?”

Minsan talaga ay nangangati siyang batukan ang babae. Prangka ito magsalita. “Kung makapagsalita naman ‘to. I need our help talaga, somebody mailed me some of our pictures at parang may relasyon kami sa mga kuha ‘dun, buti nalang wala sina mommy at daddy, kung sila ang nakakita nun patay talaga ako.”

“Teka nga ha. Anung pictures ba yan? At sinong ‘our’ ang tinutukoy mo?” naguguluhang tanong nito.

“Ang hina naman ng pick-up mo eh, si Adrian ‘yung kasama ko at ang mga pinadalang pictures ay mga kuha namin na magkasama” pagpapaliwanang niya rito.

“Sino ba ang nagpadala ng mga pictures?”

“Hindi ko alam. Walang pangalan na nakalagay at wala ding return address.’’

Narinig niya ang malalim na paghinga nito.  “Anong plano mo ngayon?”

“Hindi ko din alam” pagamin niya.

‘‘Kapag nalaman ito ng mga magulang mo, patay tayong lahat. Alam ba ito ni Adrian?” Telling him was another option pero nagdadalawang isip siya. Hindi niya ito boyfriend at wala siyang nakikitang rason kung bakit dapat na magsabi siya sa lalaki.

“At ano naman ang isasagot ko kung tatanungin niya ako kung bakit ko sinabi ‘yun sa kanya?”

“Hello! Siya kaya ang kasama mo, whether you like it or not, magkarugtong ang pangalan niyo jan sa issue na yan.”

Nagmamadaling umakyat si Adrian sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang tawagin siya ng ina. He was dead tired from the massive training at gusto na niyang ibagsak ang katawan sa sariling kama at matulog ng mahimbing.

“Samahan mo akong kumain ‘nak” paglalambing nito sa kanya. Inakay siya nito papunta sa dining table at nilagyan ng pingan sa harapan.

He looked at her mother. She is already fifty years old but she surely looked younger. His mother always looked elegant kahit na nasa bahay lang ito.

“Sasabay na ako sa inyo” narinig niya ang boses ng kanyang ama. The man he respects. Sinasabi ng karamihan na replica niya ang kanyang ama ngunit sinasabi rin ng iba na mas kamukha niya ang kanyang ina.

Dalawa sana silang anak kung hindi namatay ang kuya niya ng ipinanganak ito. Ang sabi ng mga magulang niya ay patay na nang lumabas ang bata. Hindi naman daw hirap magbuntis ang ina niya. It was just that they were not gifted with another child para sundan siya.

“Ang aga niyo yata pareho ngayon” puna niya sa mga ito. Most of the time ay sa opisina na sila sabay na naghahapunan lalo na kung may trabaho siyang inaasikaso.

Nagkatinginan ang dalawa at ang ama niya ang sumagot. “We need to talk later son. Alam ko na pagod ka pero mahalaga ng sasabihin namin sa’yo.”

Naguguluhan man ay hindi na siya nagtanong. It must really be serious para iwanan ng ama niya ang nakatambak na trabaho nito.

“Who told you that?” Naiinis si Adrian sa mga magulang. Kailan pa natutung makiaalam ang mga ito sa pribadong niyang buhay? They told him na alam daw ng mga ito ang nangyayaring pakikipagmabutihan niya sa anak ng mga Sandoval and they want him to stay away from her.

“Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi sa amin ng bagay na ito anak, we really thank that person for bringing this mater dahil tanggapin mo man o hindi, masasaktan kayo pareho kapag ipinagpatuloy niyo ito kahit na bawal” pagpapaliwanag ng ina niya.

“Magkaibigan lang kami and besides, matanda na ako at alam ko ang mga ginagawa ko” pagtatanggol niya sa sarili.

“Aiming for Manuel’s daughter is like aiming for your death son, tuso si Manuel. Mabait siya oo, pero nagiiba ang ugali at pananaw ng ama kapag anak na niya ang naiinvolve lalo na at kakaompetensya natin sa negosyo ang pamilya niya. Kung maaari ay iwasan mo kahit na ang pakikipagkaibigan lang sa anak niya.”

Minsan lang magsalita ang ama niya, simula ng magkaisip siya ay minsan lang siya nito pinagsasabihan at iyon ay kung lumalampas na siya sa limit nito.

“Wala naman po akong masamang intension sa anak nila at hindi naman po siguro ganun ka sarado ang utak nila para mag-isip ng ganung mga bagay-bagay.”

Madaling umuo sa hiling ng mga magulang niya pero hindi niya masisiguro kung magagwa nga ba niya iyon.

“Iba-iba ang pananaw ng mga tao sa mga bagay hijo, besides pareho pa naman kayong bata. Ang iniisip lang namin ng iyong ina ay ang makakabuti sa inyo pareho. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sa inyo, balang araw babalik at babalik kayo sa piling ng isa’t-isa kung kayo talaga” napangisi ang kanyang ina sa tinuran ng kanyang ama.

“Makata ka na pala Hon” anito sa ama niya.

Muling ibinaba ni Cassandra ang telepono. She can’t make up her mind kung tatawagan ba talaga niya si Adrian o hindi.

Hello, pwede ba kitang makausap? May natanggap kasi ako na mga larawan natin at hindi ko kilala ang nagpadala. Anung masasabi mo?’ Napailing siya sa naisip na sasabihin. Papano ba niya sasabihin sa lalaki? Kailangan ba talaga niyang sabihin?

Akmang kukunin niya ulit ang telepono mula sa cradle nito nang tumunog iyon.

‘Sino kaya ‘to?’ naisip niya bago sagutin ang tawag. “Hello.”

“Hello Cass, ikaw ba ‘yan?” parang naghahabulang ang mga daga sa dibdib niya nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki.

“Oo ako ‘to. Napatawag ka?”

Hindi kaagad sumagot ang lalaki. She listened to the dead silence at mas lalo siyang kinabahan. Ano ba kasi ang sasabihin nito?

“Nandiyan ka pa ba?” tanong ulit niya rito.

“Ah, oo nandito pa ako” parang nabiglang sagot nito.

“Are you okay?”

“Oo okay lang ako. Bakit mo naitanong?” narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga nito.

“Bigla ka kasing natahimik. Ano nga ba ‘yung sasabihin mo?”

“Ah, ay oo nga pala. Pwede ka bang lumabas ngayon?” bigla siyang kinabahan sa sumunod na tanong nito. Nakakasama niya ang lalaki sa mga gala ng barkada at palaging sa araw iyon at hindi siya sigurado kung papayagan ba siya ng security nila na lumabas.

“Ano ba ang meron?” inosenteng tanong niya rito.

“I just need to talk to you, at kung maaari ay ngayon sana.”

“Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin? Hindi ba pwedeng dito nalang tayo mag-usap?” Tinitigan niya ang orasan at malapit nang mag-alas nuebe.

“I can’t say it over the phone, magpasama ka nalang sa driver niyo. Sige na please. Promise, kakausapin lang talaga kita” she heard him pleaded.

“I’ll try but I can’t promise. Saan ba tayo magkikita?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Beats of BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon