Erica's POV
Napantig ang tainga ko nang narinig ang pangalan niya, tunog makaluma pero ansarap pakinggan.
"Roberto?" ulit ko sa sinabi niya. "Makaluma ah." sabay tawa ko.
"Hahaha, I know. Hindi lang naman ikaw ang nagsabi niyan, sanay na ako." tugon niya.
Napatawa ako sa sinabi niya.
Ngayon ko pa lamang siya nakausap ngunit parang ang tagal tagal ko na siyang kilala, ang gaan ng pakiramdam kong kausap siya.
"Hahaha, siguro junior ka nu?" patawa kong sabi. "Kadalasan kasi sa mga makalumang pangalan ay mga junior." dagdag ko pa.
"Haha, mukhang alam na alam mo na ah." ani niya.
"So tama nga ako?" tanong ko sabay tawa ng mahina.
"Hahahaha, tama ka nga." sagot niya. "Ano palang pangalan mo?" tanong niya sa akin.
Siguro ay nahalata niyang siya lang ang pinag-uusapan namin.
"A-aah, I'm Erica." sabay lahad ko ng kamay ko, kahit wala akong kasiguraduhan kung tatanggapin niya ba o hindi.
"Nice to meet you." sambit niya.
Kinuha niya ang kamay ko at nag shake hands kaming dalawa. Nginitian niya ako na parang ako ang pinakamagandang babae sa balat ng universe.
Napatili ako sa isip ko. Sino ba naman ang hindi kikiligin like duh! Napahagikgik na lamang ako sa ideyang nahawakan niya ang kamay ko, parang ayoko nang bumitaw.
"Sige, mauuna na ako Erica may pasok pa kasi ako. Nice to meet you." pagpapaalam niya.
Bago umalis ay nagpaalam na din ako sa kanya. Habang papalayo ay nag flying kiss pa siya sa'kin at umakto akong sinalo ito at idinikit sa aking labi.
Harot ko talaga, di ko akalain na ganoon na lamang ang magiging tama sa akin ni Roberto.
Hanggang sa makarating ako sa classroom ay siya pa rin ang tumatakbo sa isipan ko.
Ganito ba 'yong tinatawag nilang love at first sight? Kasi kung oo, naniniwala na ako. Maharot naba ako kung sasabihin kong mahal ko na siya?
Sa paraan ng pag-uusap namin ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagkailang, kundi tanging kaba at kilig ang namumutawi sa aking damdamin.
Mukhang kailangan kong kumausap ng mahusay na adviser, at si Babe lang ang naalala kong pwedeng magbigay ng napakabigat na lesson sa buhay ko.
"So this is our first day, I'm Mr. Vincent Garcia and i'm 24 yrs. old. I graduated BS Business Teacher Education at Ateneo De Calauan, I received my degree with the title Suma Cum Laude. And of course I'm single and ready to mingel." paliwanag ni Sir na nagpabalik sa akin sa realidad.
Sa lahat ng ayaw ko ay ang itroduction scene na pupunta ka pa sa unahan para makapagpakilala sa mga kaklase mo, hindi naman sa hindi ko gusto ang ideya, ang sa akin lang ay nahihiya ako.
"So, tapos na ako magpakilala and I think it's your turn na to introduce yourselves." sabi niya. Takot na takot at kabadong kabado na ako, hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko.
Isa-isang nagpakilala ang mga kablock ko at palapit na ng palapit ang turn ko para magsalita. Hindi ko na ata kakayanin, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa kinalalagyan nito.
Hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayari, ngunit tila ako'y naninibago pa rin. Dahil siguro sa bagong environment at mga tao sa paligid.
Napahiyaw ako ng mahina nang mapagtanto na ako na ang susunod na magpapakilala.
"Good morning. I'm Erica Joy Lee, I have my twin sister named Erishia Anne Lee. I'm 19 yrs. young." pagpapakilala ko.
Naantala ako sa pagsasalita nang pumasok ang lalaki na sa palagay ko ay late na. Gaya ng ibang istorya, inaasahan ko na si Roberto ang lalaking ito, dahil madalas sa nga kwento ay magiging kablock mate nila ang mga crush nila.
Nadagdagan ang kaba ko sa ideyang ito, hindi na ata kakayanin ng puso ko ang kilig kung magiging classmate ko siya kahit sa isang subject lang, pero hindi ko rin alam kung dito ba siya nag-aaral. Nalungkot ako bigla.
Wala sa sariling bumalik ako sa aking designates seat.
"Hey! Who are you?" Tanong ni Sir sa lalaking bagong dating. Hingal man ang lalaki ay pinilit nitong sumagot.
"Good morning. I'm sorry I'm late." napakamot pa ito sa ulunan niya, senyales na siya ay nahihiya. "I'm Cloud Delos Reyes, 19 yrs. young from Greenwood Village." hingal na hingal siya pagtapos magsalita.
Napahiyaw ang mga kaklase sa di ko malamang dahilan kung kaya't marahan kong inangat ang aking ulo upang malaman kung ano ang dahilan.
Maging ako ay napatili nang malaman kung ano ito, parang biglang bumagal ang lahat. Nawala ang sigawan, nawala ang mga tao sa paligid at tanging ako lamang at si Cloud ang nasa silid-aralan.
Lumapit ito sa akin at nagpakilala.
"Hi, I'm Cloud and you are?" pagpapakilala niya.
"Cloud? Parang may kapangalan ka?" pagkukunwari ko.
"Ah, talaga? Sino naman yun?" pagtataka niya.
"Parang Cloud kasi yung pangalan ng mapapangasawa ko e." wala sa sarili kong sagot.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."
Natauhan ako nang marining ang malakas niyang tawa at maging ng mg kaklase namin.
Napamura ako nang malaman ito, talaga bang sinabi ko iyon? Napahiyaw na lamang ako. Nakakahiya sobra!
Lord? Nagtataksil ba ako kay Roberto ko? Waaaaaaaaaaa! Napasigaw na lamang ako sa isipan ko.
"A-aa? Sorry." pagkasabi ko 'non ay umupo na ako at nagkunwaring walang nangyari, ngunit hindi ako nakaligtas sa mga kaklase ko.
"Yiiiee! May nagugustuhan na pala si Erica e"
"Eeeeeeeeeeek! Harot mo atih."
"Tapang ni Erica!"
Sari-sari at hindi ko na malaman kung sino-sino ba ang nagsasalita sa mga kaklase ko. Talaga bang nakakahiya ang ginawa ko? Ugh! Napasinghap na lamang ako.
"Hay! Bwiset" sigaw ko sa isipan ko.
Nawala na ang ingay dahil nagsimula na uling magsalita ang prof. namin.
"Class! Quiet please. Aalis muna ako hu? May emergency meeting kasi so kailangan kong umattend d'on. I will give you this time to get to know each other. Pag balik ko ay magkakaroon tayo ng activity so need niyo talaga makilala ang isa't isa."
Haaaaaaaay! Napahinga ako ng malalim, di ko alam gagawin ko. Sobrang nahihiya na ako.
"Hello? O yea. Sige. Oo, pupunta ako. Hahaha. Promise, count me in. Roberto naman, pupunta nga ako."
Napantig ang tainga ko sa narinig, tsismosa naba ako kung nakikinig ako sa usapan ni Cloud at ng kung sino.
Pero tama ba ang narinig ko? Did he just say the name "Roberto" ? O baka naman nag iilusyon lang ako.
Hindi ako mapakali kung kaya't humarap ako sa kanya upang magtanong, pero nagulat ako nang makita siyang masama ang tingin sa akin.
"Nakikinig kaba sa usapan namin?" mala-pulis niyang tulong.
Napaikot ang katawan ko patalikod sa kanya ng wala sa oras, dahil sa sobrang hiya. Pangalawang beses sa araw na ito napahiya ako sa harapan niya.
"Roberto?" wala sa sarili kong sambit. Halata naman sa tingin niya na nagtataka siya kung bakit ko nabanggit ang pangalang iyon.
"Pinsan ko yun? Bakit?" sabi niya.
Huwaaaaaaaaaaaaaat? Napalaking katanungang iyan sa isipan ko. Magkakagusto na nga lang ako sa dalawang tao magpinsan pa? Jusq. naman Erica.
"Pinsan mo?"
-----------
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
JugendliteraturMasayahin at napakabait na kaibigan si Erica kay Babe noong mga panahong single pa silang dalawa. Ngunit nag-iba na lamang ang takbo ng kanilang relasyon ng makilala ni Erica si Roberto na sa oras pala na yun ay nobyo na ni Babe na matalik niyang ka...