KANINA pa nagpabaling-baling si ava sa kanyang higaan. Hindi pa rin matanggal sa isipan niya ang sinabi sa kanya ni mia. Kung hindi lang sana hadlang ang pagkakaibigan, disin sana'y matagal na niya iyong sinabi sa itinatangi. Hindi niya alam kung saan o kung paano. Basta isang araw, pag-gising niya'y naramdaman nalang niya ang hindi maipaliwanag na saya. Bigla nalang itong mas lalong gumwapo sa paningin niya, na ang sa totoo'y para namang walang nagbago dito. Kumpleto na ang araw niya, masilayan lang ang binata. Noong una'y, palagi niyang itinatanggi sa sarili na isang paghanga lang ang kanyang naramdaman, pero nitong mga huling araw ay tanggap na niyang isa iyong pag-ibig. Ang kanyang unang pag-ibig.
Matagal na silang magkaibigan ni ethan pero ayaw niyang masira iyon kung saali mang wala itong pagtangi para sa kanya. Tiyak,magugulo ang sitwasyon. Tapos aabot pa sa puntong magkaka-ilangan sila, tapos malalayo ang loob sa isa't isa. Tapos .. Ah! Ang daming tanong na sumulpot sa utak niya. Kinuha nalang niya ang librong nasa side table at binasa iyon para makatulog. Ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
Lumabas siya ng kwarto at tumungo sa kusina para ipagtimpla ang sarili ng gatas. Ganoon talaga siya kapag hindi nakakatulog. Iinumin na sana niya ang gatas ng makarinig ng kaluskos sa labas ng kanilang bahay. Pagsilip niya sa bintana ay may kung anong anino na naglalakad dahilan para siya'y kabahan. Pero biglang naglaho iyon at may kung anong bagay ang bumagsak.
BINABASA MO ANG
SANA ako na lang
RomanceSANA'Y AKO NA LANGSimula pa noon ay naging matalik na magkakaibigan na sina ETHAN,AVA,at JACOB. Hindi biro ang pinagsamahan ng tatlo kung kaya't ganoon na lang ang tibay ng kanilang samahan. Ngunit nanganganib yung mabuwag nang dahil lang sa pag-ibi...