Jean's POV
Its been like 2 years since nakakuha ako ng scholarship mula sa South High. Nasaksihan ko narin ang mga laro between the South High and the North High.
You can't say na isang school lang ang laging nanalo pagdating sa anumang larangan. May mga pagkakataon pa rin naman na natatalo ang South High mula sa North High, vice versa.
Wala namang laro na palagi kang nananalo, people should accept defeat sometimes.
Also its just a game, tanging pride lang ng magkabilang school ang umiiral. Sa 2 years kong pag-aaral dito ay wala parin akong ideya kung bakit sila naglalabanan. Maybe dahil we're from South and they're from North? No one knows.
Isang buwan na ang lumipas, hanggang ngayon ay hindi parin pumapasok ang pambato ng South High. Medyo nagging lie low rin ang Soccer team ngayon pagdating sa match up games.
Two days after the game, bigla nalang siyang nawala na parang bula after niyang ma-discharge sa hospital, dahil sa natamo niyang injury nung araw na iyon.
Walang nakakaalam ng dahilan pero ang hula ng ilan ay dahil sa nangyaring pagkatalo ng school. Marahil dahil sa kahihiyan na inabot. Lalo na't nabalitaan ko pang isa siya sa nagpush na makalaban ang team ng North High.
Napapailing na lang ako habang iniisip iyon.
Naging malaki itong usap-usapan sa buong campus. Kaya naging bali-balita pa ito ng mga teachers, students and staffs ng halos dalawang linggo.
I feel sorry for Clive, masama ang timpla ngayon ng Head sakanya. Dahil sa nangyari ay sunod sunod na ang pang-aasar ng kabilang school samin. Naghahamon pa ulit ito ng laro na siyang tinanggihan ng Head of South High. Mas lalo pa tuloy ito nag-udyok sa kanila na ipagmayabang at ipamukha samin na matatalo lang rin naman raw kami ulit.
Ang yayabang.
"Jean, are you done for the final revise of your story for this week?" napatigil ako sa pagtatype nang bigla akong puntahan ng Editor-in-chief namin.
Tumango naman ako bilang sagot. Tumayo ako upang ibinigay sakanya ang hard copy ng cover story ko.
Ngumiti naman ito ng bahagya, "Good, babalik nalang ako kapag may kailangan pang linisin." sabi niya habang binabrowse ang binigay ko sakanya.
"Yes po." sabi ko.
Tumango siya bago nagsimulang maglakad palayo.
Rinig ang tunog ng heels niya sa buong kwarto, hindi tuloy mapigilan ng ilan na tingnan siya. Her aura is really intimidating.
She is Irene Veran, our Editor-in-chief. The daughter of Philip Veran, the owner of Veran Newspaper. Na siyang sikat ngayon sa publiko.
Nasakanya talaga ang dugo ng pagiging isang Journalist, we can say that she really is a good leader. Currently siyang 4th year college, which means na graduating ito.
Kaya ngayon ay sinisimulan na rin niyang i-train ang iba pang members na may possibility na pumalit sakanya.
Baguhan palang ako noon ay hindi maikakaila na magaling talaga siya. Isa rin siya sa mga best pick ng past Editor-in-Chief namin. Kaya nang mag 4th year highschool ako ay siya na ang tumayong bagong Editor-in-Chief.
They never failed to pick the rightful one to lead. Lahat ay laging nasa ayos at focused talaga ito sa work niya as a Journalist.
Pinagpatuloy ko na ang pagtatype para sa cover story ko for this day. Medyo nangangarag lang ako kaya tinatry kong tapusin ito ng maaga para magawa ko rin ang iba pang naassign sa akin.
BINABASA MO ANG
Double Trouble - REVISING
Ficção Geral"The twins and their own trouble." -- Can they manage to stay behind their mask? All Rights Reserved 2017