1

13 0 0
                                    

Princeey's POV

Wala sana akong balak na maglakwatya ngayon dahil may usapan kami ng parents ko na lalabas dahil bukas na ang lipad nila patungong U.S kung saan sila nag stay for good.

Pero sa bwisit ko sa apat kong kapatid ay lumayas ako ng bahay ng walang paalam.

Tch ! Mga abnormal lagot kayo sakin pag layas nila mama. Huh di ata to papatalo !!

Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa plaza kung saan madalas kaming tumambay ng mga kaibigan ko.

Pagkababa ko palang ay bumungad na agad sakin ang sandamakmak na taong nakapalibot sa playground kung saan madalas kaming pumwesto. Lagi kong nakikita ang ganto karaming tao pero di ko na lang pinapansin.

Dumeretso nalang ako sa bilyaran. Sakto namang bakante yung dulong table na paborito kong pwesto. Dumampot agad ako ng cue stick at sinargo ang nakaayos na mga bola. Naagaw ko naman ang atensyon ng iba pang naglalaro. Kilala ko sila sa mukha pero sa pangalan ay hindi.

" Rin ! Ayieee nandito ka lang pala tss kala ko ba di ka makakagala ?". Masayang sabi ni Trixie. Nakilala ko sya dahil sila ang may ari ng bilyaran na to. Mabait sya pero malandi nga lang to the point na handa syang maghubad sa harap ng lalaking matipuhan nya at ang irarason nya ay "you only live once kaya pag may gusto ka gawin mo at wag sayangin ang pagkakataon" sa ugali ay wala akong masabi sobrang bait nya yung tipong kahit hindi na sya kumain basta mabili nya yung gusto o kailangan mo ganon sya napakamapagmahal. Sayang nga lang dahil sa kalandian yon yung nakakapagpapangit ng image nya.

"Tss kayamot sa bahay! Biruin mo isumbong ba naman nila ko na umuuwi ako ng late eh samantalang pag sapit nga ng ala singko nasa kwarto ko na ko at nagbabasa ng libro tas sasabihin nila sa parents namin na puro gala lang ako king ina mababasag ko talaga mukha nila eh". Gigil kong sabi. Natawa naman sya sanay na sya sa ugali kong pabago bago dahil sa tagal na rin naming magkakilala ay nasasakyan namin ang mood ng isat isa.

"may ipapakilala ko sayo !! Pero wag mo dadaragin ah gwapa to tska talented!!". Nagnining ning ang mga matang sambit nya.

"Siguraduhin mo lang dahil pag ako nadismaya sa sinasasabi mo na yan babasagin ko mukha nyong dalawa!!". Pabirong sabi ko sabay shoot ng bola at pasok!!

"Trixie !! Come on !! Nandito ka lang pala, tara na ah mamaya di na kita matuturuan!!". Sabay kaming napalingon ni Trixie sa lalaking sumisigaw. At otomatiko naman akong napanganga.

He's so hot and so fuck !!

"Ah Troy kase ano eh ahm~~~". Di na natuloy ni Trixie yung sasabihin nya dahil sa bigla kong pagtira. Sabay silang napatingin sakin. Napapakamot naman ako sa batok dahil nahiya ako.

"Woah nice shot four in one hahahahaha". Namamanghang sabi nung Troy. Napangiti naman ako dahil sa papuri.

"Ah Troy !! Yan si Princeey Mikhail but you can call her Rin katulad ng tawag ng barkada sa kanya. isasama ko sana sya if okay lang !?". Kabadong tanong ni Trixie. Clueless naman akong napatingin sa kanya dahil di ko talaga alam kung anong sinasabi nya.

"Hahaha pwedeng pwede open naman mga skaters na magturo sa mga gustong matuto eh!". Malawak ang ngiting sabi nung Troy.

"Pass ako diyan ayokong mabalian ng buto". Sabi ko sabay asinta sa susunod na bolang dapat kong ihulog.

"Sige na Rin wala kaseng babae sa kanila alangan namang mag isa lang ako nakakahiya naman yun!!". Maktol ni Trixie. Pinukol ko lang sya ng masamang tingin dahil sa sinabi nya.

"Bakit sinabi ko bang sumama ka sa kanila!?". Nauubos ang pasensyang sabi ko.

Sa huli ay wala rin silang nagawa at iniwan na nila ko. Matapos kong magbilyar ay dumeretso agad ako sa comp shop. Nadatnan ko na agad yung iba ko pang barkada don.

Better PlaceWhere stories live. Discover now