Erica's POV
Napakagat na lamang ako sa aking labi nang mapagtanto ang nalaman na galing mismo sa katabi ko.
Sa isip ko ay hindi ako mapakali.Yung tipo na kakabahan ka na lang bigla, mapapatanong na hindi mo mawari kung ano, yung nga kakatwang-ugali gaya ng pagkagat sa labi ko, yung mapa-tuktok na lang bigla ang aking mga daliri sa mesa ng inuupuan ko.
'Ano ba Erica. Kalma-kalma din 'pag may time.'
Pero di maiiwasang umuukilkil ng mga tanong ang aking isipan.
'May ka-poise-poise ba ang mga galaw ko? May mga dumi kaya ang mukha ko? Wala bang muta ang aking mga mata o mga kulangot sa aking ilong? Diyos ko! Erica mukhang kinakailangan mo na talaga ng masugid na self-check.' napatawa ako sa kaloob-looban sa mga tanong na umuukilkil sa aking isipan.
'But wait...'
May napansin lang ako. May something...
Yes, there's something happening to me now.'Naks! Umeenglish.' gusto kong humahalakhak at the same time batukan ang sarili ko sa mga nonesense na pinag-iisip ko at baka mapagkamalan pa akong baliw, tumatawa na walang dahilan at isa pa baka ma-turn off itong katabi ko.
Hindi naman masama kung mag-assume diba? Hehe
'Umuukilkil. Ah...oo. Isang pang-makatang salita. Ano pala ibig sabihin niyon? Makata na ba ako?'Napa-tsk ako sa ideyang iyon.
'Magkakagusto na nga lang ako sa mag-pinsan pa. Pero infairness, ang gagwapo na mag-pinsan ah. Ayyiieeehhh...' parang luka-luka ako dito sa isipan ko.
Napasitsit ako nang wala sa oras bilang pagsaway sa aking sarili.
'Mag-hunos dili ka nga.' pag-saway ko sa'king sarili.
'Landi mo talaga Erica'
'Okay kalma lang Erica baka mahalata ka ng katabi mo.'
Napagtanto kong masyado nang maraming namumuong ideya sa aking isipan kung kaya't umayos ako ng upo at pati ang aking suot na uniporme ay tiningnan ko kung may gusot ba o wala. Sinali ko na rin ang aking mga gamit na nasa loob ng bag at inayos ito.
'Naku ano bang nangyari sa iyo Erica. Na-over na yata ka sa ka-conciousan.' pagtalak niya.
"Done talking or battling with yourself?" may halong pag-alinlangan ang taong nagtatanong sa akin.
Napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang boses na iyon.
Bakas sa mukha ko ang pagkagulat dahil sa nagsalita. Talaga bang napansin niya akong kinakausap sarili ko? o baka naman...
MIND READER siya?
Napakamot ako sa ulo dahil maliban sa pakikipagtalo sa sarili ko ay kung ano-ano na ring mga ideya ang pumapasok sa isipan ko.
What if mag hire ako ng mga guard sa utak ko para hindi agad makapasok ang mga ideya na wala namang ka-sense? Tama! Talino ko diba! Hahaha! Baliw na siguro talaga ako.
Alinlangan akong tumingin sa kanya na tila isang batang nahihiya.
I tucked my misplaced strands of hairs on my left ear.
'Naman Erica kahiya...' bulong ko sa aking isipan.
"A-ahm... May iniisip lang. Hehe." sambit ko na may halong pag-alinlangan. Napangiti naman si Cloud sa inasta ko. Napasinghap ako sa taglay niyang kakisigan at kaguwapuhan.
"Can I invite a beautiful lady like you to have some coffee outside the campus?" may ngiting saad na sabi ni Cloud sa akin.
Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin kung saan nakakahumaling tila nagdadala sa iyo sa mala-bughaw na paraiso. Ngiti na tinuturing kang parang isang reyna sa kaniyang palasyo. Parang isang magiting at kagalang-galang na prinsepe na naghihintay sa iyong pasya o sagot habang nakalahad ang isa niyang kamay...
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
Teen FictionMasayahin at napakabait na kaibigan si Erica kay Babe noong mga panahong single pa silang dalawa. Ngunit nag-iba na lamang ang takbo ng kanilang relasyon ng makilala ni Erica si Roberto na sa oras pala na yun ay nobyo na ni Babe na matalik niyang ka...