Broken

142 4 0
                                    

WARNING: FICTION

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

RJ Faulkerson POV

November 26, 2017

Yes. I have read that open letter. She sent me the letter before she posted it. Alam kong may pinagdadaanan siya and I did everything that I could as her boyfriend, and I will still do everything. I already knew that the sudden change in her life is taking a toll on her, but I never knew that it was this big already. Kapag tinatanong ko kung kamusta siya, she would always say na okay siya. She would always assure me that she is okay.

Alam kong may ilalabas siyang letter para sa fans and its about how hard it is for her already and how she wants to have that freedom, her freedom. But I didn't know that she was going to tell everyone that we are just friends. That I didn't know. To even worsen the situation, she wasnt answering my calls and I already knew that she was gonna turn her phone off. Im not going to be a hypocrite and tell everyone that I am okay, because I am not. I think my girl just broke up with me in public, kaya heto ako ngayon kahit pinapagalitan na ako ni Mama Ten dahil kailangan ko ng magpahinga. Hindi ko kakayanin na hindi ko makausap si Meng at hindi ako matatahimik nang hindi ko siya nakikita.

Ang alam ko ay okay kami at walang problema. I did not cheat on her. I spend time with her. I always make it to a point that I see her everyday and I talk to her every free time that I get. Marami na ako ngayong tanong sa isip ko nang dahil sa sulat na iyon. But aside from those questions I really wanted to make sure that she is okay.

I arrived at their home in Bulacan, not knowing whats gonna happen. As usual, si Yaya Pepe ang nagbukas ng pinto sa akin. Bakas sa mukha ni Yaya Pe na ang pag-aalala. Pagpasok namin sa bahay nila ay nakita kong seryosong naguusap ang mag-anak at nahinto lamang ito nang pumasok ako. Lumapit ako kay Nanay at Tatay para magmano.

"Nay, Tay, si Meng po?"

Bago pa man nila sagutin ang tanong ko ay nagkatinginan muna sila. Kinakabahan ako pero pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Upo ka muna nak." Mahinahon na sabi sakin ni Tatay at dito na nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko kasi alam kong may hindi tama. "Nak, alam kong wala kang mali at ginawang masama sa anak namin. Sinabi naman sa amin ni Menggay kung ano ang problema niya. Sana bigyan mo lang siya ng konting panahon at magiging okay din siya."

Tinabihan ako ni Nanay at tinapik sa likod. "Intindihin mo na lang muna siya ha! Sa mahigit dalawang taon ng kanyang career, ngayon lang siya nagkaganito at naiintindihan namin iyon. May mga bagay na kasi na nakasanayan na niya dati pa lang at sa isang iglap ay nawala. Menggay is a very independent and free spirited young lady at sa tingin ko isa din iyon sa mga dahilan kung bakit minahal mo ang Menggay namin. Kaya konting panahan lang nak, wag mong susukuan anak namin ha." 

"Opo Nay, mahal ko po si Menggay at hinding hindi ko po siya susukuan." 

Tinanong ko sina Nanay at Tatay na kung pwede kong kausapin si Meng kahit sandali lang. Mahal ako ng Menggay ko, alam ko kakausapin niya ako.

Pinuntahan ni Ate Nikki si Meng at pinababa para makapag-usap kami. Nang makita ko si Meng na pababa ng hagdan, nalungkot ako kasi hindi siya yung Meng na nakilala ko. Malungkot yung Maine na nasa harap ko ngayon.

"Usap muna kayo, doon lang kami sa kusina."

Nang makaalis si Ate Nikki, nilapitan ko si Menggay para yakapin pero umiwas siya. Iniwasan niya ako.

"Bakit ka pumunta dito? Hindi mo pa ba nabasa yung pinost ko sa blog ko? Hindi ba sinened ko na iyon sayo kanina? Hindi pa ba malinaw?"

"Meng, okay naman tayo di ba? Wala naman tayong problema. Mahal kita at nandito lang ako palagi para sayo Love."

Nilapitan ko ulit siya pero this time mas lalo siyang lumayo sakin.

"Love?"

"Umalis ka na RJ! Im setting you free."

I closed the gap between us and hugged her. I was crying and I was scared. I don't want to lose this girl.

"Love! Please. No. Please. Andito lang ako para sayo, hindi ako aalis. Sabihin mo lang sakin at makikinig ako."

"No!"

With those last words, she run upstairs to her room and I was left alone, broken and hurt. Nilapitan ako ni Nanay at niyakap. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanghihina ako pero alam ko kailangan kong lumaban para samin ni Maine. Ipaglalaban ko siya, ipaglalaban ko yung relasyon namin and even if I have to wait hanggang sa maging okay siya, gagawin ko. 

Holding On  (MAICHARD)Where stories live. Discover now