Assuming Problem #2
Gardoza High School.
Unang araw na ng klase namin at 10 minutes nalang ay mag riring na ang bell ibig sabihin dapat nasa klassroom na at walang estudyanteng nakatambay dito sa labas.
Kaso dahil wala pa ang aking prince charming ay matiyaga akong naghihintay sa kaniya dito sa upan na malapit sa gate.
Nauna na si Maishin sa klasroom dapat nga maghihintay din siya kasama ko kaso alam ko namang mainipan siya at baka hilahin niya ako papunta sa klasroom pag time na.
Kanina pa nagriring ang cellphone na hawak ko. Tinatawagan na kasi ako ni Maishin pero in-end ko lang. Hindi naman ako everyday ganto kaso dahil nag bakasyon at matagal ko na siyang hindi makita ay gusto ko bago ako pumasok ay masilayan ko muna siya. Para may inspired naman ako ngayong araw.
Carl ang name niya. Nakikilala ko siya kasi madalas kaming tumambay sa field ng school ni Maishin eh saktong naglalaro yung mga soccer team at kasama siya dun ang epic pa nga nung nangyari nun.
*Flashback*
Never pa akong nag ka-crush kaya hindi ko alam kung bakit himdi ko maalis yung titig ko sa isang lalaki na nag lalaro ng soccer. Hindi siya ganun kaputian pero kitang kita mo yung shape ng mga muscles niya. Nakita ko kung panong hindi niya nilubayan ang titig niya sa bola.
Sinipa na niya yung bola at sinipa ulit ng teamates niya. Nakita kong napatingin siya sa gawi ko at may sinisigaw siya pero hindi ko marinig. Hangang sa namalayan ko nalang nakahiga na pala ako sa damuhan.
"George ok kalang?? Bat hindi ka umilag." Rinig ko ang boses ni Maishin pero umiikot yung paningin ko kaya hindi ko siya makita.
"Miss ok ka lang?" Mukha ba akong ok? Medyo nakita ko yung lalaki pero blurd. Tinaas ko yung kamay ko.
"Andaming stars 1-2-3- ".
End of Flashback
Maya maya nakita ko na ang kaniyang mamahaling sasakyan. Agad akong nag tago sa puno. OKay George kaya mo ito. HIngang malalim.
1,2,3 Go.!
"Waaah! Late na ako!" nakita ko siyang tumingin sa direksyon ko.
Nasa unahan ko siya at unti unting binilisan ang takbo ko para malagpasan siya.
"Shit!/Ouch!" sabay naming sabi.
Paano naman po dahil nakatingin siya sakin kanina habang tumatakbo ako unti unting nanlambot yung tuhod ko kaya malalagpasan ko na sana siya kaso ayun na out of balance ako. Uy ndi ko sinasadya yan ahh. Hindi talaga. Promise.
Tumayo na siya at shemay hinawakan niya yung kamay ko at tinayo.
"Are you ok?" Gosh anlapit ng mukha niya sakin. Nakakatunaw yung tingin niya.
"I do." agad agad akong napatakip sa bibig ko.
"huh?"
Riiiiinnggg!!!!!
Save by the bell. Agad agad akong tumakbo. Tumingin ako sa likod niya at nakita ko siyang hinahabol ako. Pwede ba sa beach nalang kami maghabulan.
Medyo binagalan ko yung takbo ko para mahabol niya ako. Unti unti ko ng naririnig yung yapak niya. Yan na.
Napahinto ako ng nilagpasan niya ako at pumasok na siya sa isang klassroom. Akala ko pa naman hinahabol niya ako tas pag nahabol na niya ako tatanungin niya kung ok ako. Siyempre sasabihin ko hindi at pipilitin niya akong pumunta sa clinic pero ayaw ko kaya bubuhatin niya ako ng parang ikakasal tas magpupumiglas ako habang dinadahilan na late na ako.
T-teka late na ako. Late na ako! Tsk umaandar na naman kasi ang aking pagka assuming. Tumakbo ako ng mabilis hanggang pagdating ko sa klassroom. Pumasok kaagad ako at lahat ng mata nakatingin sakin na para akong isang kriminal. Nag-taas ako ng dalawang kamay.
"Inosente po ako wala akong kasalanan."
"George umupo ka na nga parating na si ma'am" sabi ni Maishin. Tsk. sayang effort ko sa pagtakbo wala pa naman pala si Ma'am.
Saktong pagupo ko ang pagdating ni Ma'am at diyan nag umpisa ang introduction.
Halos lahat ng subject nagpakilala lang at sinabi ang grading system nila. Sinabi din nila ang rules and regulation.
- - - - - - - - -
"Maishin nauna na ako. Hindi ko na kasi kayo nakita kanina eh. Sumabay ka nalang kay Dexter baka mapano ka pano ka pa. Gabi na. Sige." binaba ko na ang cellphone ko.
Kasalukuyan akong nasa jeep. Sinamahan ko kasi si Maishin sa mall at gaya ng dati halos lahat ng store dun napasukan na namin. Pagkatapos kasi ng school nagyaya si Maishin may bibilhin daw siya na dress dahil may event ang family nila.
Nakita namin si Dexter at yung loko nag kunwari na napadaan lang nung nakita namin siya eh. Obvious naman na kanina pa siya naka sunod samin ni Maishin. Kaya yan binilin ko na sakaniya si Maishin kasi gabi na at papagalitan na ako pero ayaw ko naman siyang iwanan mag isa buti nalang talaga at nandun si Dexter.
Pero kung minamalas ka nga naman traffic pa.
BEEEEEEEPPPPP!!!! BEEEEEEEPPP!!!!
Ansakit sa tenga! Kainis naman. Bat ba kasi sa pintuan pa ako ng jeep umupo.
Tumingin ako ng masama sa sasakyan na nasa likuran lang ng jeep namin.
0_0
Shocks! Shemay! Emeged! Boom Panes!
Ang gwapo *.*.
Parang nag slow motion ang lahat kaso
"wahahahahahahahahahaha"
nakasakay siya sa hello kitty na sasakyan. Pink na Pink.
"wahahahahahaha"
Halos hindi ako makahingi kakatawa nakita ko yung mga ibang pasahero na tinignan ako na parang nababaliw. Pero yung tinignan nila yung tinatawanan ko ayun nagsitawa din.
Wagas naman makatawa tong mga to parang may lalaking gwapo lang na nakasakay sa sasakyan na.....na h-hello kitty. Wahahahahaha. Sorry. OJ lang.
Nakita ko yung lalaki na nakatingin sakin na masama teka alam ba niyang siya ang pinagtatawanan namin? Ngayun ko lang napansin na nakaturo pala ang kamay ko sakaniya.
-------------------------------------
vote.comment
