Suspended (Finish)

24 15 0
                                    

Kath POV

Nung pinakita ko kay Sam ang dahilan kung bakit ako pumunta sa roof top, para itong tanga kung manermon. Daig pa si mommy.

"Ano? At binuo mo pa yan?" Gulat niyang saad habang naka tingin sa Dyosa kong picture, char!

"Siyempre sayang ito!" Saad ko.

"Gosh! Mayaman ka naman! Bakit Hindi ka na lang mag print sa inyo niyan" hindi makapaniwala niyang saad.

"Oo nga pala! Bakit ba kasi hindi mo agad sinabi!" Saad ko.

"Aba! Sinisi mo pa talaga ako!"

"Oo nga noh? Bakit nga ba kita sinisisi?, sorry na" saad ko.

"Kath, mommy mo nasa guidance" singit ng isa naming ka klase.

"Kamukha mo mommy mo." Hindi makapaniwala niyang saad.

"Pero mas magulat ka kung ikaw ang kamukha ko." Saad ko.

Pumunta na ako sa Guidance, bakit kaya yun nandoon?

Baka naman may nagawa siyang kasalanan?

"Mommy, ano pong ginagawa niyo dito?. Alam po ba ito ni kuya? Ako nga po walang kaso sa school, tapos ikaw nasa guidance.na agad. Mommy talaga! Ano bang ginawa mo at para maparusahan ka at ipatawag dito?"sunod sunod kong tanong.

"Naku! Manahimik ka nga sa katangahan mo kath! Dahil sayo kaya ako napunta dito. Ewan ko ba sayo, ano ba ang mga pinag gagawa mo dito sa school, at napa tawag ako?"

"Si mommy talaga! Pinaandar na naman ang Tangahan! Kayo nga ang tinatanong ko. Kung anong ginagawa mo rito eh"

"Ehemm! Mrs. Reyes hindi naman dahil kay kath kung bakit ka naandito" singit ng head.

Bakit nga ba head ang tawag sa principal etc.?

Hindi naman sila mga mukhang ulo eh.

Dipende na lang kung ulo ang basehan sa pagiging

"Eh, bakit po naandito si mommy?"tanong ko.

"Dahil kay keith" saad niya.

Kay kuya?

"Si kuya po? Bakit po?" Tanong ko.

"Nahuli siyang nag che cheat, kaya gusto namin silang kausapin, to know why keith do that"

"Hi kuya, nag cheat ka? Ano ba yan! Dapat sinabi mo na lang sa akin na hindi mo alam para ako na lang ang nag pakopya sayo. Ka ta transfer mo palang!" sermon ko kay kuya.

Pero sinamaan lang ako nito ng tingin.

"Dahil sa nag cheat si keith sa klase, I e expel siya ng 2 araw." Saad pa ng principal.

"Osige po, kung ayan ang nararapat" saad ni mommy.

Umalis na kami dun.

Siyempre, ano pa bang gagawin namin dun? Tumambay?

"Ikaw talagang bata ka, kung ano ano na naman yang ginawa mo!" Babatukan na sana siya ni mommy ng umiwas ito.

"Mommy! May act para sa pananakit!" Hirit niya.

"Mommy, ako na lang!" Hirit ko, at binatukan si kuya.

"Bakit mo ako binatukan? Kuya mo ako!" Inis niyang saad.

"Bakit? Wala naman pong republic act na nag sasaad na bawal saktan ang mga lalaki! Women rights lang yun!" Saad ko pa, na ikinatawa ni mommy.

"Paano ba yan? Naisahan ka na naman ng kapatid mo!" Natatawang saad ni mommy.

"Ano yun? Uyy! Share naman po diyan! Ang daya! Ako pinag uusapan niyo tapos po out of place ako, ano yun?!" Sabat ko. Na lalong ikinatawa ni mommy.

Yung mukha ni kuya hindi ko malaman kung tatawa ba o bubusangot eh.

Ang daya nila! Ni hindi ko man lang alam kung ano ang pinag uusapan nila.

Baka ako yun!

"Dahil suspended ka, ikaw ang mag lilinis ng buong bahay" ngiting tagumpay ni mommy.

"Seriously?" Hindi maka paniwalang tanong ni kuya. Binigyan lang siya ni mommy ng isang makahulugang ngiti.

"You need my help?" Tanong ko kay kuya.

"Yes, baby pwede bang ikaw na lang ang mag linis ng buong bahay?"pag papa cute niya.

Dahil cute siya, nginitian ko siya ng matamis, matamis pa sa honey.

"Ang bait talaga ng b---" pag puputol ko sa sinasabi niya

"Kuya, ang sabi ko you need my help? Hindi ibig sabihin nun ako ang gagawa ng lahat, pero dahil cute ka ngayon" pinutol ko muna yung sasabihin ko, dahil natatawa ako sa mukha ni kuya.

Habang si mommy, nanonood lang sa amin.

"Ikaw na lang mag linis mag isa. Wag kang mag alala kuya sweet ka naman eh. Sabi nga nila ang mga mababait pinag papala." Naka ngiti kong saad.

"Sana pag palain ako." Ngiting tagumpay niyang saad.

"Kuya, ang sabi ko ang mga mababait pinag papala, ang sabi ko sayo sweet ka, kaya tama na ang kaka assume kaya ka napapahamak eh!" Saad ko pa.

Na lalong ikina busangot ng mukha niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumawa ng malakas si mommy.

OMG! Hindi kaya na hawa na si mommy sa kabaliwan ng iba?

Ayoko lang mag karoon ng baliw na magulang.

Huhuhuhuhuhu.... Help me, please!

I want to get out of this earth!!!

Char! Wala naman akong mapupuntahan eh!

Hanggang dito na lang.

Hmmm...

Ps: walang repuclic act na nag sasaad na bawal manakit ng lalaki.
Kaya girls, alam na!

Kath HUGUTERANG TANGA (ON EDITING)Where stories live. Discover now