Tunay na Buhay ni Marco

3 0 0
                                    

"Ito ang tunay na ako, ito ang aking tirahan, nalasing ka kagabi, paulit-ulit na bumagsak dahil sa kalasingan, hindi kita maaaring patuluyin sa aking tinitirhan, magagalit ang amo ko “ sabi niya.

"Ano ? Hindi ba't ...''

''Hindi namin tirahan iyon, di ako mayaman, pasensya na Monik kung nag-lihim ako sayo pasensya na."

Sampo kaming magkakapatid, pangalawa ako. Sa aming lahat ako lang ang hindi bulakbol, palibhasa kasi kay nanay ako nagmana. Si nanay lang ang kumakayod para sa amin kasi si tatay ayun, present sa lahat ng inuman. Ang panganay naman namin maagang nag-asawa, na ngayon ay may pito na ring anak. Ang mga sumunod sa akin ay halos wala pang kamuwang-muwang sa mundo dahil may inaasahan sila, at kami ni nanay yun.

Murang edad pa lamang ay nagbabanat na ako ng buto para lang di mapagbuhatan ng kamay ni tatay. Kami ni nanay ang nagpapaaral sa mga kapatid kong walang ibang ginawa kundi ang magbulakbol lang.

Hanggang sa isang araw, sumuka ng dugo si nanay. Hindi naman namin siya magawang dalhin sa ospital dahil walang pera. Wala na ring mapag-utangan dahil baon na baon na kami non. Hanggang sa dumating ang araw na tanghalian na di pa rin nagigising si nanay kaya ginising ko na siya dahil pauwi na si tatay galing sa magdamag na inuman. Ngunit nang hawakan ko si nanay ay isa na siyang malamig na bangkay. Wala akong magawa nun kundi ang tanggapin.
Sa lamay ng nanay ko, kung sino-sinong kapitan, councilor, kandidato, kandidata at mayor ang nilapitan ko ngunit ni isa sa kanila ay walang tumulong sa amin kaya naghukay na lang ako sa lupa ng kamag-anak namin at doon inilibing si nanay.

Naligaw. Nag-isip. NatutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon