#7: Entering E'Town

122 12 2
                                    

This Chapter is dedicated to @_MathIsLove and @09Faded_Sky for voting all the previous chapter. Salamat po ^_^

- - -

Ang elementalist town ay napapalibutan ng isang mataas na pader. Malalaman mo lang na ito ang elementalist town dahil naka sulat ito sa ibabaw ng main gate. Hehe

Sa labas, madame ng mga elementalist ang nandun, meron ding mga NPC o Non-Player Character. Paano ko na identify kung sino mga player sa npc?

Kasi sa ibabaw ng mga player may mga naka lagay na pangalan, level at kung anong class nila. Tulad sakin.

<Clark>
<elementalist Lv.10>


May ilan na matataas na ang level, pero ang pinaka mataas ko palang na nakikita ay 30+

Mas pinili kong hindi makipag usap sa kanila at dumeretso ng pasok sa elementalist town

Pag pasok ko, tulad ng inaasahan, katulad lang din ito ng typical na town sa ibang mmorpg games.

Madaming tao, madaming building, madaming store, maingay.

"Ok! Kailangan kong bumili ng mga items at additional armor. Kailangan ko din palang ipag bili itong mga items na nakuha ko sa pag hunt ng 'wildboar' at 'hornedboar' "

Madameng mga store ang may nakalagay sa labas na 'buying your items' pero ang naka kuha ng atensyon ko ay itong store sa harap ko. Ewan ko kung bakit pero iba ang pakiramdam ko sa shop na ito, para bang may something na hindi ko maipaliwanag. Kaya pumasok nalang ako

"Good afternoon sir, welcome to Jennifer's shop, anong maipag lilingkod ko sayo"

Isang malapad na ngiti ang binitawan ng isang magandang dalaga sa aking harapan. Ang kanyang mga boses ay parang musika sa aking tenga, ang kanyang kutis na kay kinis at kay puti ay tila ba kay sarap pisilin. At ang kanyang hinaharap, o Diyos ko salamat at dito moko sa daigdig na to dinala.

Oo na,sige na nga. Tama kayo. Kaya ito ang pinili kong shop ay dahil sa chikababes nato. Hahha

"Ahh, sir ok ka lang po?"

"Ahh, ehh- oo ok lang ako"

Ang ganda talaga at ang seksi ng kanyang boses at katawan. Hohoho

"Ahm miss jennifer, ako nga pala si Clark. Nandito sana ko para ipagbili sayo ang mga items na nakuha ko"

"Thank you clark sa pagpili sa shop ko. Wag kang mag alala bibigyan kita ng magandang deal"

"Talaga? Salamat kung ganun"

Pagkatapos ay tiningnan ko ang inventory ko para makita kung anong pwedeng ipag benta

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Inventory
Gold x200
Silver x2
Bronze x691
Small hp potion  x3
Small mp potion  x5
Boarmeat x248
Smallhorn x5

Equipment
White Leather Shirt (Normal)
Tattered jeans (Normal)
Tarasque ring (rare)
Blue Crystral earring (???)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Hmm? Boarmeat at smallhorn ang pwede kong ipagbili, tiningnan ko ang description ng 2 items na yan, hindi ko sya magagamit sa ngayon, dahil sabi ingredients to for something. Kaya ipag bibili ko nalang, magkano kaya ang presyo nito?

"Jennifer, magkano mo bibilhin ang boarmeat"

"Hmm?! Ang boarmeat ay galing sa wildboar, at ang wildboar ay nag re range lang sa level 1 hanggang 4 na nagkalat sa labas ng town. Common ingredients to ng mga cook. So, pwede ko syang bilhin ng 5 bronze per piece"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cardinal WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon