Ako ay nagising nang walang kaalam-alam kung ano ang nangyari bago ako makatulog. Umagang pinagdududahan kung bakit ibang lugar ang aking nakikita. Isang barong-barong na marumi, mabaho at makalat.
"Hindi ito ang bahay ko! Bakit ako narito? Anong ginagawa ko dito?" Mga salitang binubusal ng aking isip.Napabangon na lamang ako mula sa pagkakahiga, at talagang napakasakit ng buong katawan ko. Ang paningin ay inikot-ikot sa buong paligid at paulit-ulit na tinanong ang sarili kung paano nga ba napunta ang isang tulad ko doon.
Sinubukan kong tumayo ngunit talagang masakit ang buong katawan ko, bakit ba? Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ganito? Napakabaho dito! Ayoko na rito! Gusto ko nang umuwi! Gusto ko nang umuwi pakiusap!
Pinilit ko pa ring tumayo ngunit sa pagpupumilit kong iyon ay isang malakas na pagbagsak lang ang iginanti sa akin ng katawan ko. Maya't Maya pa ay may isang lalaking di ganoon katangkaran ngunit di maikakaila ang sex appeal nito."O, ayos ka lang?" Habang inaalalayan niya akong tumayo ay napalaki nalang ang mga mata ko na nakatitig sa mala-machete niyang katawan na noo'y nakatuwalya pa't amoy na amoy ang gamit nitong sabon sa pagligo.
"Wag ka munang tatayo, di pa kaya ng katawan mo" at sa muling pagsasalita niya ay doon na ako natauhan.
"Marco? Bbb-bakit ka nandito? Ako? Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito? Anong ginawa mo? Bakit wala akong maalala? Marco? Bakit tayo magkasama!" Sunod-sunod na tanong na lumabas saking bibig.
![](https://img.wattpad.com/cover/130504683-288-k145377.jpg)