CHAPTER FOUR
Truth or dare is inspired from our ussual high school activities! :)
I missed my barkadas!
Enjoy po!!!!
Masayang nagkukwentuhan ang lahat sa ilalim ng punong mangga sa likod na bahagi ng villa. Napagalaman nila na ang ibang lalaki ay patapos na rin pala sa kanya-kanyang kurso. Sina Lance, Adrian at Lenard ay parehong ikalawang kurso na ang tatapusin, si James naman ang nag-iisang gagraduate na rin matapos ang anim na dapat ay apat na taon lang sanang pag-aaral sa kursong civil engineering.
Palubog na ang araw nang magdesisyon sila na magpahinga muna at tulungan si Nanay Lydia para maghanda ng kanilang hapunan. Napagkasunduan nila na magluto ng barbeque pandagdag sa nauna nilang niluto na menudo dahil na rin sa kahilingian ng mga lalaki.
The guys are fun to be with, walang humpay ang tawanan habang nagpapalitan ng salita ng kampo ng mga babae at lalaki.
Napag-usapan nila na dalawang araw at isang gabi ang pananatili nila sa villa bago pa man sila umalis at talagang sinusulit ng lahat ang oras.
“Hello ’Tol, dito pa naman kami noh? Baka balak mo rin kaming kausapin” nagtawanan ang lahat sa hirit ni Lance. Naguusap sila ni Adrian tungkol sa proper positions sa pagsalo at pagtama sa bola at hindi nila napansin na sila na pala ang pinagkakaisahan ng mga ito.
Natatawang inabot ni Adrian ang pop corn at binato sa lalaki. “Abalahin mo ang sarili mo sa pagluluto ng barbeque mo at hindi sa pagbabantay sa akin. Tignan mo nga at nasunog na sa pagkatsismoso mo.”
“Ang sabihin mo, may sarili na kayong mundo” balewalang hirit ulit ng lalaki.
Kahit paano ay natutu na rin siyang sumalo ng bola kanina, pinayagan na rin siya ni Regine na sumali sa pagpractice ng ibang babae dahil na rin sa kanyang pamimilit. Marunong na rin siyang humawak ng bat at tamaan ang bola.
Habang naghahanda ng hapunan ay ang grupo naman ni Adrian ang nag-ensayo na tuwang-tuwa na pinagmasdan ng ibang mga babae.
“Ops! Walang tatagay lalo na kayo girls” sinalubong ni Regine ang papalapit na sina Crea at Zaireen at nakipag-agawan sa bote ng alak na hawak-hawak ni Crea.
“Hey! Anung problema mo?” si Zaireen na hinarang ito.
Napatayo na rin siya at lumapit sa mga babae. “Zai, Crey, di’ba nag-usap na tayo?” ngunit hindi ibinigay sa kanya ni Crea ang bote na hawak nito. “Rege, hindi naman chain drinker ang mga iyan, may naisip lang siguro gawin.” Pagpapaliwanag naman niya kay Regine.
“No harm okay?” ipinasa ni Crea ang bote at mabilis na tumakbo naman si Zaireen at pumwesto katabi ng ibang babae. “Come on guys, let’s play truth or dare.”
Nakita niyang napailing si Regine sa tinuran ng mga babe at lumakad palapit sa kapatid nitong si Lance. Napangiti nalang siya.
“Tama na ‘yan James!”
Mas lalo pang ginalingan ng lalaki ang pag-giling. Sa direksyon nito naturo ang ulo ng bote ng alak at dare ang pinili nito. Si Brian na nauunang nagdare din ang nag-utos sa lalaki na mag-gay dance at game naman na sumunod ang lalaki.
“Pare malapit ka nang matuluyan” sigaw ng isa sa mga kasamahan nito sa basketball team na nakaupo sa silya malapit sa kanila.
Fifteen of them are playing at ang iba naman ay nakaupo malapit sa kanila at tumatawa. Sa kabuuang laro ay wala pang nagtruth at lahat naman ng dare ay pulos katatawanan.
“James tama na yan, marami pa ang hindi natin nagagantihan” si Brian na pinulot ang bote at inabot sa lalaki.
Napangisi naman ang lalaki bago tinitigan ang lahat. The game is getting tougher. Nilagay nito ang bote sa gitna nila bago iyon pinaikot, lahat ay natahimik at napatutok ang attensyon sa bote.
Ang grupo ng mga lalaki ay hiwalay sa grupo ng mga babae at kaharap niya si Adrian. The bottle turned slower and slower hanggang sa huminto iyon at ang dulo ay nakaturo kanya.
“Goodness!” napatayo siya at napatingin sa ibang mga kasamahan. How lucky she is.
“Ready ka na Cass?” kinindatan siya ni James at nilaro laro ang bote sa kamay nito.
Sa lahat ng lalaki ay si James ang pinakaluko at hindi niya alam ang laman ng isip nito. “Pwedeng pass muna?” she pouted and he just laughed at her.
“Ay madaya ka. Dare na” sigaw naman ni Shaigne na nakaupo malayo sa kanya.
“Truth or Dare?” si James ulit na nakangiti na sa kanya.
Hindi niya alam ang itatanong ng mga ito kung truth ang pipiliin niya at mas lalong hindi rin niya alam kapag nagdare siya. They agreed to have three question sa isang truth at tough orders naman sa dare.
“The clock is tickling” si Lenard na tinuro-turo ang relong pambisig.
Napayuko siya at napapikit. She will be unfair kung basta-basta nalang siyang aalis at iiwan ang mga ito besides, they were only playing for fun. “Dare.”
Tinakpan ni Cassandra ang kanyang mukha at payukong nakisiksik sa mga kaibigan niya. She refused to meet Adrian’s eyes. Alam niyang kanina pa siya nito tinititigan ngunit hindi niya ito pinansin.
“Ako ang magbibigay kaya madali lang ang dare mo Cassie” napaupo siya ng tuwid at tinitigan ang lalaki. Sa lahat ay ito ang pinakamakulit at pinakamasayang kasama. Nang mag-angat siya ng mukha ay ang nakangiting mukha nito ang nakita niya. The friendly smile and not the grinning one.
“Anu ba ang dare ko sa’yo?” natatarantang tanong niya rito.
“Simple lang. You will become the part-time servant of our ball captain for a month at effective iyon pagbalik natin sa Maynila and every time there is a basketball practice especially in weekdays at sa loob lang ng shool campus” at saka siya kinindatan.
“Ang haba naman ng isang buwan, at unfair naman ‘yun na post pa ‘yung sa’kin at Hindi po ‘yun simple lang” pagrereklamo niya rito. It would be for her own advantage na mas lalong mapapalapit kay Adrian ngunit ang ayaw niyang mangyari ay yung malalaman ng mga magulang niya na palagi niyang kasama ang lalaki.
“Okay, two options the first one or you kiss him in front of us” ani James at tinapik-tapik pa si Adrian. The other guys were smiling from ear to ear.
BINABASA MO ANG
Heart Beats of Bet
Teen FictionCassandra never allowed anyone to turn her world up-side-down but because of a bet...she is in alarm to lose the battle without giving a fight and worst she is starting to fall in love with him...Adrian Santillian, the son of their rival company.