Erica's POV
Napabalikwas ako nang bangon nang madatnan ang sikat ng araw na dumapo sa aking mukha, ebidensya na ngayon ay umaga na.
"Morning shine" masayang bungad ko.
Today is monday, so I should start my day with a beautiful smile. Sabi kasi ng mga matatanda kapag maganda ang naging simula mo, maganda na daw ito hanggang huli. Kaya inaasahan ko na magtuloy-tuloy ang magandang mood kong ito hanggang end of the week.
Nang maipahinga ko na ang aking mga mata sa pagkakapikit ay inilibot ko ito sa buong kwarto.
Kulay pink na pintura sa pader, kulay puting kisame at kulay lila na kurtina.
Mga iba't-ibang uri ng gitara ang nakasabit sa may pader, puno naman ng mga libro ang gilid ng kwarto ko kung saan nagsilbing aking mini library.
Ang closet ko na punong-puno ng mga damit na napakasisimple, at ang side table ko na lipstick at face powder lang ang makikita mo.
Lahat ng nakikita ko sa kwarto ko ngayon ay nagpapaalala sa akin kung gaano ako kasimple mamuhay.
Mayaman man, ngunit hindi ito paraan para maudyok ako na mamuhay ng ubus-ubos ang biyaya.
Lumaki ako sa piling ng mga magulang na ko nang may simpleng pamumuhay, gaya ng pagkain tatlong beses lamang sa isang araw. Isang laruan lamang sa isang taon, kapag nasira o tuluyan na itong naluma at tsaka na uli bibili ng bago.
Masaya mamuhay ng simple, dahil walang didikit-dikit sa iyong mga tao na wari mo'y linta kapag nalaman nila na mayaman ka.
Napansin ko ito noong ako'y nasa elementarya pa lamang.
Bitbit ang aking bag at lunch box na may lamang chocolate mud pie at isang saging, para sa aking snack nang biglang may lumapit sa aking kumpol ng mga kababaihan.
"Hi. You look rich naman, so you can join our group." bati nang isa na sa palagay ko ay ang leader ng grupo.
So kung hindi ako mukhang mayaman ay hindi nila ako gagawing kaibigan?
Napasinghap ako. Anong klaseng batas iyon? Buti pa ang mga mahihirap, salat man sa kayamanan sagana naman sa mga tunay na kaibigan.
"No need. She doesn't want to join your group, isn't obvious?" pataray na sabi ng kung sinong babae sa kumpol ng kababaihan.
"Okey fine. Besides, she looks mayaman lang but look oh! She's so cheap and we don't accept cheap in our group." paduro niya pang sabi sa pagkain ko.
Napasigaw ako ng mahina. Mga mukhang pera, like duh? Hindi naman na nila madadala ang pera nila sa kamatayan nila.
Napatigil ako sa pag-iisip nang maalala ang babaeng nagtanggol sa akin. Sa ibang istorya maaring pinagtanggoo niya ako, pero sa istorya kong ito, hindi siya pwedeng makialam dahil kaya ko ang sarili ko.
Ngunit kahit ganoon ay nais ko pa ring magpasalamat sa kabutihan niya.
"A-aah salamat pala ah." sabi ko.
"No problem" ngiting-ngiti niyang sabi.
"Ako nga pala si Erica." introduce ko sa sarili ko sa kanya.
"Wow, nice name." may pagkamangha sa kanyang pagkakasabi.
Napatawa naman ako sa tinuran niya.
"Haha, and oh, by the way I'm Babe." nilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan.
Hindi na ako nagdalawa, nagtatlo at nag-apat na isip bago ko pa man ito tanggapin. Dahil mukha naman siyang mabait, at sa tingin ko ay magiging magkasundo kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Ikaw at Ako
Подростковая литератураMasayahin at napakabait na kaibigan si Erica kay Babe noong mga panahong single pa silang dalawa. Ngunit nag-iba na lamang ang takbo ng kanilang relasyon ng makilala ni Erica si Roberto na sa oras pala na yun ay nobyo na ni Babe na matalik niyang ka...