TheClosetPervert(c)2014
Chapter 1.
Una ko siyang nakilala sa freshman orientation sa University namin nung nag college ako.
We were paired up for a friendly Mr. and Ms. contest to see who had the most good-looking freshman representatives in the different college departments.
Ni hindi ko na nga maalala kung sinong upperclassman ang humila sakin at itinulak ako papuntang stage. I was awkward. Hindi ako makatingin kay sa lalaking pinares sa akin. Ang alam ko lang ay sumusunod siya sa akin. Marami nang nagchecheer para sa amin. Tumayo lang kami sa likod ng stage dahil mukhang nadistract ang emcee sa first pair.
"Hey. Anong pangalan mo?" Kawit niya sa akin. Nagulat ako at di ako napatingin sa mata niya. Nahiya ako. I was awkward.
"Uhh. Kaye," mahinang sagot ko.
"I'm Vincent." Tumango lang ako.
Nahihiya ako. I was barely sixteen, and I was very skinny and innocent. I was still a child.
"Wag kang tumungo. Hindi sila nangangain ng tao." Bulong niya sakin.
Palihim ko siyang tinignan. Medyo moreno siya at matangkad. Singkit ang mga mata at matangos ang ilong. Kaya siguro siya ang napili. May hitsura naman talaga siya.
Eh ako? Bakit ako napili? Mukha akong bata. Yung ibang babae na nakatayo sa stage puro magaganda at sexy qng pangangatawan.
"Kalokohan talaga ito." Tumingin sa akin si Vincent. Napangiti ito nang makitang nakatitig ako sa kanya. "O bakit?"
"W-wala." Nahihiyang sagot ko. Napamura pa siya nang isang pares nalang at kami na ang aakyat sa stage.
Hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako at napatingin sa kanya nang may halong gulat, kaba at pagtataka. Ngumiti lang ito.
Walang nakakita sa ginawa niya dahil madilim, at natatago ang mga kamay namin sa pagitan naming dalawa.
Nanginginig ako ngunit nung hinawakan niya ako ay bigla akong kumalma.
Nang kami na ang tatawagin ay biglang nawala ang ilaw. Nagbrownout pala. Laking pasasalamat ko at nawalan ng kuryente. Gayunman ay hindi binitawan ni Vincent ang kamay ko. Hindi ko talaga maintindihan kahit hanggang ngayon kung bakit niya hinawakan ang kamay ko. Kakakilala palang namin sa isa't-isa, heck, we only knew each other's names and we were freshmen, but he continued to hold my hand.
After that, nung pinalabas na kami ng auditorium ay binitiwan niya ang kamay ko. I longed for his fingers between mine, and the spaces proved the emptiness I felt.
It was like at that moment, just by holding my hand, he had held my heart from the start.