Piling manonood lamang ang makikitang nakatayo sa platapormang yari sa matibay na kahoy. Kapuna-puna na pawang mga lalaki ang naroroon.
It was a one-hundred-fifteen-lap race over a four-mile circuit. The race had been running for nearly five hours, under a hot, punishing sun. And out of a starting field of ten cars—isa lang ang masuwerteng matitirang matibay.
Mayamaya ay inihudyat na ang pagsisimula ng karera. Umugong sa paligid ang malalakas na ingay ng nag-aangilang makina ng mga pangkarerang sasakyan.
Sa sampung sasakyan, ang asul na Ferrari ay pag-aari't minamaneho ni Jebu. Nang mga oras na iyon ay pumapang-apat ang asul na sasakyan sa karera, samantalang ang nangungunang itim na sasakyan ay minamaneho ni Brendan Wisell.
Mababakas sa mga anyo ng mga manonood ang matinding excitement kung sino ang mangunguna at magwawagi sa karerang iyon.
Samantala'y pormal lamang ang anyo ni Romano Perez sa hanay na iyon. Ito ang organizer ng naturang drag race at iyon ay lihim sa mga mata ng publiko. Isinagawa ng mga kasama nito ang naturang karera dahil lamang sa katuwaan at excitement, hindi sa anupamang rason bagaman may malaking premyong nakalaan sa mananalo.
Sa lahat ng mga kalahok, malaki ang kompiyansa ni Romano kay Jebu. Pero sa nakikita nito na malaki ang agwat ni Jebu sa katunggaling si Brendan ay mukhang mahihirapan si Jebu na makahabol.
What happened to him? sa loob-loob ni Romano na bahagyang nakakunot ang noo.
Ang ibang sasakyan ay hindi na nakapagpatuloy. May bumaligtad pagdating sa mataas na bahagi, may umusok ang makina at nasiraan sa kalagitnaan kaya natigil na. Ang natitira na lamang ay ang tatlo: ang itim, asul at dilaw na sasakyan.
Nakadama ng kasiyahan si Romano nang makitang nakahabol ang asul sa nangungunang itim. The two cars were approaching the north end of the oval-shaped track. Paliko at mataas ang bahaging iyon—the most dangerous track.
Sa pag-igpaw na iyon ng itim na sasakyan, sa tindi ng tulin ay makailang beses iyong umikot. Nawalan ng kontrol ang driver.
Samantalang matagumpay na nalagpasan ng asul ang mapanganib na track at ngayon ay patungo na sa direksiyon ng finish line.
Bakas ang pagkabitin ng hininga sa anyo ng mga manonood sa nakikitang matinding paghahamok ng dalawang sasakyan dahil nakabawi ang itim at ngayon ay matuling humahabol sa asul.
Naging wild ang sigawan ng mga manonood nang makitang malapit na sa finish line ang asul na sasakyan hanggang sa abutin ang puting linya.
Ilang sandali pa'y mabilis na lumapit ang tatlong lalaki para tiyakin ang kalagayan ng nanalong sasakyan.
Kaagad na lumabas sa Ferrari ang driver. Buong gilas na hinubad ni Jebu ang helmet sa kanyang ulo at sinalubong ang pagbati ng mga kasamahan.
Papalapit sa kanya si Romano na ang ngiti'y mababanaag sa asul na mga mata nito.
"CONGRATULATIONS! You made it!" ani Romano at mahigpit na nagkamay ang dalawang lalaki sabay tapik sa mga balikat.
"Thanks!" nasisiyahang tugon ni Jebu.
"Akala ko'y sasabit ka na," patuloy ni Romano habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng iba pang mga kasama.
Lumingon muna si Jebu para kawayan ang nakalabang si Brendan na gumanti rin naman ng kaway.
"This calls for a celebration. Nagkakaedad ka na, pero matatag pa rin ang pulso mo, brod!"
![](https://img.wattpad.com/cover/129266855-288-k76127.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight Blue Society Series 2 - JEBU -
RomanceJebu wanted revenge at any price... hanggang sa makaharap niya si Janelle. Namalikmata siya nang makita na ang babae ay nagtataglay ng maamong mukha. Natagpuan na lang ni Janelle ang sarili sa mga bisig ni Jebu, kapatid ng lalaking nagdala sa...