CARDINAL GATEWAY
Unti-unti kong naimulat ang aking mga mata, at ang tumambad sa akin ay isang malawak na space na kulay asul na para bang walang hangganan.
"Asan kaya ako?"
Ang huli kong pagkaka tanda ay pauwe ako galing trabaho. Hindi ko namalayan habang tumatawid ako ng kalsada ay may mabilis na truck palang pa punta sa direksyon ko. Huli na ng napansin ko kaya't mabilis akong nabundol nito.
"Ito na siguro ang langit"
Siguro nga ay namatay na ako. Wala na! Huli na! Hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko sa buhay! Yung malaking bahay, madaming kotse, magandang asawa, mga makukulit na anak, madaming per- - -
"Welcome to CARDI- - -"
"WAAAHHHHHHHH!!"
Yung tipong nag mo moment ka at nag da drama dito sa kawalan, tapos may susulpot sa harap mo na babaeng nakaupo sa isang modernong upuan na nakalutang. Abaaa!
"Sshhhhh!"
"Welcome to CARDINAL gateway! Dahil sa magandang pamumuhay mo sa mundo ng mga tao ay isa ka sa biniyayaang maging bahagi ng mundong CARDINAL! At kung maging matagumpay ang iyong pamumuhay sa mundong ito ay maaari kang bumalik at mamuhay muli sa mundo ng mga tao"
Alam mo yung tamad na tamad kana sa trabaho mo kasi pa ulit-ulit nalang ang ginagawa? Yun bang gustong-gusto mo ng umuwe! Pero di pwede kasi kakapasok mo palang at 8hours pa bago umuwe!
Ganun!
Ganun na ganun ang tingin ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Tamad na tamad sya!
"Ang CARDINAL WORLD ay hindi katulad ng mundong nakagisnan mo. Ito ay mundong puno ng hiwaga at kapangyarihan. Dito din sa mundong ito ay AHHH!! BASTA!!! Anong gusto mong name?"
"Huh?!" Ano daw??
"Sabi ko anong gusto mong pangalan? Hmm?! Teka!" May pinindot sya sa kanyang harapan at bigla na lang may lumabas na virtual screen
"Hmmm?! Clark Thompson. 22 years old. Isang accountant. Ok ka naba sa Clark Thompson o gusto mong ibahin ang pangalan mo?"
Woaah! Ang galing naman! Info ko pala yung tiningnan nya. Para syang real-life character sa isang RPG game
"Ok ka naba sa Clark o iibahin mo pa?!" Halata sa boses nya na medyo naiinis na sya
"A-ahh osi-ge. Sige." Katakot!
"Ok" *ting*
Pagkatapos ay hinawi nya ang kanyang kanang kamay mula sa kaliwa papunta sa kanyang kanan, at doon may lumabas na apat na malaking virtual screens
SUMMONERELEMENTALIST
ARMAMENTOR
SUPPORT
*grin*
Yung ngiting mala demonyo, ganun! Ganun kalapad ang ngiti ko ngayon
Mala RPG game talaga! Wala nakong pakialam kung totoo ba ito o hindi! Kung na nanaginip lang ba ako o hindi! Isa din kasi ako sa mga adik sa MMORPG dati
"Hindi ko na i explain, may description naman dyan. Basahin mo nalang. Marunong ka naman sigurong mag basa diba!"
Kung ihahalintulad ko ito sa mga RPG games na nalaro ko dati, kung ano yung pipiliin ko dito ay syang magiging character ko sa game. Kaya dapat mamili ako ng mabuti.
"Ano na?! Pwede naman pumili nalang kahit ano! Sige, sige! Bigyan kita ng 5 minutes para ma mili! Ah hindii! 3 minutes lang! Bilisan mo!"
Na iinis na sya pero wala pading gana yung boses nya. Ang cute!
Base sa pagkaka intindi ko ito ang summary ng bawat character
SUMMONER
- bibiyayaan ka ng CARDINAL WORLD ng isang CARDINAL BEAST, na pwede mong magamit sa pakikipag laban. Ang pag level up nito ay kasabay ng pag level up ng owner. Ang C.Beast ay pwedeng mag evolve at madagdagan ang skills depende sa taas ng level na mararating nitoELEMENTALIST
-bibiyayaan ka ng C.World ng isang element (fire, water, air, etc.) depende sa iyong pagkatao at laman ng puso. Ang pag lakas at pag lago ng potentials nito ay naka depende din sa level ng ownerARMAMENTOR
- bibiyayaan ka ng C.World ng isang weapon na nababagay sayo. Ang characteristics and skills ng weapon ay nakadepende din sa level ng ownerSUPPORT
-necklace is the identificaton of all support type. Bibiyayan sila ng C.World na magbigay ng buffs sa specific field na gusto nila (power, speed, defense, etc.) at sila lang din ang may kakayahang mamili ng profession (alchemist, merchant, blacksmith, etc.)
"MAMIMILI KA PA BA? O HINDI NA?" dahan dahan nyang pag kaka bigkas pero madiin ang bawat salita
"A-aahh, an-noo kassi! Ahmm ang gus-stto ko. San-na ayy a-yy" nagkanda bulol nako sa pagka tense. Diko alam kung saan ako na te tense. Kung sa pag pili ba o sa kanya
"Kung ayaw mo mamili, edi huwag!! Pwede naman kitang ibalik dun sa PURGATORY at tuluyan ng mawalan ng pag asang mabuhay!"
I wave na nya sana yung kamay nya para alisin yung 4 virtual screens sa harap nya kaya agad agaf akong nag salita
"Hindi! Hindi. Teka lang. Ito na nga ohh. Pipili na!"
*sighs*Isang malalim na buntong hininga ang nilabas ko
"Sige, ang pipiliin ko at ang gusto kong maging character ay...."
Itunuro ko ang aking kamay dun sa gusto ko
"ITO!!"- - -
SirKit#
Una palang hoo! Haha. Sana samahan nyo ako hanggang huli pati nadin si Clark syempre :)
_FantasyBoii

BINABASA MO ANG
Cardinal World
FantasyPaano kung namatay ka? Tapos hindi pa pala dun nag tatapos ang lahat? Paano kung may pag asa kapang bumalik sa iyong totoo buhay? Tatanggapin mo ba ang hamon na binigay sa iyo ng pagkakataon? O papalampasin ito at susuko nalang? Samahan si Clark sa...