Chapter 15

2K 66 11
                                    

This update is for @user74699798 hope you like it! ^_^

Zumi's POV
*poink* *poink* *poink*

Naramdaman kong yumuyugyog yung kama ko. Bwiset sino ba tong nanggugulo sa kwarto ko?!

"Yah! Zumi gising na!" Aish ang aga-aga nakasigaw na agad. Binato ko naman ng unan kung sino man tong taong toh.

"*Bogsh!!* Aray!" Tiningnan ko naman kung sino yun. Pfft!

"Hoy Zumi ang sakit nun ah? Ginigising lang naman kita ah? Bakit kailangan mong mambato ng unan? Huhuhu"

"Pfft! Haahahahahaha!!!" Shit ang sakit ng tyan ko hahahha!!

"H-hoy! Anong nakakatawa? Ha? Nahulog na nga yung tao eh huhu." Bumangon naman ako at tinulungan siyang tumayo.

"Bakit ka kasi nandito sa kwarto ko? Ang aga-aga nakasigaw ka na agad."

"Ginigising lang naman po kita dahil baka malate tayo." Sinasabi niya yun habang hinihimas yung pwet niya.

"Huhu ang sakit..." Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ng banyo.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ko. Naglong sleeve lang ako na kulay blue at leggings na kulay black.

Pagbaba ko naabutan ko sa kusina yung tatlo. Hindi man lang naghintay. Teka may nakalimutan ako....

"Hoy Tania nasaan na yung mga chocolates ko?" Tss akala niya nakalimutan ko na yun?

"Hehe akala ko nakalimutan mo na eh, mamayang recess kita bibilhan. Huhu ubos pera ko dito *pout*"

"Okay hihintayin ko yun mamaya."

"Attention students, go to the gymnasium for your leveling battle. Again go to gymnasium for your leveling battle, thank you."

"Ngayon na pala yun, tara na para makahanap tayo ng magandang pwesto." Tumango lang kami nina Tania at Ave. Hindi pa nga ko nakakakain.

Nakabusangot ako habang naglalakad papuntang gymnasium. Bwiset na leveling battle na yan, dahil dyan hindi ako nakakain.

"A-ahmm Zumi okay ka lang?" Tanong sakin ni Ave, tiningnan ko lang siya ng malamig at hindi na pinansin yung tanong niya.

Subukan lang talaga nilang bwisitin ako ngayon.

"Look who's here...." Biglang may humarang sa daraanan ko.

I just stare at this annoying creature coldly. Gutom ako kaya mabilis maubos yung pasensya ko. (Ms/A: Short tempered ka naman na ever since noh.)

Ayokong makipagbiruan ngayon Ms.A. (Ms/A: S-sabi ko nga he-he, chao~)

"Layuan niyo ang Elementals kung ayaw niyong maging impyerno ang whole school year niyo. Lalong lalo ka na, layuan mo si Prince Nathan dahil hindi kayo bagay." Sabay turo nito sakin, I smirk.

"*smirk* And why would we do that? I'm sorry to say this dear but I.am.hell.itself. Oh and by the way, kami ni Nathan? Hindi bagay? Eh kanino siya bagay? Sayo? Oh c'mon mas maganda pa katulong ko kaysa sayo eh." Please note the sarcasm.

"What the-Hoy babae para sabihin ko sayo ako ang pinakamagandang babae dito sa Academy! And you! Don't you dare to tell me na...na..."

"Na?..." Tanong ko sabay ngiting nang-aasar.

"Na...basta! Layuan niyo ang Elementals because all of you are weak!" Kumunot naman ang noo ko. Anong kinalaman nun sa mga Elementals?

Psh sinasayang ko lang ang oras ko dito. Nilagpasan ko na lang siya habang dada parin siya ng dada.

The Long Lost Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon