Summer Beside My Bed

4.2K 139 9
                                    

        I was sleeping in the clinic’s bed when a loud cry awakens me. Napaupo ako bigla. Dahan dahan kong binuksan ‘yung kurtina sa gilid ko para tignan kung sino ba ‘yun. Nakayuko ‘yung batang babae at nagkukusot ng mata. Gulo gulo ang mahabang buhok niya na kulay kape. She’s wearing our school uniform. White blouse, blue jumper and blue ribbon. Inangat niya ‘yung ulo niya at binaba na ‘yung kamay niya.

        And then… I saw her again. That girl who sent my heart fluttering and my stomach floating. The girl down the road.

        Sinara ko ng konti ‘yung kurtina. Papasok na siya dito sa loob ng ward at sobrang lakas ng iyak niya. Pero ng titigan ko ‘yung mukha niya, wala namang luhang lumalabas. “Ang sakit sakit talaga ng ulo kooo!” sigaw niya.

        “Sige na, humiga ka na,” hindi mapakaling sabi sakanya nung nurse. Lumapit sila sa katabi kong kama at doon niya pinahiga ‘yung babae.

        “Ayaw niyo bang maniwala sa akin!? Masakit talaga ulo kooo!” sigaw nung bata habang umaarteng umiiyak. Natawa ako sa loob loob ko. She’s really not a good actress.

        “Oo na sige na. Humiga ka na diyan. Tumigil ka lang sa pag-iyak.” Binuhat na siya nung nurse at pinahiga sa kama. Tapos eh sinarado ‘yung kurtina niya at umalis na.

        Tumigil na sa pag-iyak ‘yung bata at umupo siya sa kama. Tinanggal niya ‘yung sapatos niya. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin. Pero mabilis ko din namang nasara ‘yung kurtina ko. Napahiga ako at mabilis na tumibok ang puso ko.

        “Nagagandahan ka sakin kaya mo ko tinitignan noh?” tanong ng isang cute na boses.

        Napatitig lang ako sa kisame at hindi nakasagot. Tingin ko kameng dalawa lang ang tao dito sa loob ng ward.

        Napansin ko ‘yung shadow niya at humiga na din siya. “Kaya ka nandito kase tinatamad ka din makinig sa teacher mo, noh?” tanong niya uli.

        Napangiti naman ako kasi tama siya.

        “Anong grade mo na?”

        Napatingin ako sa shadow niya. Pakiramdam ko nakaharap siya sa akin.

        “Ako grade three. Makabayan kasi namen ngayon eh. Ayoko kay Ms. Lansangan. Mas gusto ko pang suminghot na lang ng amoy ng alcohol dito sa clinic kesa makinig sakanya,” kwento niya.

        Tumawa ako ng mahina.

        “Anong favorite subject mo?”

        I lay to my side and faced her.

        “Ako MAPEH. Gustong gusto ko kasing sumasayaw eh. Tapos gusto ko din ng music. Sablay nga lang ako paminsan sa Arts. Gusto ko din ang Math at Science. Top 1 nga ako sa Math class namen eh. Kaso Top 5 lang sa Science. Pero tuwang tuwa sa akin ang Papa ko.”

        Hindi na natanggal ‘yung ngiti sa labi ko. Gustong gusto kong pakinggan ang boses niyang nagkkwento.

        Narinig kong humikab siya. “Ano ba ‘yan, hindi mo naman ako iniimik,” malungkot niyang sabi. “Matutulog na nga ako.”

        Nawala bigla ‘yung ngiti ko.

        “Ano ba munang pangalan mo?” tanong niya.

        Napalunok ako. Tinatanong niya kung anong pangalan ko. “Winter,” mahina kong sabi.

        “Cool,” mangha niyang sabi. “By the way, mine’s Summer.” Napansin ko sa shadow na umayos na siya ng higa. “Good night, Winter,” her sweet voice said.

        “Good night, Summer,” I whispered.

        Naghintay ako ng ilang minuto bago bumangon uli. Dahan dahan kong binuksan ‘yung kurtina at sinilip siya.

        And then… I saw her again. That girl who sent my heart fluttering and my stomach floating. The girl down the road. Sweetly sleeping. Is this what they call love? If this is it, I’d like to watch her every sleep. If this is it, the girl beside my bed… is my second love.

Summer Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon