Nagkatinginan sina mia at emma, at panay ang kunot ng noo , mga kaklase ni ava. Kanina pa kasi palaging ngumingiting mag-isa ang huli kung kaya't ganoon nalang ang reaksyon ng dalawa. Tinabihan siya ng dalawa, recess nung mga oras na iyon kaya libre silang makipag-tsismisan.
"Tsk tsk. Delikado na 'tong isang 'to." Sabi ni emma.
"Oo nga! May sira na atang ulo nito eh" nakatawa naming dugtong ni mia.
Bigla ay napalingon si ava sa dalawa at bahagyang napasimangot.
"Alam mo ava ,baka hindi mo lang napapansin ah? Pero para ka nang luka-luka diyan" si emma. "Ano ba kasing ini-ngisi-ngisi mo diyan?"
Tumungo ang dalaga na para bang nahihiya. "Alam niyo kasi girls, parang .. parang inlab na yata ako eh"
Napamulagat ang dalawa at niyugyog ang balikat niya " Kanino? Sabihin mo na sa'min dali!" sabay pa nitong sabi.
Ibinulong naman iyon ni ava sa mga ito at lumaki ang mga mata nito pagkatapos. Sumenyas ang una na huwag iyong ibanggit sa iba.
"Eh pero paano iyon. Diba matagal na kayong magkaibigan?" si mia.
BINABASA MO ANG
SANA ako na lang
RomanceSANA'Y AKO NA LANGSimula pa noon ay naging matalik na magkakaibigan na sina ETHAN,AVA,at JACOB. Hindi biro ang pinagsamahan ng tatlo kung kaya't ganoon na lang ang tibay ng kanilang samahan. Ngunit nanganganib yung mabuwag nang dahil lang sa pag-ibi...