VICIOUS/VIC'S POV
Pssh! Another first day of school. Siguradong mababagot na naman ang buong taon ko. Pero kailan nga ba hindi naging mabagot ang taon ko? Araw-araw naman ganto ginagawa ko.
Ngayon ay naglalakad ako papunta sa room ko. Hindi ko na kailangan pang usisain kung saan akong room o section naka assign. Lagi lang naman akong nasa first section or star section kung tawagin nila. By the way, Leviour Academy ang school na pinapasukan ko. Pamangkin ako ng may ari ng school na'to at walang kaalam-alam ang ibang estudyante tungkol dito. Ang alam lang nila ay nasa ibang bansa ang mga pamangkin ng may-ari ng school. At tungkol naman sa mga anak nito ay walang nakakaalam. Maging ako na pamangkin nya ay walang ka alam-alam dito. Ayoko namang tanungin sya dahil lagi namang busy ito at kung saan-saan pumupunta.
Mabalik tayo sa topic, nagulat ako ng may kumalabit sakin pero kaibigan ko lang naman pala na si REIGN OKAZAKI YUKKI ACE LASTFORD or in short Reign. Ang haba naman kasi ng name nya.
Napansin kong hinihingal sya. Nakipag karerahan na naman to-.-
"Bakit ang tagal mo? Saan pa yung isa? Nagkarerahan na naman kayo sa hallway mga isip bata pa talaga eh. Hindi na kayo mga bata pero asal nyo pang bata parin kahit minsan. Edi kung sa..." Natigilan ako sa pagsesermon ng mag salita sya.
"Hep hep! Tama na...muna ang...talak Vic...yung isa...napapuntang faculty... office" Hinigingal na sabi nito. Tssk kahit kailan walang magawang matino 'tong dalawa.
"Wala talaga kayong magawang matino, hayst. Ikaw magpaliwanag doon kung anong nagyare ha. Sige na, punta tayong faculty office" Pagmamadali ko at agad na umalis doon.
"Sandali lang...hinihingal pako eh!" Ang daming reklamo sa buhay ng isang 'to.
"Sige, bahala ka! Ako ng mauunang pumunta doon. Sumunod ka na lang kung okay kana" Bakit parang feeling ko mga aalagain ko sila?-.-
Hayst, nag madali na lang akong pumunta ng faculty. Napa-isip naman ako kung bakit first day ng klase na punta agad syang faculty? For the first time of her fucking life? Nakatikim ang gaga na mapunta sa faculty.
Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nasa harapan na pala ako ng faculty room.
Kumatok naman ako ng tatlong beses at bigla namang may nagsalita na pumasok na daw ako sa loob. Agad din naman akong pumasok, isasara ko palang yung pinto ng may pwersang itulak iyon para bumukas.
"Woah! Sakto lang ako sa oras!" Sya na naman at hinihingal ang gaga-.- "So ano nang pag-uusapan? Hindi naman talaga ako na late sa pag..." Natigil sya sa pag-sasalita.
"Tama ng satsat. Pumasok kana lang ng matapos na!" Sigaw ng isang prof dito sa faculty room. Pfft, ang daldal kasi kaya ayan.
Nang nakapasok na sya ay saka ko lang napansin kung sino pa ang mga kasama dito. At ang masasabi ko lang naman is what the heck?!
What they are fucking doing here?!
"Ms. Vic, any problem?" Takang tanong ng isang prof sakin.
"Nothing, Ma'am Nati" Pinanatili kong kalmado ang sarili ko para hindi na ulit mag tanong si Ma'am.
"Ok so Ms. Vic and Ms. Lastford are here now so lets proceed to our topic" Ma'am Nati said
"Go ahead Ma'am. We'll be listen" Tssk may pa chill-chill pang nalalaman itong babaeng 'to! Grrr, kung alam ko lang na nandito rin pala sya, sana hindi na lang ako pumunta dito. Akala mo namang sya may-ari ng school na'to. Makahiga akala mong hindi estudyante. Hmm correction, it's stupidyante pfft.
YOU ARE READING
The Legendary Sovereign [Finding The Wanton Royal Princess]
AksiTittle: The Legendary Sovereign [Finding The Wanton Royal Princess] Genre: Mystery and action Writen by: TheVixenQueen ErraVicious Ignish Leighton, ang babaeng maraming sekretong itinatago sa ibang tao. Bukod sa magulo na ang buhay nito ay magkakaro...