Chapter 26

1.2K 26 0
                                    

Chapter 26

Mabilis lumipas ang panahon. Sobrang bilis.

Natapos na ang Academic Week. Maraming nanalo at marami ding natalo. Yung class namin eh nanalo naman sa ilang contest. Malaki narin para samin yun kasi nagawa naming angatan yung mga ibang kabatch namin na talagang magagaling.

Christmas break na namin ngayon. Yung exams naging okay naman siya. May mga part na mahirap at medon din namang madali. All in all, normal lang.

“Codie, tumulong ka nga dito…”

Tinignan ko si Kuya nun. Ang sarap na ng pagkakaupo ko eh. nakaslouch sa sofa at nakataas yung paa sa coffee table.

Nagulat naman ako na inusog niya yung paa ko nun kaya napaupo tuloy ako ng maayos.

“Oo na oo na..”

Tumayo naman na ako nun at tinulungan ko sila na maglinis. Gusto kasi nila na malinis yung bahay bago magpasko. Speaking of Pasko, malapit na nga birthday ko.

Matapos naming maglinis eh pumasok lang ako ng kwarto. Grabe…ang boring naman. Bakit wala akong magawa??

Imbis na magpakabum ako sa bahay eh napagpasiyahan kong magjogging nalang. Bago ako umalis eh inulanan muna ako ni Kuya Nike ng pang-aasar. Sabi niya nagreready na daw ako para sa mga kakainin ko sa pasko at birthday ko. Naku po.  Kahit kelan talaga ang lakas niyang mang-alaska.

Medyo marami ang tao sa park nun. Syempre, bakasyon na. Marami rami akong nakakasalubong nung araw na yun, mostly teenagers narin. Yung mga matatanda naman eh paupo upo lang sa bench. Feeling ko ayaw nilang makipagsabayan sa teenagers kasi yung iba malilikot talaga. may mga naghaharutan pa nga eh pero hindi ko nalang pinapansin.

Nang nakaramdam naman ako ng pagod eh umupo muna ako sa isang bench. Pumikit ako saglit nun tapos pagkadilat ko eh nagulat ako dahil may aso na tumalon sakin. Muntikan nga akong bumaliktad eh.

“Uyy!”

Teka, kilala ko tong asong to ah?

Napatingin ako dun sa tumatawag sa aso. Nagulat ako kasi andito siya. Bakit ba kapag nagjojogging ako eh nandito siya?

“Hey.”

“Uhh..hey.”

Tinali niya muna nun yung aso niya tapos umupo siya dun sa tabi ko.

“Kanina ka pa dito?”

“Medyo..nagjogging ako eh.”

“bakit bigla mong naisipan? Nagpapapayat ka para sa Pasko marami kang makain ano?”

Hay nako, pareho talaga silang mag-isip ni kuya.

“Ewan ko sa inyo ni kuya Nike. pareho kayo!”

Tumawa siya nun tapos tumayo na ako.

“Aalis ka na?”

“Yep. Bakit?”

Umiling lang siya nun tapos nagbabye na. pagkauwi ko ng bahay eh nakwento ko naman kay kuya na nakita ko si AD sa park.

“Nakita mo?! Walang hiya yun ah…tinatakasan ako. may usapan kami eh.”

Nakakatuwa sila, kahit magkaiba yung age nila eh parang barkada parin.

“Text mo naman oh.”

“Bakit hindi ikaw??”

“Tinatakasan nga ako nun. Kapag ikaw nagtext aakalain niya na galing sayo kaya pupunta yun.”

Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon