Chapter 1

14 1 0
                                    

Shin's POV

"Mahigit na dalawang taon na ang nakalipas mula ng nawala si Shun, ang pinakamamahal kong asawa. Sa tuwing iniisip ko ang mga masasayang ala-ala naming dalawa. Naiiyak ako. Hindi madali ang mawalan ng mahal mo sa buhay. Kaya kahit maging malungkot ka sa pagkawala ng mahal mo, isipin mo nalang ang masasayang araw ninyong dalawa. Kahit papaano maipadama mo sa kanya kung gaano mo sya kamahal." kwento ko sa mga apo kong sina Jun at Jul.

"Lola, paano po ba kayo nagkakilala ni Lolo?" tanong ni Jul.

"Oo nga Lola. Di ko pa kasi naririnig ang lovestory ninyo ni Lolo. Haha." pagsang-ayon ni Jun kay Jul.

"Ahh. Gusto nyo ba talagang malaman?" pagsang-ayon ng kambal. "Sige. Ikukwento ko na sa inyo kung pano kami nagkakilala ng Lolo mo."

FLASHBACK

"Nay! Nasan na yung payong ko? Malelate na ako sa klase ko e." lintik na payong na yan! San ka ba sumusuksok? Kung saan ka nalang nagtatago. Tss! Malelate na ako nito.

"Nandyan lang yan anak. Hanapin mo. Kung di mo mahanap, gumamit ka nalang kaya ng raincoat." ano? Magreraincoat ako? Ayoko ko nga. Highschool na ako at ayoko ngang magsuon ng ganun puro Barney kaya ang design non.

"Di ko makita eh! Aish! Wag na nga lang. Tatakbo nalang ako." eh sa di ko mahanap ang payong ko eh. Ayoko namang malate dahil lang sa kakahanap ng payong.

"Sige anak. Mag-iingat ka. Magpalit ka kaagad ng damit kapag nakarating ka na sa skwelahan. May dala ka namang extra diba?" di na ako sumagot kasi late na talaga ako. Okay lang talaga sa kanya ang mabasa ako *SIGH*. Pagkabukas ko ng pinto, malakas na malakas talaga ang pagbuhos ng ulan.

"Naku! Mababasa ako ng sobra nito. 1...2...Tatlo!" mabilis pa sa 24 oras ang pagtakbo ko sa malakas na ulan. Di pa nga ako nakalahati sa pagtakbo ko ay basa na ako at hinihingal.

"Grabe. May bagyo ba ngayon?" tanong ko sa sarili ko ng may sumagot. Dahil kung walang bagyo di sana ganito kasama ang panahon.

"Oo daw." nagulat ako ng may nakita akong isang lalaki sa tabi ko na may dalang payong. Shemay! Nagsmile sya. Gwapo nya ah.. Shin no! Stranger sya remember.

"H-Ha?" walang lumalabas sa bibig ko kasi nakatunganga lang ako sa maamo nya mukha. Teka sino ba sya?

"Sige. Alis na ako. Ito gamitin mo muna ang payong ko." binigay nya sakin ang payong nya at tumakbo sa gitna ng ulan. Habang ako nakatunganga lang at hawak ang payong ng isang gwapong lalaki na nakilala ko.

"Ahh! Te---ka." Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi nakalayo na sya. Tiningnan ko ang payong nya at nakita ang pangalan. "Shun Mikura? Pamilyar ang pangalan nya ah." bulong ko sa sarili ko ng biglang may malakas na kidlat akong narinig at natauhan ako.

"A-AHHHH! LATE NA AKO!" tumakbo na ako papuntang skwelahan kasi late na talaga ako.

"AHAHAHA! Late ka dahil lang sa payong?!" pang-aasar sakin ng kaklase ko na si Nikki. Oo late ako dahil lang sa payong at ng lalaking yun. Asar!

"Tumahimik ka na nga lang dyan Nik. Ubusin mo nalang yang champorado mo." naiinis kong sabi ko sa kanya.

"Hahaha. Oo na. Whooo. Sakit ng tyan ko sa kakatawa. Libre mo nalang ako." aba libre sa mukha nya? Kakalibre ko lng sa kanya ng paborito nyang adobo nung nakaraang araw.

"Heh! Tumahimik ka at wag kang abuso. Tapos na akong maglibre sayo. By the way, kilala mo ba si Shun Mikura?" biglaan kong tanong kay Nikki.

"Oo. Pinsan ko sya. Bakit?" muntik na akong mabilukan sa kinakain ko ng marinig ko ang sinabi ni Nikki. Pinsan? Sila?

"Urgh..T-Talaga? Bakit di ko alam nyan, Nikki?" ang daya talaga nitong babaeng to. Chismosa sya pero di naman sya nagkukwento sakin. Hay.

"Di ka naman nagtatanong eh." tama naman sya. Pero kahit na! Kailangan kong isuli ang payong na hiniram ko sa kanya.

"Hay okay. Pwede ko ba syang maka-usap? May isusuli lang ako sa kanya." sana naman pumayag sya na walang iniisip na masamang balak.

"Hmm. Okay. Kailan?" yes! sumang-ayon kaagad. Pero may kapalit itong tulong nya. -_-

"Mamayang uwian na siguro. Okay lang?" sumang-ayon naman si Nikki. Pero gaya ng sabi ko kanina, may kapalit ito. Gusto na naman nyang libre. Ang takaw nito pero di man lang tumataba. Haha.

20 minutes na ang nakalipas at wala pa rin si Nikki. Sabi nya may kakausapin lang daw sya. Pero bakit ang tagal?!

"Hi Shin." nanlaki ang mga mata ko ng narinig ko ang boses na yun. S-Si Shun!

"Uhm..Hello. Ah. Ito pala ang payong na pinahiram mo sa akin. Salamat pala. Sige. Alis na ako. Bye!" umalis na ako kaagad. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ba nagkakaganito ako? Di tuloy kami nagkausap *SIGH* Lagot yan si Nikki bukas.

======

PinkDino's Note: Support my 2nd story. Thanks!

WrinklesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon