Chapter 9

2.2K 66 1
                                    

Zumi's POV

"Katzumi..." Ang hinhin nang boses niya.

"Who's there?" Sigaw ko.

Wala akong makita, puro puti lang ang nasa paligid ko. Where am I?

"Katzumi..." Ayun nanaman yung tinig na yun. Luminga-linga ako sa paligid ngunit puro puti lang talaga ang nakikita ko.

"Who are you? Anong kailangan mo sakin?" Bigla na lang lumiwanag ang paligid ko kaya tinakpan ko ang mata ko. Maya-maya lang nawala na yung liwanag.

Pagbukas ko nang mga mata ko isang magandang lugar ang bumungad sakin. Mali... Isa pa lang paraiso. May nakatira kaya dito?

Naglakad-lakad ako para malaman kung may tao ba dito. It's like magic, grabe ang ganda dito. May mga puno na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Meron ding mga bulaklak na dito mo lang makikita.

Bigla na lang kumislap ang mga mata ko dahil may nakita akong fountain. Simula bata favourite ko na talaga ang fountain. Ewan ko lang kung bakit. Nakakarelax kasi tignan yung tubig nito. Pero kakaiba ang fountain na toh dahil kumikislap yung tubig. Impossible namang may magic toh.

Tinititigan ko lang ito nang marinig ko na naman yung boses.

"Katzumi...halika." Sinundan ko yung boses kung saan nanggaling. Napadpad ako sa may garden. Yung kanina kasi para siyang entrance papasok.

"Sino ka? Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko sa babaeng nakatalikod.

Humarap siya sa gawi ko kaya nakita ko na kung sino yung tumatawag sakin kanina pa. Ang ganda niya. Tapos ang puti pa niya. She look like a goddess because of her dress. Mahabang bestida hanggang tuhod na kulay pink with a touch of red. Samahan mo pa nang maamong mukha at buhok na hanggang bewang. Kakulay ng damit niya ang buhok niya na medyo may pagkacurl sa dulo. She looks perfect.

The Long Lost Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon