Jean's POV
Nasasaksihan ngayon ang pressure mula sa soccer field. Nakikita rin ang tension sa lahat ng mga players, pati narin ng mga nanonood. Idagdag pa ang sinag na nagmumula sa araw na mas lalong nagpapainit sa laro.
Punong puno ang mga bleachers kasabay nito ang mga sigawan at hiyawan ng mga tao, iyon lamang ang tangi mong naririnig sa buong soccer field.
Kanya-kanya sila ng paggawa ng mga banners and posters kasama narin ng pag cheer nila sa mga bet nilang players.
Hindi rin maiiwasan na hindi mo mabunggo ang mga katabi mo. Halos matapunan na nga ako ng softdrinks mula sa pagkakahawak nila dahil sa sobrang taas ng pagkaexcitement.
Lalo na ang mga kababaihan sa likod ko na hindi naman taga South High pero todo ang pagcheer sa team ng school namin.
"Feeling ko si Clive nanaman ang magbubuhat ng team nila." I overheard from the back. Malakas pa ang pagkakasabi nito para lamang magkarinigan sila mula sa malalakas na hiyawan ng mga tao.
"Omg ang pogi talaga!" kilig na sabi ng isa nilang kasama.
"Go Clive!" sabi rin ng isa.
"Diba dapat ang chinecheer natin ay si Steven? Siya ang pambato ng school natin." rinig kong sabi ng isang rin nilang kasama. Base sa boses niya ramdam kong kulang nalang ay umirap ito sa kausap niya.
"I know right, pero sino ba naman ang hindi mahuhumaling kay Clive?" depensa ng kasama nito. " He's too gorgeous and besides ang galing talaga niya!"
They're four girls and wearing the school uniform of North High. Hindi nalang ito pinansin ng babaeng nagsabing dapat si Steven ang icheer nila, ganundin ang tatlo pang babae. Sa halip ay mas pinagtuunan nalang nila ng pansin ang laro.
North High ang pinakamatagal nang kalaban ng school namin which is called as South High. Sabay itong natayo at nagbukas sa publiko. Eversince ay lagi na itong magkalaban sa anumang larangan.
Masasabi kong sila na ata ang may tunay na forever dahil hindi parin ito nagtatapos. Kahit ang mga alumni students na first batch ay iyon rin ang naabutan.
I'm from South High, and already in 11th grade. I'm one of the members of Journalism Club, na-assign ako ngayon dito ng Editor-in-Chief namin, which is ang magcover ngayon about sa Sports.
Hindi ko pa ito masyado gamay dahil ang mga na-aassign lang sa akin ay more on sa mga Academic track.
Its actually just my Second time na mag cover tungkol sa Sports.
Ang una ay about sa Basketball, pero this time its all about Soccer.
Medyo kinakabahan rin ako dahil sumakto pa ito ngayon sa laro between the two huge schools.
I was about to decline the task pero sinabi sakin ng Editor-in-Chief namin that my grades are getting low these past few days and there is a chance that I might fail this sem. But, this Cover Story might save me...
...well slightly.
Hawak ang aking DSLR, kinukuhanan ko ang bawat galaw and angles ng mga team players namin.
Binilin pa sakin na si Clive ang pagtuunan ng pansin dahil siya raw talaga ang pinunta ng ilan dito. Hindi lang ilan, pero parang lahat ata ng mga nanonood ngayon.
Me? I'm just doing my job. But, I have to admit, part of me want to see him play.. Live. At hindi lang mula sa mga bibig ng fans niya.
Ngunit tinatry ko pa ring kuhanan ng angles ang iba, dahil hindi naman pwedeng si Clive lang ang maglaro mag-isa diba? He also needs his team. Without a team, he can't win alone.
BINABASA MO ANG
Double Trouble - REVISING
General Fiction"The twins and their own trouble." -- Can they manage to stay behind their mask? All Rights Reserved 2017