Assuming Problem #3
"What! Ayoko. Ayoko! Wag ako" Habang naka-ekis ang kamay ko.
"Sige na pls. Ngayun lang naman eh. Just do this for me." Tinignan ko si Maishin at naka puppy eyes pa siya. Tinignan ko naman siya ng naka simangot.
"Alam mo naman Maishin na ayokong nagsusuot ng dress diba? Ayoko ng skirt? Ayoko ng party? Bat ako pa ang niyaya mo.?Huhuhu." Halos umiyak na ako sa harapan niya at nakita ko din na nangingillid na ang luha niya.
Napapaiyak na ako kasi isang oras na niya akong kinukulit na isama sa party. Yun ung dahilan kung bakit biglaan siyang bumili ng dress last time sa mall.
Akala niya kasi family event lang pero dadalo pala din dun yung mga bussiness partners ng mga magulang and tita't tito niya. Sila naman daw ay isasama yung mga kaibigan nila.
Kaya yan sinasama niya ako. Hindi naman sa ayaw ko pero ayaw ko talaga.
Kanina kasi nung dumating siya ng bahay may dala siyang maleta. Akala ko nga naglayas siya kayang alalang alala ako. Tapos pagkatingin ko yung dalawang dress at killer heels. Tas may mga makeup at curling iron pa.
Hindi yung party yung prinoproblema ko kundi yung mga laman ng maleta huhu. A-YO-KO niyan. Ayoko mag make up mag mumukha lang akong clown, ayoko ng dress makikita ang pata kong hita at ayoko ng killer heels ayoko ko pang mamatay. Mamaya pag sinuot ko yang mga yan nasa balita na may natapilok at namatay.
Si Maishin ay kasali sa Drama Club sa school at minsan pag nagprapraktis yan ako ang kasama kaya hindi ako madadaan sa iyak niya. Mwahaha. Kinuha ko ang phone ko at chineck ko yung twitter. Yup, my twitter ako follow niyo ko.
"Maishin kahit anong mangyari I will never ever ever go to that party. Hinding hin- Maishin anung oras ang start ng party??"
Gahd nakita ko sa tweet ni Crush na pupunta siya sa party nila Maishin. Hihihi
Makikita ko nanaman siya. *.*
"You mean sasama ka na?" Tignan mo tong si Maishin yung luhang tutulo na eh biglang umatras. Sabi sa inyo eh.
"Yup! Sasama na ako pero ndi mo ako lalagyan ng make-up at hindi ako magsusuot ng skirt at heels."
Nakita ko naman na nag bago ang facial expression niya. Hindi na siya nakangiti. Oh no. Patay.
- - - - - - - - - - - - - -
Kanina ko pa binaba itong dress na pinasuot sakin ni Maishin. Buti nalang at pinayagan niya akong mag blazer. Nilagyan niya din ako ng make up kaso tinanggal ko. hehe
Si Maishin ay kasama ng papa niya dun sa kabilang table. Pinapakilala yata soya sa isang bussiness partner ng papa niya. Nakita ko rin na may binatang kasama yung business partner. Siguro anak niya.
Kanina pa akong walang kasama dito sa table ko. Nakakabagot. Hindi ko pa makita si Carl. Nakakalungkot. :(
Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang cellphone. Para kunwari hindi ako op.
"Excuse me can I sit beside you?"
Patuloy ako sa paghahanap sa bag ko nung nakarinig ako ng boses ng lalaki. Kaya inangat ko ang ulo ko.
Shemay!
Si Carl ang aking long time crush.
Nakasuot siya ng polo at naka-unbuttoned ang tatlong butones niya.
Yung buhok niya na nakataas na mas lalong bumagay sakaniya.
Halatang hinihintay niya ang sagot ko kung pwede siyang tumabi. Nakakahiya parang gusto ko tignan kung anong itsura ko.