Part 4

620 11 2
                                    


Dagli siyang lumabas ng bahay para tingnan kung ano iyong nakita niya. Sigurado siyang malapit lang sa bahay nila naglaho ang anino. Pinagpapawisan siya habang mahinang binuksan ang gate. Madilim-dilim sa labas kaya wala siyang nakita at huminga nang malalim. Baka guni-guni lang niya iyon. Papasok na sana siya nang may kung anong bagay ang pumulupot sa paa niya. Ibubuka na niya ang bibig ngunit natigil nang makitang meron nga palang tao. Sigurado siyang lasing ito dahil sa amoy palang nito.


Nang mapagsino iyon ay ganoon na lang ang kanyang pagtataka. Si ethan Hindi nito ugali ang uminom. Sigurado siyang may problema ito, pero hindi nito sinasabi sa kanila. Masayang-masaya pa nga ito ng makita niya sa eskwelahan. Pero ano ito ngayon?
Tumingin siya sa loob ng kanilang bahay. Nahihimbing sa pagtulog ang mga taong naroon. Napabuga siya ng hangin. Mukhang dadalhin pa niyang mag-isa ang mokong. Tinapik niya ang pisngi nito.

"ethan Hoy! Gumising ka nga diyan. Naman oh, di mo pa ata kilala kung anong kama eh"

Umungol lang ito. "Patay" kagat-labi ni ava.


SHE was fond of gazing him. Habang dinadampi niya ang basang bimpo sa mukha nito'y hindi niya mapigilang damhin iyon, na para bang inukit iyon ng isang napakagaling na iskultor. Bumaba ang kamay niya sa maninipis na labi nito.

"Isa lang pramis" bulong ni ava. Lumunok muna siya at dahan-dahang inilapit ang mukha dito. Binigyan niya nang mabilis na halik ang labi nito. Ngumiti siya pagkatapos. Naalimpungatan si ethan at umungol ito. Bumukas ang mga mata nito at nakita siya. Matinding kaba ang naramdaman ng dalaga, kinabig siya ni ethan at ikinulong ang mukha niya sa mga maiinit na kamay nito. Ngumiti ito kay ava, at ..

Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong dulot ng halik na iyon. It was her official first kiss at kahit pa nga iyon ang pinaka-una'y sigurado siyang magaling talaga itong humali. Hindi niya alam kung sino ang bumitaw. Kahit hindi na magkadikit ang kanilang mga labi ay parang nanatili pa rin iyong nakadikit sa kanya. Ah. Ganiyan pala ang first kiss at masaya siyang ito ang unang nakahalik sa kanya. Walang pagsidlan ang kanyang saya.


Inangat ni ethan ang isang kamay sa kanyang mukha. His eyes were half open. "avery,bakit?" parang hirap na hirap pa nitong sabi.


Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Hinalikan siya nito pero iba pala ang nasa isip nito? At sino si avery? Wala siyang alam na may girlfriend ito sa ngayon,oo may mga nagugustuhan si ethan pero ngayon lang niya ito nakita ng ganoon. Nasasaktan ito, siguro nga'y mahal na mahal nito iyon. Iniisip pa lang niya iyo'y para nang sinaksak ang puso niya.

Tumayo si ava at humarap sa bintana. Doo'y pinalaya ang mga luha. Buti nalang at nakatulog ulit si ethan. Hindi pa nga nagsisimula ang laban pero mukhang talo na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SANA ako na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon