Outing

11 9 0
                                    

Kath POV

"Mga anak! Bilisan niyo na diyan, naandito na ang mga kaibigan niyo!" Narinig ko namang sigaw ni mommy mula sa baba.

Agad naman na akong bumaba pag katapos kong mag ayos ng gamit, one week daw kami sa resort sabi ni mommy, para daw makapag relax narin siya.

Pag kababa ko napa atras ako ng di oras, hindi naman kasi ako na abisuhan na Buong baranggay na pala ang kasama namin I mean buong pamilya, hindi sa ayaw ko silang kasama sabi nga nila the more the merrier.

Kung gaano kadami ang tao sa bahay namin nuong new year mas dumami pa ngayong outing!

"Ohh, hi!!" Tuwang tuwa kong saad.

"Hello kath!" Bati nila.

"Mom, kasya po ba tayo sa Van natin?" Tanong ko.

"Actually, kasya kaming lahat kasama na sila tita at pinsan Keith, kaso hindi ka na kasya dun eh." What? Ako pa yung nawalan?

Ganyan naman lagi eh! Ako yung nawawalan ako ang naiiwan.

Napatingin naman kami sa black sports car na dumating.

"Uy! Bro! Ang dami natin ah!!" Bati ni Railey kay kuya pag ka baba ng sports car niya, at ang mga pinsan ko ayun tulaley! Akala mo naka kita ng isang model! Actually model naman talaga si Railey! Pero iba yung tingin nila eh, natulo pa laway nila.

"Hahahaahha!! Ganun talaga!"

Nag tawanan naman silang dalawa! Ano Ang peg nila dito? Mag kwentuhan!?

"Nga pala bro! Diyan ka na lang sumakay sa sports car mo kasi hindi na kasya sa Van, isabay mo narin si Kath!" Saad pa ni kuya, hayss... Buti na lang may masasakyan ako!

"Ganun ba? Sige." Pag sang ayon ni railey. Nagulat naman kami kasi biglang nag sipag baitan ang aming kapamilya!

"Kath, dito ka na lang sa Van!"

"Kath, I insist!"

"Kath, dito ka na lang."

"Kath,dito ka na lang para makapag bond kayo nila tita."

"Kath, Dito ka na lang sa Van, tutal sa inyo naman ito."

"Kath,----"

"Yahh!!! Enough!! Ganyan kayo eh! Tatawagin niyo lang pangalan ko kapag kailangan niyo ako! Tsss!!" Pag papatigil ko, dahil para na akong artista sa ginagawa nila na humihingi ng autograph.

"Tssss, para masaya mag co commute na lang ako." Suhestyon ko, para naman wala nang gulo.

Ang problema, hindi ako marunong!! T_T

"No!" Sigaw ni kuya at ni mommy.

"Why?" Nag tataka kong tanong.

"Marunong ka ba mag commute?" Tanong ng pinsan ko.

"Hmmm... Oo!" Saad ko.

"Weh? Sige nga! Mag kano ang ibabayad kapag mag commute ka!?" Tanong ni kuya.

"Hmmm... Ano! 1000 bill para pang gas! Yun lang naman binabayaran dun eh!" Pag mamalaki ko.

"Ay tanga! Akala mo naman kung sinong mayaman!" Saad ni Mae. Alam ko namang Hindi kami mayaman, dahil lagi niya yun pina mumukha sa akin!

"Hayyss! Sumabay ka na lang kay Railey! Baka ano pang mangyari sayo!" Saad ni kuya.

"Oo nga, sumabay ka na lang sa akin, konsensiya ko pa kung may mangyaring masama sayo." Saad naman ni Railey na nag iintay ng isasagot ko, pumayag narin ako. Nakita ko naman si Mae na Inikutan ako ng mata.

"Let's go! Ang araw hindi makakapag intay yan!" Nag sipasukan na naman sila sa Van. Pati ako pumasok narin sa loob ng kotse ni Railey pagkatapos niyang buksan ang pinto ng sports car niya.

"Ayaw mo ba akong kasama?" Paninimula niya ng topic. Oag ka andar ng Sasakyan.

"Sinong nag sabi?" Tanong ko.

"Wala, iniisip ko baka ayaw mo langa kong kasama." Napakunot naman ang noo ko sa sinasabi niya.

"Bakit naman ayaw kitang kasama?"

"Hindi ko alam sayo, kaya nga ako nag tatanong eh."

"Kaya nga rin ako nag tatanong eh!" Saad ko pa.

"Wala lang, kasi kanina parang ayaw mong sumama sa akin at mas pipiliin mo pang mag commute kahit Hindi ka marunong." Saad pa niya.

"Siyempre! Ayoko naman ng gulo, narinig mo naman kanina na gusto nilang maka sabay ka."  Saad ko pa.

"Ahh, ganun ba." Tumango naman ako.

"Hmmm... Kath." Tumingin naman ako sa kanya saglit.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala." Nag tataka man, tumingin na lang ako sa daanan ulit.

"Hmmm... Kath." Baliw na ba siya? O sasabihin niyang walang brake ang sports car niya kaya kelangan kong tumalon mula sa bintana!?

"Sabihin mo na na sira yang brake ng sasakyan.mo para naman makapag handa na akong tumalon mula sa bintana." Saad ko.

"Hindi ah! Bago ako umalis chineck ko muna itong Sports car ko." Saad niya.

"So? Bakit nga?" Tanong ko.

"Bakit ganyan ka?" Nag tataka naman akong tumingin.

"Na ano? Mukha namang akong tao! Pinag kaiba lang natin lalaki ka babae ako, anong bakit ganyan ako?" Nag tataka kong tanong.

"Haisst! Ibig kong sabihin! Bakit ganyan ka umakto!"

"Na ano?"

"Umaakto kamg hindi nasasakatan kapag nilalait ka nila!"

Nag tataka naman akong tumingin sa kanya.

"Haisst! Wag na nga lang" bulong niya, ok.

Ilang minuto ang nag daan at malapit na kami sa Resort.

"Bakit ganyan ka! Kung makapag tanong ka daig mo pa asawa! Tayo ba!?" Bigla ko na lang nasabi.

Haissttt!! Ang hirap intindihin ng mga lalaki! Buti na lang naging babae ako.

Pag karating namin sa resort agad akong bumaba, wala lang masama ba?

Pag ka baba ko, a--- nong ginagawa niya dito?

O_O

Kath HUGUTERANG TANGA (ON EDITING)Where stories live. Discover now