Chapter 8

71 2 0
                                    

Chapter 8

Louise's POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ko siya. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko yun kay Alden. Siguro instinct na ng isang babae na pag nakita niya yung ex niya na papalapit sa kanya... Iiwas siya. Minahal ko talaga si Enzo kaya hanggang ngayon ay masakit pa rin yung ginawa niya sa akin. Masakit kasi nagtiwala ako pero niloko niya ako. He let me fall in love with him but in the end, he dropped me. 

*** Flashback ***

Ilang beses ko tinatawagan yung phone niya pero hindi niya sinasagot. Papalabas na ako sa restaurant kung saan dapat magkikita kami. Isang oras niya na rin kasi akong pinagaantay. Nakakainis kasi alam niya na busy rin ako sa pag-aartista pero nagagawa niya pang aksayahin ang oras ko. 

Nang makalabas ako sa restaurant, agad naman akong hinatid ng driver ko sa condo namin sa Eastwood. May taping kasi ako ng maaga kinabukasan kaya dun muna ako matutulog. Nag-drive lang yung driver ko habang tinatawagan ko si Enzo... kaso di pa rin niya sinasagot. 

Nang makarating na ako sa condo building, sinalubong ako ni yaya at pinaakyat lahat ng mga kailangan ko. Mag-lolog-in na sana ako sa reception area nang makita kong pumasok siya at umupo sa lobby kasama ng isang babae. Hindi niya ako nakita dahil abala siya sa pakikipag-landian sa babaeng iyon. Nang halikan niya ito sa pisngi dun ko nalaman na may mali. Nilapitan ko sila at dun niya lang napansin na nandun pala ako. 

Enzo: Louise... let me explain. It's not what you think.

Louise: How can you explain this Enzo? 

Enzo: We're just friends. Really.

Tiningnan siya ng babae at waring di alam ang sinasabi nito. Hindi ko alam pero tumutulo na pala ang luha ko.

Louise: I trusted you. 

Enzo: No... don't leave me. Please... di ko kaya na wala ka.

Louise: Really? You really have the nerve to say that? We're through!

Umalis ako sa lobby at hinabol niya ako sa may elevator. Nakikita ko ang reflection ko na umiiyak. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko noon kasi claustrophobic ako. Unti unti akong nawawalan ng malay. Nagdidilim na ang paligid at nang bumukas ang pintuan ng elevator, nakita ko si yaya na nagpanic at binuhat ako ng driver ko patungo sa unit ko. 

I never forgot how hurt I was that time. Kinailangan ko pang uminom ng anti-depressants para mapawi ang sakit nun. Si Enzo kasi ang first love ko and I believed him when he said he'll love me forever. Masakit pala kasi some people don't really mean what they say. Some people leave and drop you. 

*******************************

Nakarating na kami sa mansyon namin sa Forbes. Since may class ako bukas, pupunta rito ang prof ko para ibigay ang lessons ko. Special classes kasi ang kinuha ko since nag-aartista rin ako. 3rd year pa lang ako pero dahil nag-advance na naman ako sa ibang subjects noon, this will be my last year in college. 

Bumukas ang gate at pumasok ang kotse namin. I entered the door like a ghost. Napansin iyon ng lola ko kaya siguro minabuti niyang wag na muna akong kausapin. I was really in a bad mood. Bakit kasi sa lahat pa ng restaurant dun pa siya nagpunta sa favorite ko? I don't wanna eat there again. >.<

Binagsak ko yung pinto ng kwarto ko at humilata sa kama. Nagsalpak ng headphones sa aking tenga. Pinatugtog ko yung "Sad" playlist ko with Adele, Birdy, and Ed Sheeran's songs. Pag malungkot ako yun lang ang pinapakinggan ko. 

Like Lovers Do (Denlou Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon