Prologue- Ikaw at Ako

676 19 14
                                    

Title: Ikaw at Ako
Genre: Teen Fiction
Author: Blesstariray
Date Started: December 1, 2017
Date Ended: ----

Erica's POV

Madilim at masukal na lugar ang napili naming mapuwestuhan ng kasama kong ito.

Tanging huni lamang ng mga ibon at tunong ng kuliglig ang bumabanayad sa aming mga tainga sa oras na ito.

"Roberto! Bilisan mo!" Halos pabulong ngunit may diin 'kong sabi.

"Just wait Erica ok? And please be quiet. They might hear us." untag ni Roberto.

Napasinghap ako dahil sa sakit na naramdaman.

"Roberto, please be gentle. It hurts." suhestiyon ko rito.

Naramdaman ko naman ang pagbabago sa galaw niya at bahagya itong bumagal.

"Eto? Ayos naba ang ganito Erica? Hindi naman ba masakit?" Sunud-sunod niyang tanong sa akin.

"Yes. Mas okey na siya kaysa kanina, and please Roberto make it fast." halos pasigaw ko nang sabi.

Inilapat niya ang kaniyang hintuturo sa aking labi.

"Shhhh. Wag kang maingay, baka marining nila tayo." sabi niya.

Napatahimik na lamang ako sa sinabi niya, dahil baka may makarinig sa amin at mahuli kami.

"Roberto, tama na please. Ang hapdi na niya sobra." pagmamakaawa ko sa kanya dahil sobrang sakit na talaga at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayaning lumakad pa.

"Eto na Erica, huli na ito." ani niya.

Napasinghap ako sa bawat galaw niya. Mabibigat na hininga ang nasasambit ko sa tuwing nakakaramdam ako ng hapdi sa kanyang ginagawa.

"Roberto" singhap ko.

Magsasalita na sana si Roberto nang biglang may sumulpot na tao sa pagitan ng matataas na talahib.

Si chrys, isa sa mga kalaro namin.

"Huli kayo! The both of you, you're out! Hahaha. Bingo" Patalon talon niya pang sabi.

"Okey fine. I surrender." Sabi ni Roberto habang nakataas ang dalawang kamay na animo'y sumusuko sa nagawang kasalanan.

Bakas sa mukha ni Chrys ang pagtataka kung kaya't tinanong ko siya.

"Chrys, why are you staring at me like that? Is there something wrong?"

Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang bibig sabay turo sa may bandang paa ko.

"Ano yan Erica? What happened ba when I'm not around pa?" conyo niyang sabi.

"Ah, this ba? Kumawit kasi this side of my foot here sa may kakahuyan that's why may wound na ngayon." sabay turo ko sa paa ko at sa kakahuyan habang ginagaya ang kanyang pagka conyo.

"Aaaw. It hurts naman pala Erica." kunwari pa siyang napahawak sa kanyang dibdib na wari mo'y nasaktan talaga.

"Hahahaha. You're so jologs talaga Chrys." biro ko sa kanya.

At nagtawanan kaming dalawa.

Ngunit naiba ang mood nang mapatingin kay Roberto si Chrys na ngayon ay inaasikasong matakpan ang sugat ko sa paa.

"Hey? Please be honest hu? Tell me what's the real score between the two of you?" halos pag-iimbistiga niyang tanong.

Napahinga naman ako ng malalim sa tinuran niya.

"Real score real score your face, there's nothing between us kaya." ganti ko sa kanya.

"And besides, he already had his Babe na kaya." mababakas ang lungkot sa aking pananalita.

"Aw" singhap niya.

"Oyea, I know right. That's why I'm asking." dagdag niya pa.

Tumayo na si Roberto sa pagkakaupo.

"Osige na Chrys, you're so daldal. Pwe! Nagagaya na ako sa kaartehan mong babae ka. Uwi na dun!" parang amo niyang sabi sa kanyang aso.

"Hahahahahaha okey! See you again beshies." flying kiss niya pa.

Nagsimula na siyang lumakad palayo sa aming dalawa kaya't balak na rin naming umalis.

Pumorma si Roberto na animo'y makikipagkarerahan.

"Hey? What's with the position?" I asked him.

"Aha! Don't you get it? May sugat ka diba? So you won't be able to walk, that's why I'm with this position. Para buhatin ka." saby kindat pa nito sa akin.

Napahagikgik ako sa kanyang tinuran.
Mahal na mahal ko talaga siya, ngunit paano na? Napahinga na lamang ako ng malalim.

"Okey fine." sagot ko.

Sumampa na ako sa kanyang likod at nang maayos na ay nagsimula na itong lumakad.

"I love you, Erica." sabi niya.

Nagulat ako ngunit mas naaig ang aking damdamin kung kaya't walang sabi sabi ay napasagot ako sa kanya.

"I love you too." bulong ko sa kanya.

"Kelan kaya? Kelan kaya tayo magiging malaya?" Tanong niya.

Napaisip ako sa kanyang sinabi, dahil hindi ko pa naiisip kung paano nga ba at kung hahantong ba talaga kami sa ganoong kalagayan.

"Hindi ko alam." tanging nasambit ko.

Humugot siya ng malalim na hininga bago sumagot sa sinabi ko.

"Kahit ganoon ay naghihintay pa rin ako na magiging malaya tayo, y'ong hindi ganito. Y'ong hindi nagtatago." ani niya.

Kahit ako ay umaasa ngunit malabo ito.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad ng mahuli kami ni Babe na pauwing magkasama.

"What's the meaning of this? My bestfriend? and what? My boyfriend?" galit niyang sambit.

"Patay!" bulong ni Roberto sa aking mga taenga.

Ano nang gagawin namin? Eto na nga ba ang kinakatakutan naming dalawa, ang mahuling magkasama.

©All Rights Reserved 2017

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon