Meet Ethan Jay Mortin and Evan Ray Mortin, the Identical twins.Tila parang pinagbiyak na bunga ang kanilang mga itsura, walang makapagtukoy kung sino sila sakanilang dalawa. Mapagkakamalan mo lamang ito na may iisang pagkatao, ngunit hindi ibig sabihin na dahil sila'y magkamukhang-magkamukha ay magkaugali na ang dalawa.
Nagkakatalo parin ito pagdating sa ugali.
Si Ethan ay isang tipo ng lalaki na hinahanap ng ilang mga babaeng gusto ng masayang relationship. Palangiti ito at palakaibigan sa kaniyang mga nasasalamuha. Madaldal ito at hindi nauubusan ng mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Masasabi nating hindi ito snobber kung kaya't hindi ka maiilang sakaniya kundi ay mas mapapalagay pa ang iyong loob rito.
Kabaligtaran naman ito ng kaniyang kapatid.
Si Evan naman ay isang tipo ng lalaki na hindi mo gugustuhin sa unang pagtingin sa kaniyang ugali ngunit hindi rin maikakaila na ang kaniya ring ugali ay isa sa hinahanap ng mga babae. Ito ay masungit hindi tulad ng kapatid niya na masayahin, mabait at palakaibigan. Ito rin ay hindi madaldal at tipid lamang magsalita na kala mo ay masama ang hininga kaya tahimik.
Magkaiba man ang kanilang ugali, hindi ito ang dahilan para hindi maging connected ang kanilang pag-iisip pagdating sa kalokohan na pinangungunahan ni Ethan na susumbatan naman ng kapatid niyang si Evan.
They look fine and have a sharp mind. But when you get to know them better, they are not just playful, but they are also a lazy 'good-looking' guys. Kung merong like mother, like daughter at like father, like son. Sila naman ay like brother, like brother.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging maganda ang kinahihinatnan ng kanilang mga pagkilos na hinahaluhan ng kalokohan. Nariyan parin ang pagkakataon na kailangan mong tumanggap ng disiplina.
Ang pagpapanggap nilang kambal sa isang pagkatao ang naging bunga ng kanilang disiplina na kaagad pinaunlakan ng kambal. Para sa kanila ay isa lamang itong kalokohan na matatapos rin kaagad.
Makikilala mo sila, bilang si Clive Smith na kasalukuyang nag-aaral sa South High, tinagurian siyang sikat at heartthrob na soccer player inside the campus premises.
Despite their playful plan, can they manage to stay behind the mask?
___• The pictures are not mine. Credits to the rightful owner.
© 2017
![](https://img.wattpad.com/cover/130441863-288-k228471.jpg)
BINABASA MO ANG
Double Trouble - REVISING
General Fiction"The twins and their own trouble." -- Can they manage to stay behind their mask? All Rights Reserved 2017