Chapter 8

1.3K 29 0
                                    

Chapter 8 

Medyo maaga natapos yung tapos practice namin. halos humaba na nga yung leeg ko nun kakahanap kay AD eh. feeling ko tuloy ginayuma’t minanyak na ni Gremlin ang prince charming ko. Hay nako.

Nikki…kung hinahanap mo si AD andun pa siya sa may band room.”

Naku sinasabi ko na nga ba eh. yung gremlin na yun ang salarin!

Lumakad naman ako papuntang band room nun. Pagkadating ko sa may pinto eh naglalabasan na yung mga kasamahan niya. nung nakita nga nila ako eh natawa lang sila. Napatingin naman ako sa suot ko nun, bakit? Mukha ba akong ewan? Hindi naman ah? Ang cute ko nga eh.

“Si AD?”

“Nasa loob…haha.”

Bakit ba sila tawa ng tawa?? Anong meron?!

Nagroll lang ako ng eyes nun tapos dumiretso ako sa loob. pagkapasok ko eh nakita ko si Gremlin na nakahawak pa sa braso ni AD. Aba, sabi ko na nga ba’t minamanyak nitong bruhildang to si AD eh.

“AD! Uwi na tayong DALAWA!”

Napatingin lang sila sa akin nun tapos si Gremlin eh biglang napangisi. Anong problema nito??

Lumabas na siya ng room. May ilang balik tingin nga siya sakin habang tumatawa bago siya tuluyang nagdisappear. Napakunot naman yung noo ko nun. Nagulat ako nung biglang pinitik ni AD yung noo ko. napatingin ako sa kanya nun. Ito talaga, nalingat lang ako saglit nainggit na. Hahaha, chaka.

“Problema nung Gladys na yun? Bakit siya tawa ng tawa? Pati yung mga bandmates mo.”

“Paanong hindi sila tatawa eh may nakakabit na tissue sa may sapatos mo.”

Tinuro niya yung tissue tapos bigla naglakad siya paalis. Grabe naman! Sa lahat naman ng pwedeng mangyari, bakit ito pa?! kakahiyaaa!

“Ui saglit lang naman!”

“Bakit? You can’t keep up? Give up.”

Natigilan ako nun. Bakit parang ang bad mood niya yata ngayon??

“Teka bakit ang init ng dugo mo sakin? Anong nagawa ko??”

“Nagawa mo? Madami.”                             

“Yung kay Gladys ba?? EH ano naman kung ganoon? Siya naman kasi para siyang nakadikit sayo at saka----”

Nagulat ako kasi bigla niyang pinalo yung poste na nadaanan namin. medyo lumakas nga yung kabog ng dibdib ko nun kasi akala ko sasampalin niya ako.

“Eh ano naman sayo kung gawin ni Gladys yun. Band manager namin siya. Saka isa pa, tayo ba??”

Natigilan lang ako nun. Pinagtanggol niya si Gladys. Hindi lang yun, ipinamukha pa niyang ayaw niya talaga sa akin.

Natahimik lang ako nun. Ewan ko ba, ang awkward nga nung paglalakad namin eh. para bang may barrier sa pagitan namin na napakahirap sirain. Nung dumating kami sa may street namin hindi parin siya lumingon.

Grabe, he’s really good at ignoring me.

Pagpasok ko sa bahay eh ang down ng feeling ko. ewan ko ba, para bang nadrain lahat ng energy ko dahil sa sinabi niya. Dumiretso ako sa may piano namin nun tapos naghanap ako ng pwedeng tugtugin. Sobrang lakas ng pagkakatugtog ko nun kasi sobrang hindi ko macontain yung nararamdaman ko. nung medyo nakarelax na ako eh naging soft na yung pagtugtog ko.

Sinimulan kong tugtugin yung “Blue Moon” kaso naalala ko na pagdalawahan pala yun. Si kuya kasi ang madalas kong kaduet kapag yun yung tinutugtog ko. napasimangot nalang ako nun tapos tumayo narin ako mula sa kinauupuan ko at dumiretso sa kwarto.

Pagkahiga ko eh nakahinga ako ng malalim.

“Do I still have the strength to say…I won’t give up?” pumikit nalang ako nun at sunod kong nalaman eh nakatulog na ako.

“Himala, hindi ka yata atat na lapitan siya?”

Tinignan ko lang si Julia nun tapos nagshrug ako. Simula na ng foundation week. lumipas ang one week na hindi kami masyadong nagpapansinan ni AD. Well sure, naghihi at hello parin ako pero..iba eh. wala yung pagiging “energetic” ko  kapag nakikita ko siya.

Am I losing interest? Kung alam lang ni Julia to eh sesermonan na naman niya ko sa pagiging masyadong mabilis magsawa.

Pumunta na ako nun sa booth namin tapos tumulong. Busy tong araw na to, maraming taga ibang school ang bumibisita. Napakalaking event din kasi ng foundation week ng school namin kaya nag-iinvite kami ng mga ibang school sa area. Pinakamasaya sa mga ganitong event eh yung mga may boyfriend/girlfriend sa labas tulad ni Julia. Pinapayagan na kasi yung mga outsider kasi open naman yung buong event sa kahit na sino. At syempre, dahil andito ang boyfriend dear ng aking best friend, flying solo muna ako ngayon. Ayoko kasing maging “third” wheel.

Palakad lakad lang ako nung magbreak na. syempre, may mga times na nadadaanan ko yung booth nina AD pero…parang nakakahiyang pumunta eh.

“Miss! Pasok ka na sa aming Cops and Robber Maze!”

Nanlaki lang yung mga mata ko nun kasi bigla nila akong pinosasan.

“Teka! Hindi naman ako pumayag eh!”

“Sorry miss! Yun yung twist ng event namin! ngayon bago namin tanggalin to, dapat matapos niyo yung maze!”

Niyo??

Napatingin ako dun sa tabi ko tapos nanlaki yung mata ko.

“Great.”

Yeah…pagkasinuswerte nga naman ako no?

Tumingin lang ako sa tao sa harap namin. may binigay siya sa aming stick at rope tapos pinapasok na kami sa loob. teka, ano nga bang objective ng game na to??

“Ayun! Habulin niyo yung dalawang yun! Dali! Pag nahabol niyo sila dagdag 5 minutes yan sa time nila na hindi sila pwedeng lumabas!”

Oh I see…

ANO?!

Nagkatinginan kami ni AD nun. Medyo nailang nga ako kaya umiwas ulit ako ng tingin.

“Uh…can you keep up?”

Napatingin ako sa kanya nun tapos dun sa mga taong parating.

“See for yourself”

..and that was the longest run of my life.

Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon