Chapter 9

1.3K 27 1
                                    

Chapter 9

 

 

 

Sobrang hingal na hingal kaming dalawa nung makawala kami sa mga humahabol samin. Natapos kami sa maze pero may dagdag 20 minutes kami kasi nahuli kami ng ilang beses. Medyo kasalanan ko kasi sa hindi ko malamang dahilan eh nanghina yung mga tuhod ko kaya ayun, nadapa ako. Ewan ko kung dahil ba yun sa pagod o dahil sa pagkakahawak ng kamay namin ni AD. Feeling ko…pareho.

Pinagstay muna nila kami sa isang jail cell. Ewan ko ba kung talagang nananadya ang tadhana pero wala rin kaming ibang kasama nung mga oras na yun.

“So uh…kamusta kayo ni Gladys?”

 

Tinignan lang niya ako nun nang nakakunot yung noo niya tapos tumingin siya sa iba.

“Oh sorry..private ba? Silly me---”

 

“Can you stop it with your stupid imaginations?”

 

Napasimangot lang ako at tumungo. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin nun. Ayan na naman kasi siya eh.

“Ang tagal naman..”

 

Napabuntong hininga nalang ako nun. Pumikit pikit ako ilang beses nun bago ako huminga ulit ng huminga.

Napatingin sakin si AD nun habang naghyhyperventilate ako. Medyo nahihilo ako nun kaya napalean ako sa pader.

“Huy! Anong nangyayari sayo?!”

 

“H-Hindi ako makahinga!”

 

Nagpanic siya sobra nun at tinawag yung mga tao sa labas. pinalabas naman nila kami kaagad nun at sobrang alalay sakin si AD papuntang clinic.

“It’s okay. you can let go now.”

 

Kumunot yung noo niya nun tapos para bang hindi mo maintindihan yung emosyon niya.

“You…faked it?”

 

“Yes. Anong magagawa ko, atat ka nang umalis eh. That was the only way I could think of.”

 

Halatang nafrustrate siya nun at nagpipigil nalang. Medyo napasigaw siya nun tapos tumingin sakin ng masama.

“If you ever do that again…I swear…”

 

Hindi ko siya maintindihan nun. Anong gusto niyang gawin ko? magsorry ako? Eh ako na nga tong tumulong sa kanya para makaalis dun sa jail eh. whatta naman!

Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon