Part 1

985 14 1
                                    


Panay ang ngiti ni ava habang nakaupo sa isang malaking bato sa tapat ng kanilang bahay, at para bang isang di mapalagay na kiti-kiti. Nangunot ang noo ni  jacob  nang makita ang una na panay ang hagikgik. Unti-unti ay lumapit siya sa likod ni ava at .."Bang!" sundot ni Jacob sa pisngi ng kaibigan nang lumingon ito nang mapansing merong ibang tao."Panira ka naman eh! Nagmo-moment yung tao tapos bigla ka nalang .." nguso ni ava."Eh,ano ba kasing nangyayari sayo? Para kang sinapian nang kiti-kiti diyan ah?" taas-kilay naming sabi ng kaharap."Sekretong malupet!" sabay tawa ni ava. "Halika na nga, kanina pa ako naghihintay sa'yo ah, male-late na tayo oh?" dugtong nito at tumingin sa relong pambisig.Nagkamot-ulo naman ang binata, at luminga-linga. "Asan na ba kasi si ethan?""Oh,ayan na pala eh" turo ni ava sa paparating na si ethan"Tara,guys!" sabi nito,at nagsimula nang maglakad patungo sa school nila. Sumunod naman ang dalawa. Mga ilang metro lang kasi ang layo niyon kaya mas pinili nalang nilang maglakad para makatipid sa pamasahe. Araw-araw nilang ginagawa yun kung hindi man umuulan. Sila na talaga ang parating magkasama. Magkaibigan na kasi sila at magkapitbahay simula pa noong elementarya. Kahit nga mga magulang nila'y malalapit rin sa isa't isa. Kilalang-kilala na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa. At ngayon nga'y nasa highshool na sila. Si ava ay third year at sina ethan at Jacob  naman ay parehong nasa fourth year sa pinapasukang paaralan."Ah,ava!" tawag ni ethan nang magkahiwa-hiwalay na silang tatlo para pumasok sa kanilang room. Bigla ay lumapit uli ang binata sa kaibigan."Pahiram muna ng ballpen oh,nawala nga pala kasi yung sakin eh. Hindi pa ako nakakabili ulit. Isasauli ko mamaya,pramis" nakataas-kamay pa ang isang kamay nito tanda ng panunumpa.Ngumisi si ava"Ikaw naman,kahit di mo na isauli. Para namang hindi tayo magkaibigan niyan eh" tapos ay kinuha nito ang bolpen sa bulsa ng sariling bag at iniabot agad iyon sa kaharap.Ngayon lang nakakita si jacob ng ganoong klaseng ngiti mula kay ava . Pati mga mata nito ay palaging nakangiti na para nang walang bukas. Blooming? Hmm, hindi nalang niya binigyang pansin iyon at sakto namang nag-ring ang bell kaya nagmadali na ang tatlo patungo sa kani-kanilang silid-aralan.

SANA ako na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon